Q1 (ii) Writing and Multimedia Tips
Ano ba ang Point of View sa pagsusulat?
Ang bawat klase ng pagsusulat ay mayroong kanya-kanyang point of view. Mapa-kuwento, sanaysay, o blog entry man into, mayroon pa rin itong pinipiling point of view.
Ang point of view ay ang posisyon kung paano tinatalakay ang kuwento. Dinidikta nito kung sino ang nagsasabi ng kuwento. Ang pagdedetermina ng malinaw na point of view ay mahalaga dahil ididikta nito kung paano bibigyang kahuluhan ng mambabasa ang mga karakter, pangyayari, at iba pang importanteng detalye sa kuwento.
Mayroong tatlong klase ng point of view: first person, second person, at third person.
First Person Point of View
Sa first person point of view, nagkakaroon ng access sa kuwento ang mambabasa sa pamamagitan ng isang tao. Ito ay katulad ng pagbabasa ng diary ng pangunahing tauhan. Mapapansin ang paggamit ng mga panghalip na ako, akin, atin, tayo, kami sa Filipino o kaya naman ay I, me, my, we, our, us sa Ingles.
First-person Central: Sa first-person central, ang narrator ng kuwento ay siya ring bida rito. Ilan sa mga halimbawa ng first-person central ay To Kill a Mockingbird ni Harper Lee at Alias Grace ni Margaret Atwood.
First-person Peripheral: Sa first-person peripheral, ang narrator ng kuwento ay saksi sa mga pangyayari ngunit hindi siya ang bida rito. Ilan sa mga halimbawa ng first-person central ay The Great Gatsby ni F. Scott Fitzgerald kung saan ikinukuwento ni Nick (kaibigan ni Gatsby) ang mga nangyayari kay Gatsby.
Bakit first person point of view?
1. Nagbibigay ng pagkakakilanlan. Natutuklasan ng mga mambabasa ang ilang mga impormasyon kasama mismo ang bida ng kuwento. Dahil dito, nagkakaroon ng ugnayan ang mambabasa at ang bida, at nararamdaman ng mambabasa na kasama talaga siya ng bida sa magiging takbo ng kuwento ng buhay nito.
2. Nagpapahayag ng opinyon. Maaaring magpahayag ng opinyon sa pamamagitan ng kuwento. Maging ito man ay opinyon ng karakter o ng manunulat, ang paggamit ng panghalip na Ako o I ay mahalaga dahil ipinahihiwatig nito na ang sinabi sa kuwento ay isang opinyon na siyang magbibigay ng pakiramdam ng pagiging pamilyar sa mambabasa. Dahil dito, nagkakaroon ng pagkakataong maimpluwensiyahan ang mambabasa sa opinyong ipinahihiwatig ng mga karakter.
3. Bumubuo ng intriga. Dahil may limitasyon lamang sa kung anong pangyayari at impormasyon ang ibinabahagi ng karakter sa first person point of view, nagkakaroon ng intriga at misteryo sa ibang mga karakter.
Second Person Point of View
Ang second person of point of view ay gumagamit naman ng panghalip na ikaw sa Filipino o you sa Ingles. Sa point of view na ito, ipinahihiwatig na ang mambabasa ang bida ng kuwento at sa kanila nangyayari ang mga kaganapan.
Ito ang pinamakahirap isulat na point of view at bihira ang mga gumagamit nito. Kadalasan, ginagamit ang second person point of view sa self help books o kaya naman ay nonfiction.
Bakit first person point of view?
1. Kakaiba. Bihirang makakita ng mga kuwento na nakasulat sa second person point of view. Magsisilbi rin itong hamon sa manunulat upang makagawa ng kuwentong magbibigay ng kakaibang karanasan para sa mambabasa.
2. Lugar para magmuni-muni. Dahil direktang ina-address ang mambabasa sa point of view na ito, nabibigyan ng pagkakataon ang mambabasa na magmuni-muni sa mga kaganagapang nakapaloob sa kuwento.
Third Person Point of View
Sa third person point of view, mayroong abilidad ang narrator na malaman ang lahat tungkol sa kuwento. Makikita ang mga panghalip na siya, sila, niya, ito sa Filipino o he/she, him/her, they/them/their, it/its sa Ingles.
Mayroong tatlong paraan para isulat ang third person point of view:
1. Third-person omniscient: Malayang tinatalakay ng narrator ang tungkol sa kahit na kanino at kahit na ano sa kuwento. Walang limitasyon sa oras, lugar, o karakter na kayang i-access ng narrator. Halimbawa nito ay Pride and Prejudice.
2. Third-person limited omniscient (o third-person close): Nakasulat ang kuwento sa third person ngunit nananatili ang pokus nito sa iisang karakter lamang. Halimbawa nito ay Harry Potter.
3. Third-person objective: Sa point of view na ito, neutral ang narrator, at hindi makikitaan ng mga obserbasyon lamang sa mga karakter at hindi umaasa sa pakiramdam o iniisip ng mga ito. Halimbawa nito ay Hills Like White Elephants.
Bakit third person point of view?
1. Pagiging kumplikado. Ang mga posibilidad sa pagsusulat ng third-person ay walang katapusan. Hindi nalilimita ang manunulat sa mga iniisip, obserbasyon, o paggalaw ng mga karakter na siyang nagbibigay ng pagkakataon na makabuo ng mga kumplikadong mga mundo, balangkas, at mga karakter.
2. Kakayahang umangkop. Hindi nalilimitahan ng panahon o espasyo ang pagsusulat ng third-person kung kaya't maaaring galawin ng manunulat ang kuwento sa kahit na anong lugar o panahon na gustuhin nito.
3. Makapangyarihang narrator. Nagkakaroon ng bird's eye view ang manunulat sa third person point of view. Dahil sa anggulong ito, kasama na rin ang pagkakaroon ng access sa pag-iisip ng iba't ibang karakter, nagkakaroon ang naratibo ng mas makapangyarihang boses at nawawala ang bias ng narrator.
Design Elements and Principles from Canva
Ngayong taon, hihimay-himayin natin ang iba't ibang design elements and principles mula sa Canva.
1. Line
Ang linya ang maituturing na pinaka-basic na elemento sa pagdidisenyo. Sa pagdidisenyo, ang linya ay kahit na anong dalawang magkarugtong na point. Ang mga linya ay maaaring deretso o kurba, at maaaring makinis, magaspang, tuloy-tuloy, putol-putol, manipis, o makapal. Gumagawa ng division at hierarchy ang linya sa iyong disenyo na siyang tumutulong sa mga tumitingin kung saan ba dapat mapunta ang pokus sa disenyo.
Maaari ding magpahiwatig ng iba't ibang ideya ang mga linya. Ang mga deretsong linya ay maaaring magpahiwatig ng kaayusan at kalinisan, ang mga alon-along linya ay maaaring gumawa ng paggalaw, at ang mga zig-zag na linya ay maaaring magpahiwatig ng tensiyon o pananabik.
2. Scale
Ang scale ay tumutukoy sa relatibong laki ng isang elemento sa isang disenyo kung ihahambing sa isa pang elemento. Responsable ito sa paglikha ng visual hierarchy sa mga elemento ng iyong paglikha. Sinasabi nito sa mga tumitingin kung anong mga bagay ang titingnan, kung ano ang pagkakasunod-sunod sa pagtingin sa mga ito, at kung ano ang pinakamahalagang elementong pagtutuunan ng pansin.
3. Colour
Nakatutulong ang kulay na magkaroon ng mood ang iyong disenyo. Gumagamit ang mga artist at designer ng kulay upang ilarawan ang paksa. Ang kulay ay ginagamit ng mga designer upang ilarawan ang mood, atmosphere, liwanag, lalim, at point of view. Ginagamit ng mga designer ang color wheel at ang mga prinsipyo ng color theory—isang set ng mga alituntunin para sa paghahalo, pagsasama-sama, at pagmamanipula ng mga kulay—upang lumikha ng mga color scheme.
4. Repetition
Ang repetition ay simpleng pag-uulit ng isang elemento nang maraming beses sa isang disenyo. Halimbawa, maaari kang gumuhit ng isang linya nang pahalang at pagkatapos ay gumuhit ng ilang iba pa sa tabi nito.
Ito ay isang mahalagang elemento pagdating sa disenyo ng branding, parehong sa mga tuntunin ng pagpapanatiling pare-pareho ang iyong branding at pagsubok na pagsasama-samahin ang iyong mga item. Lumilikha rin ito ng consistency sa iyong disenyo at brand.
5. Negative Space
Ang negative space ay ang area ng layout na naiwang walang laman. Maaaring hindi lamang ito sa paligid ng mga bagay na inilalagay mo sa layout kundi pati na rin sa pagitan at sa loob ng mga ito. Ang negative space ay isang uri ng breathing room para sa lahat ng mga bagay sa pahina o screen. Hindi lamang nito tinukoy ang mga limitasyon ng mga bagay ngunit lumilikha rin ito ng mga kinakailangang bond sa pagitan ng mga ito ayon sa mga prinsipyo ng Gestalt at bumubuo ng epektibong visual na pagganap.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro