Q1 (i) Panayam kay riathebeloved
1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?
Maraming variations yung name ko, which is "Mary" and upong searching kung ano yung meaning ng name ko sa Bible, Tatlo yung nakita ko. Those are "rebellious, bitterness, and beloved". As a Christian with a new life, I don't see myself as rebellious and bitter anymore kaya naman pinili kong gamiting yung "beloved" at idinagdag ko sa "Ria" na nickname ko rin. Kumbaga ako yung "Maria" na "the beloved" sa tatlong translations ng pangalan ko. I also feel loved by Him whenever I read the word "beloved."
2. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makapagsulat ng kahit anong kuwento na walang limitasyon, ano ang magiging tema nito?
If I am given a chance to write a novel without any limitations, I'll explore writing a spiritual story based on real-life testimonies of those people na nabago ang takbo ng buhay because of the faith they have in God. With consent ng mga taong magsi-share sa 'kin ng testimonies nila.
3. Ano ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat?
Ang isa sa mga pinakamahihirap na aspeto ng pagiging manunulat ay ang kawalan ng sapat na time para magsulat. Yung tipong ang daming ideas na pumapasok pero walang oras para makapagsulat. Karamihan kasi sa mga authors and writers ay may busy rin sa buhay outside writing. Minsan ang hirap pagsabayin.
4. Saan mo nakikita ang sarili mo pagkalipas ng limang taon?
After five years, I'm hoping to see myself na successful and blessed both sa career na naka-align sa field ng pinag-aralan ko at sa writing career. Marami nang published/self-published na novels. I'm hoping na mas matured na rin ako spiritually, mentally, and emotionally that time.
5. Saan ka kumukuha ng inspirasyon kung ikaw ay nagsusulat ng isang kuwento?
Honestly, nakadepende kasi talaga sa mood kung mai-inspire akong magsulat o hindi. Once in a full moon lang kasi ako mag-UD. Pero ang masasabi ko lang, thankful ako kay Lord lalo na 'pag inaadya Niya na magkaroon ako ng maraming oras magsulat at maraming ideas. Thankful din ako sa readers and friends ko sa writing community na sobrang solid kung i-motivate ako to strive harder.
6. Ano ang iyong kahinaan pagdating sa pagsusulat at ano ang ginagawa mo para ma-improve mo ito?
Weakness ko in writing? Time management, literal na idling mode/pagbitaw 'pag nasa exciting part na or conflict na yung story, at pagiging makakalimutin at frustrated. Ang nagagawa ko pa lang para i-improve ang mga 'yon ay to face my fears and frustrations. Baby steps. Slowly lang. May kaunting improvements, but hindi pa masyadong nakikita sa writing. More on sa sarili ko pa lang nagma-manifest. But that's a good thing. May changes kahit mabagal.
7. Maaari mo bang ibahagi sa amin kung ano ang iyong proseso sa pagkatha ng isang kuwento?
Wala akong specific na process pero whenever may idea or plot akong naiisip, I'll write those down kahit main thoughts lang, world building, profiling ng characters, writing possible conflicts, then ending. Yung gaps, napi-fill out na lang habang tumatakbo yung story. Nagtitira talaga ako ng rooms para sa mga 'yon.
8. Ano o sino ang iyong inspirasyon sa iyong kuwento na "The Politician 2: River Sanders"?
Hindi ko na rin matandaan yung main inspiration ko kasi makakalimutin talaga ako, sorry po. It's been a while na rin since natapos kong isulat at basahin yung TP2RS. Pero ang natatandaan ko lang ay mahilig sina Empress at River mag-swim kaya pinanindigan ko na lang na related sa water ang mga bagay sa paligid nila. Saka ang complicated din ng story nila. Masakit sa ulo pero love ko sila.
9. Ano ang iyong goals pagdating sa pagsusulat ngayong 2023?
Goal ko ngayong 2023 na makatapos ng tatlong novels aside sa mga novel ko na under revision. Goal ko rin makapag-publish ng books, both self-pub and trad pub.
10. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?
Ang advise ko sa mga bagong manunulat, whenever magkakaisip kayo ng ideas and plot, write those down para hindi malimutan. Don't forget to research din kung possible ba yung mga bagay na gusto n'yong kalabasan ng story na gusto n'yong isulat. Hindi kasi ticket yung salitang "fiction" para maging sobrang hindi makatotohanan na yung itinatakbo ng story. May limitations iyon depende sa genre at mundong binuo ng writer sa story. Pray for more ideas, wisdom, knowledge, and strength coming from the Lord. Don't stop writing and be humble always. Don't compare your progress sa progress ng iba. Focus lang sa goal. Padayon!
11. Ano ang mensahe mo sa iyong mga mambabasa?
To all Beloved out there, palagi kong ulit-ulitin na mahal ko kayo. Thank you for loving and supporting me from day one. Salamat sa tiwala n'yo sa 'kin sa tuwing may story akong isusulat. Sobrang blessed ako to have you all. Thank you sa pagiging patient n'yo sa kabagalan kong mag-UD. Sorry kung paunti nang paunti yung pagpaparamdam ko dahil busy sa work at personal life. Hindi ko man alam ang mga mangyayari sa future, but I'm praying na mabigyan ko pa kayo ng stories na kapupulutan n'yo ng aral at inspirasyon. I hope someday magkita-kita tayo at makapag-bonding. May the Lord always keep you safe.
FIVE FUN FACTS / TRIVIA ABOUT YOU OR YOUR STORIES:
1. Mahilig ako sa kahit anong shade ng pink.
2. Hindi ako makatulog nang maayos 'pag walang music.
3. Mahilig ako sa cats at dogs.
4. Sobrang love ko ang seafoods kahit allergic ako sa mga 'yon.
5. Usually, hindi ako nag-aasukal o naglalagay ng gatas kapag ako ang nagtitimpla ng kape. Hinahaluan ko lang ng Milo or dalawang Flat Tops yung mainit na kape tapos tutunawin. Yung Milo or Flat Tops yung pampatanggal ko ng pait. 'Pag may gatas kasi tapos ako nagtimpla, nakakatulog ako.
THEME: Magsulat ng kuwento na may tatlong elemento na babanggitin: Jeep. Fireworks. Magkahawak-kamay.
Simple yet Sweet
It was a wonderful evening. Malamig ang simoy ng hangin at punong-puno ng mga bituin ang langit. Buhay na buhay ang bawat sulok ng food park na kinaroroonan ng dalaga. Nagkalat ang mga makukulay na ilaw at food stall sa paligid. Marami ring mga upuan at mesa na pwedeng tambayan. Sulit ang dalawang sakay niya ng jeep para makarating doon.
Dagsaan ang mga tao dahil talagang masasarap at dinarayo ang mga pagkain sa lugar. Idagdag pang tutugtog mamaya ang sikat na bandang The Paper Roses.
Napahinto sa paglalakad ang dalaga nang magtama ang paningin nila ng kaniyang nobyong si Rafael. Napagpasyahan nilang magkita ngayong gabi at kumain sa labas.
Nakapila ito sa harap ng stall ng paborito nilang pagkain. Kinawayan siya nito kaya agad niyang nilapitan. The man immediately held her hand and gave her a gentle kiss on the forehead. Kinumusta nito ang naging araw niya habang naghihintay sila sa pila.
Nang matapos makabili ng mga pagkain at inumin ay humanap sila ng mauupuan. Doon sila nag-stay hanggang sa tumugtog ang The Paper Roses. Laking gulat ni Pamela nang biglang tumayo si Rafael nang kinanta ng banda ang "Tinatangi Kita".
He offered his hand for a dance. Natatawa man, ngunit tumayo rin siya at nakipagsayaw rito tulad ng ginagawa ng iba pang mga magkasintahang naroroon. Patapos na ang kanta nang magkaroon ng fireworks display. Lahat sila ay napatingala sa langit.
It was a simple yet sweet and memorable night to Pamela.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro