Q2 (iv) News From Around Wattpad
THIS IS IT, FLASH IT ULIT?!
Nagbabalik na naman ang flash fiction writing contest ng AmbassadorsPH! Para sa buwan ng Hunyo, hinahamon namin kayong gumawa ng flash fiction na naglalaman ng tatlong salitang aming babanggitin.
Magsulat lamang ng maikling kuwentong mayroong 250-300 na mga salita, Taglish, Filipino, o Ingles man ito, at kahit na ano pa ang nais mong genre.
Handa na ba kayo para sa tatlong elemento? Ihanda na ang inyong mga panulat at simulan na ang pagsusulat!
Ang tatlong elemento para sa buwan na ito ay...
Abangan ang buong detalye sa Write-a-thon Challenge book ng AmbassadorsPH!
Mga KaFanFic!
Nagbabalik ang Under the Rain With My Idol Writing Contest!
Hello! Kumusta ang Hunyo mo? Hindi ka ba makatulog sa gabi dahil sa mga patak ng ulan na palaging naghahatid ng mga alaala?
June na naman. Rainy season ika nga panahon na naman ng mga payong at mala-melodramang feels... Do you imagine yourself na ma-istranded sa gitna ng ulan kasama ng favorite mong Oppa or with your Idol?
Bakit hindi ka magsulat ng isang maikling kwento kung saan ikaw at ang pinakamamahal mong oppa ang bida?
Kung interesado ka sa patimpalak na ito, bisitahin ang WattpadFanFicPH para sa buong detalye!
Isang kakaibang patimpalak ang darating ngayong Hunyo sa WattpadRomancePH.Oras na para mabigyan ng pagsubok ang mga tagahatid ng kilig! Abangan ang patimpalak ng WattpadRomancePH na magtatampok ng mga akda ng Wattpad Ambassadors. Mula sa pagbabantay at pagsusulong ng mga ppatimpalak na ito, ngayon, ang mga Ambassador naman ang susubok na sumulat ng kuwento ng pag-ibig.
Abangan ang kanilang akda, pagka't ang boto niyo ay may mahalagang papel na gagampanan dito!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro