Q2 (i) Panayam kay FGirlWriter
1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?
My username was FrustratedGirlWriter before–dahil napu-frustrate na 'kong makatapos ng akda no'ng nag-start ako sa Wattpad. Frustrated ako maging writer. But now, since hindi na 'ko" frustrated" (hehehe), I changed it to "FGirlWriter", so the "F" would stand na lang for "Faithful", "Forgiven", "Favored", etc.
2. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makapagsulat ng kahit anong kuwento na walang limitasyon, ano ang magiging tema nito?
Love, redemption, and transformation
3. Ano ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat?
Isa sa pinakamahirap siguro ay 'yung proseso mismo nang pagsulat, 'yung pagtitipa mismo ng mga salita, at 'yung paghahabi ng mga salita sa oras na hindi ka naman "motivated" to write, but you have to. The number one enemy nga raw ng isang writer ay katamaran. Hehe.
4. Saan mo nakikita ang sarili mo pagkalipas ng limang taon?
I can still see myself writing stories and publishing my own books with my own brand.
5. Ano ang nagsisilbing inspirasyon sa iyo pagdating sa pagsusulat ng kuwento?
When I was starting, all I had was my faith. That was my greatest motivator, dahil kahit family or friends ko, hindi pa alam na nagsimula na pala akong sumubok magsulat. After the years, I still have Christ as my greatest inspiration in writing, added with the love of my dear readers, my CDisciples.
6. Ano ang iyong kahinaan pagdating sa pagsusulat at ano ang ginagawa mo para ma-improve mo ito?
Technically speaking, I'm not great at vividly describing a character's physical appearance (kung ano eksakto ang itsura, ang suot, etc) and I lack in description sa places or settings. And what I do is I'm still continuously trying and describing. I research how things or places are called, so I can somehow write it well.
7. Kung papipiliin ka kung anong kuwento ang gusto mong maranasan sa totoong buhay, ano ito at bakit?
I like to get married and have children. I want to build a family that my future husband and I can minister and have a full household that loves and serves the Lord.
8. Ano ang inyong motto pagdating sa pagsusulat? Bakit mo ito naging motto?
I have this life verses I hold onto and has been my guide in writing and not giving up in writing:
"Let all that you do be done in love." - 1 Corinthians 16:14. I always believed that if you love what you do, if you're truly committed and giving your best—it will show. Most of the things that we do turn out great when we do it with honest passion and commitment.
9. Maaari mo bang ibahagi sa amin paano mo ginagawa at binubuo ang mga karakter ng iyong mga kwento?
Wala akong eksakto at standard na process sa pagbi-build ng character. What I make sure of is that the meaning of their names will correspond sa plot or theme ng kuwento. I don't just make names for a character, I need to know the meaning behind it.
10. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?
Alam kong gasgas na 'to, but keep writing. A writer writes. So let the words come out, kahit gaano kagulo. Because once you can visually see it, you can organize/edit it later. Write with love no matter what your reason for writing is.
11. Ano ang mensahe mo sa iyong mga mambabasa?
To my readers, my CDisciples, thank you so much for reading my stories, for supporting my physical published books, for letting me share my faith, for respecting the process I had to go through as a writer and an individual, for understanding the times that I couldn't hold my pen, and for patiently waiting until I could write with love, again. Thanks for staying and not giving up on me. Jesus in me loves you!
FIVE FUN FACTS / TRIVIA ABOUT YOU OR YOUR STORIES:
1. My favorite color now is pink or any light shades of pink.
2. Dapat "Czarina" ang ipapangalan sa 'kin ng mom ko.
3. Bari Delos Santos and Johann Anderson are the most well-loved FGW characters.
4. Valleroso Clan Series will consist of 16 books.
5. My love language is quality time.
THEME: Magsulat ng kuwento na may tatlong elemento na babanggitin: Affair. Mafia. Jollibee.
Quick Moments: Johann, Saphi, and Isaiah
Sapphire was expecting that her son's third birthday party would be colorful just like his previous parties. Pero hindi niya alam na ang theme na pinaset-up ng asawa niya sa crew ng Jollibee ay "Mafia".
Ito na raw ang mag-aasikaso ng lahat para sa birthday ng panganay nilang si Isaiah. Kaya't hindi siya masyadong nangialam. But she was wrong to let him!
"Johann! Bakit ganito ang theme? It's dark and our giveaways are toy guns? Pumayag ang Jollibee sa ganito? Si Isaiah ba ang may gusto nito o ikaw? Is this glorifying to the Lord?" ratrat niya rito out of the unexpected turnout of that affair.
"Misis, kalma!" Tumawa pa ito at binuhat si Isaiah. Nakasuot ang maliit niyang anak ng itim lahat--long-sleeves polo, pants, shoes, and a fedora hat. Tapos, may laruang baril pang hawak. "Tingnan mo, gusto 'to ni Isaiah kasi hindi umaangal sa suot niya."
"I'm a Mafia baby!" Isaiah giggled. Niyakap ito ni Johann na ganoong-ganoon din ang get-up--like a Mafia boss straight from those movies!
"I don't like this!"
Isaiah cutely gasped. "Lagot ka, Tatay. Gagalit si Nanay ko."
Johann apologetically smiled. "Sorry, Misis. Ang cute lang kasi nitong mafia-themed costume for father and son. Twinning! Kaya naisip kong ganito na ang theme ng party."
She inhaled and exhaled. Cute nga kasi talaga. "This is the very last affair you're going to arrange for the kids, Mister."
He kissed her cheeks. "Okay, deal!" ngisi pa nito na parang iyon talaga ang gustong mangyari...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro