September 2022 (iii) News From Around Wattpad
Ngayong buwan ng Setyembre, narito ang mga kapana-panabik na aktibidad at balita sa Wattpad!
---
AmbassadorsPH
May mga mangilan-ngilang nagsasabi na nalalapit na ang pagwawakas ng mundo. Walang makakapagsabi kung kailan mangyayari 'to. May mga naniniwala rito at mayro'n ding hindi.
Ngunit paano kung sa huling araw ng Setyembre, biglang itinakda ang katapusan ng mundo? Anong pinakamakabuluhang bagay ang iyong gagawin sa nalalabing bente kwatrong oras ng 'yong buhay sa lupang ating ginagalawan? Paano mo susulitin ang natitirang oras bago tuluyang magunaw ang mundo?
Ngayong buwan ng Setyembre, muli nating hasain at ipamalas ang ating kakayahan at kagalingan bilang manunulat.
Sa loob ng 600-800 na salita, ibahagi ang iyong naiisip na kasagutan sa aming nailapag na katanungan sa pamamagitan ng isang maikling kwento na may temang "When September Ends".
Tandaan, ang bawat lahok ay susuriin base sa nilalaman, pagkamalikhain at balarila. Sa mga mananalo, tatanggap kayo ng Winner Certificates and sticker badge. At para naman sa lahat ng sasali, mayroon naman kayong Statement of Participation!
---
WattpadFanFicPH
Hello, mga ka-FanFicPH!
Feel na feel niyo ba ang mga lastest balita patungkol sa mga KPOP idols niyong pupunta dito sa Pinas para mag-tanghal ng concert? Well, we are with y'all, too! Excited na excited na rin kami.
Kaya ngayong buwan ng Setyembre ay ipi-feature namin ang mga trending news about KPOP concerts na gaganapin dito sa Pinas through "KPOP Con in PH Updates" at magpo-post din kami ng mga fanfic stories kung saan may mga KPOP concerts na naganap sa aming "KPOP Con Reading List".
And there's more! Magkakaro'n din kami ng "KPOP Con Feels" initiative kung saan inaanyayahan namin kayong ilabas ang inyong nararamdaman kung saka-sakali ay makita niyo inyong mga idols in person, ano ang mararamdaman niyo o gagawin niyo.
Abangan na lamang itong lahat sa aming profile, WattpadFanFicPH. Hihintayin namin kayo!
---
WattpadRomancePH
Ang pag-ibig ay para sa lahat, pero kasama ba rito ang mga diyos na nais umibig sa mga mortal na nilalang? Ngayong buwan ng Setyembre, hahamunin kayo ng WattpadRomancePH na hamakin ang mga tala para makamit ang wagas na pagmamahal.
Sumali sa Sana'y Mahalata, ang bagong patimpalak ng WattpadRomancePH tungkol sa tatlong diyos ang kanilang mga kuwentong pag-ibig. Kung sa iyong palagay ay halatang ikaw na ang mananalo, i-follow lang ang WattpadRomancePH para ma-notify agad tungkol sa patimpalak na ito.
---
Wattpad Now Season 2
Nakapanood na ba kayo noong Agosto? May inaabangan ba kayong magiging guest sa show? Kung kapareho namin ay nasasabik na kayo sa iba pang mga pakulo ng Wattpad Now Season 2, puwes, tumutok lamang sa WattpadPH profile sa kumu tuwing alas nuebe ng gabi (tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes).
Marami rin kaming inihandang mga papremyo kaya manood at makipagkulitan na!
Aasahan namin kayo, ah?
---
MIBF 2022
Malapit na ang pinakahihintay na event ng bawat mambabasa!
Ngayong taon, muling nagbabalik ang Manila International Book Fair 2022 sa SMX Convention Center sa SM Mall of Asia! Ito ay magaganap sa ika-15 hanggang ika-18 ng Setyembre.
Abangan ang iba pang detalye tungkol sa mga inihanda ng Wattpad at Bliss Books para sa inyo!
---
Filipino Readers' Choice Awards
Nominado ang ilan sa mga librong isinulat ng mga manunulat dito sa Wattpad sa Filipino Readers' Choice Awards!
Mayroong iba't ibang kategorya rito at bukas ang botohan hanggang sa ika-23 ng Setyembre sa ganap na 11:59 PM.
Pumunta lang sa link na ito upang makaboto.
---
At dito na nagtatapos ang September issue ng ating newsletter. Hanggang sa susunod na buwan! Maraming salamat sa inyong suporta!
Happy Wattpadding!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro