Q1 (i) Panayam kay BLURRYTHINKER
1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?
Fan ako ng twenty one pilots. Kilala si Blurryface bilang tauhan sa kuwento ng mga kanta nila, kung alam n'yo 'yong Stressed Out, nabanggit ang pangalan niya ro'n. Doon ko nakuha ang Blurry, idinugtong ko ang thinker para magkaroon siya ng meaning. Noong unang beses ko kasing nagsulat nang tuluyan at kinailangan ko ng username dito sa Wattpad, malabo buhay ko no'n. Naisip ko, kung wala rin namang patutunguhan buhay ko, ikuwento ko na lang 'to sa iba. 'Tsaka, kaya all caps 'yang username ko, no'ng gumagawa ako ng book cover para sa Last Hope, ayaw maiba n'ong writer's name, laging naka-all caps. Edi 'wag kako, excited na akong i-post 'yong book cover, e.
2. Gaano kahalaga sa iyo ang pagsusulat at bakit?
Sobra, tagos hanggang kalawakan. Writing saved me. Malaya akong sabihin 'yong mga naiisip ko nang hindi natatakot. Kaya kong makipag-usap sa ibang tao. Kaya kong maabot 'yong mga malalayo. Kaya kong maging boses ng iba. It feels like I can save someone just by writing.
3. Mayroon ka bang sariling akda na nais mong irekomenda sa mga hindi pa nakapagbabasa ng iyong gawa?
Last Hope. First novel na natapos ko. Imperfect, pero binuhos ko sarili ko sa nobela na 'yon. Introduction din sa kung tungkol saan ang mga isinusulat ko.
4. Sa pagpasok ng taong 2023, ano-ano ang mga dapat abangan ng iyong mambabasa sa iyo?
A new story. Balak ko talagang i-publish ito ng January 1, kaso hindi ko natapos dahil ang daming ginawa sa school. Ilang chapters na lang naman at editing, pwede na.
5. Ano ang iyong ginagawa kapag nakararanas ka ng writer's block?
Hindi ako nagsusulat. Kung gusto kong mag-scroll lang sa social media, go. Kung gusto kong kausapin 'yong pusa ko, sige lang. Kung gusto kong kumain, kain lang. Kung magsusulat kasi ako nang wala ako sa mood, napakatabang talaga ng sinusulat ko, wala rin silang gana. Kaya ayun, edi 'wag magsulat, hanap na muna ako ng mga inspirasyon mula sa iba kong gagawin.
6. Para sa iyo, ano ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat?
Putting your ideas into words. Sa isip ko may mga love life na 'yong mga anak nila, pero sa isinusulat ko, wala pa rin silang label. Ang daling mag-isip, ang daling pagalawin 'yong mga larawan nila sa isip ko, pero kapag magta-type na ako sa laptop, ayaw na nilang kumilos. Ando'n din 'yong fun, kasi kapag nakuha mo na 'yong mood mo sa pagsusulat ulit, maglalakbay ka na naman papunta sa ibang mundo, it's worth it.
7. Ano o sino naman ang iyong nagsisilbing inspirasyon sa pagsusulat?
People. Their feelings, their thoughts, their attitudes—everything about them. She's quiet; I wonder what's going on in her mind. Someone's smiling while staring at nothing; what's that memory they remembered that made them happy? Someone got scared over a simple thing; where did that fear come from? It's about history, their minds, accomplishments, traumas, and overcoming stories. We want to dive deep down inside their minds, even if we face something terrifying.
8. Bukod sa pagsusulat, ano pa ang pinagkakaabalahan mo sa iyong libreng oras?
Playing guitar. Bukod sa pagmamahal sa pagsusulat, mahal ko rin ang musika. Sana nga lang ay nabiyayaan ako ng magandang boses para masaya.
9. Ano ang iyong pinakahindi makalilimutan na karanasan bilang isang manunulat?
Having an impact on people. Mula sa comments nila at messages na nabasa ko. Ayokong mag-settle sa isang istoryang nag-e-exist lang, na nandiyan man 'yan o wala, wala pa ring ambag kahit kanino, kahit saan, sa kahit na ano.
Kahit mapatawa mo lang ang isang mambabasa, it's already big. Do I think you can change the world just by making your readers laugh? Yes. That funny scenario they read can make their day, they can pass that smile to other people. Little by little, a person's world can change because of you.
10. Saan mo nakikita ang sarili mo pagkalipas ng limang taon?
Hindi ko alam. Sasabay lang ako sa agos. 'Di ko nga alam kung buhay pa ako no'n. I am not expecting anything, but I hope I'm happy.
11. Ano ang iyong maipapayo o mensahe sa mga bagong manunulat?
If you are having a rough start, I understand. Nangyayari 'yan sa halos karamihan ng mga manunulat. Nandyan 'yong insecurities kasi kino-compare mo sarili mo sa iba. Nababagalan ka minsan sa pag-usad mo kasi parang ang bilis naman n'ong iba. May mga araw na ang hirap magsulat, nakakatamad. Darating din sa puntong maiisip mong 'wag na lang magsulat. It's okay to feel that way. Sabi nga n'ong nabasa ko noon, "Do it scared." Magsulat ka habang may takot at pag-aatubili. Kasi hangga't hindi ka humihinto, darating 'yong araw na mawawala lahat ng 'yan, at matitira ka na lang para sa sarili mo at mahahalagang bagay para sa 'yo.
FIVE FUN FACTS / TRIVIA ABOUT YOU OR YOUR STORIES:
1. I love playing I See The Light on guitar dahil bukod sa madali, I just love the song.
2. Tamad akong mag-outline at mag-character profiling, minsan fun 'yong ganito, minsan hindi.
3. Ang aking top song for 2022 ay Sleep On The Floor by The Lumineers.
4. Laging napagkakamalan na horror ang Mama Said. Though, isn't it scary that real people are that cruel?
5. Benedict was supposed to be an angel. Pero may naisip akong ibang paggagamitan n'ong angel na form, kaya ginawa ko na lang na unique si Benedict.
THEME: Magsulat ng kuwento na may tatlong elemento na babanggitin: Jeep. Fireworks. Magkahawak-kamay.
Ikaw at ang Pagkakataon
Malapit nang magbago ang taon.
"Sa babaan lang po!" sigaw ko mula sa dulong upuan ng jeep na paborito kong puwesto.
Inaya ko si Javis sa food park sa tabi ng munisipyo, manonood din ng fireworks display. Mula sa ilang linggong hindi ko siya nakita at masyadong nakausap, makakasama ko na ulit siya.
Mahal pa rin pala niya 'ko, bakit? 'Yong pasulyap-sulyap niya, pagdantay ng braso niya sa balikat o baywang ko. Paghawak sa kamay ko habang naglalakad. Parang gusto kong ipagdikit ang puso namin para malaman kung pareho pa rin itong tumitibok para sa isa't isa.
Pero ngayon, nabura lahat ng pag-aalinlangan ko, mahal niya pa nga ako.
"Pagpatak ng alas dose, sasabihin natin nang sabay 'yong mga nararamdaman natin sa isat' isa, ha." Nginitian ko siya, tango ang isinagot niya. Magkahawak-kamay, hindi na bibitaw.
Bumilang ang lahat, pagpatak ng bagong taon, sabay kaming nagsalita.
"I love you, Javis."
"'Di na yata kita mahal."
Sino nga ba'ng niloloko ko nang sabihin kong mahal pa niya ako? Hindi ko lang talaga pinansin 'yong mga mata niyang walang siglang nakatingin sa akin. Gilid ng labi niyang hindi man lang tumaas nang makita akong naglalakad sa harapan niya. Kumikinang ang mga mata, hindi dahil sa tuwa niyang makasama ako, dahil lang iyon sa mga ilaw sa paligid.
Binigay niya ang araw na ito para malaman kung mahal pa niya ako. Pero mukhang hindi na.
Kasabay niyang lumipas ang taon. Bago na ang panahon, pero siya pa rin kahit sa huling pagkakataon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro