Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Q1 (iii) News From Around Wattpad

Mayroong minahal at pinili. Mayroong naiwang mahalin ang sarili. Mayroon din namang pinag-aagawan, at mayroon din namang nang-iiwan. 

Pero paano kung sa pagkakataong ito, iisang tao lamang ang nakaranas nito?

Ngayong buwan ng pag-ibig, sa loob ng 800-1000 na mga salita, pumili lamang sa apat na scenario na maaaring kahihinatnan ni Jopay, at bigyan natin ng kulay ang kanyang buhay. Tiyaking nakasulat ito sa wikang Filipino at sumusunod sa temang "Jopay Love on You".

I-follow lamang ang AmbassadorsPH para sa iba pang detalye.

Maligayang buwan ng Puso mga Ka-FanFic! 

Kumusta na ang lagay ng iyong buhay pag-ibig?Team Single ka ba or team Taken?Ngayong buwan ng Feb-ibig halina't makisaya at umibig sa aming bagong prompts at initiatives para lamang sa inyo. 

Hatid sa inyo ng FanFicPH ang isang prompt na susubok sa inyong kakayahan sa pagsulat ng mga kuwento. Inihahatid ng WattpadFanFicPH at WattpadFantasyPH ang...A FanFic to Your Heart Writing Contest.

Ang isa sa mga hilig mong gawin ay ang sumulat ng mga fanfiction. Habang hinihintay mong matapos ang taon, nakabuo ka ng isang napakagandang plot twist para sa iyong kuwento. Nang sumapit ang bagong taon ay hindi mo inaasahan na magkakatotoo ang iyong isinulat at ikaw mismo ang bida. 

Abangan din natin ang mga reading list tampok ang tambalang KDLex!

I-follow ang WattpadFanFicPH para sa kumpletong detalye at sa susunod pang mga update.

Hatid sa inyo ng WattpadFantasyPH ang isang anthology project na nagnanais mag-feature ng mga maikling kuwento mula sa mga talentadong manunulat sa ating Fantasy Community! 

Nais mo bang mapabilang dito? Basahin ang aming guidelines at ang tema ng anthology sa FantasyPH Anthologies book na matatagpuan sa WattpadFantasyPH profile.

Kami'y excited sa mga kuwentong aming mababasa!

Kasabay ng pagsasara ng taon ay ang muling pagbubukas ng isa pa. Kaya para sa unang patimpalak ng WattpadRomancePH, nais namin kayong bigyan ng pagkakataon na magkaroon ng kapangyarihan na balikan ang nakaraan o kaya naman ay bisitahin ang hinaharap.

Hanggang sa ika-20 ng Pebrero, magsulat ng open letter para sa isang tao mula sa nakaraan o sa hinaharap. Malayang gamitin ang pagiging malikhain sa pagbabahagi ng iyong kuwento at sabihin ang nilalaman ng puso sa contest na ito: Dear You. 

Para sa kumpletong detalye, i-follow lamang ang aming profile WattpadRomancePH at i-click ang link na ito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro