Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

September 2022 (i) Panayam kay daphne_gd

1. Ilang taon ka nang Wattpad Ambassador at saang team ka kabilang? 

Isang taon ngayong Agosto - nagsimula ako sa Content team at ngayon ay na sa Sentiments team :) 


2. Ano ang iyong mga ginagawa bilang Ambassador? 

Ako ay nag-momoderate ng mga iba't ibang kuwento sa Filipino at minsan sa Ingles. Depende sa team, pero ngayon ay binabasa ko ang mga iba't ibang komento ng mga users sa paid stories at tinutulangan sila kapag may tanong sila tungkol sa mga paid stories or sa coin purchases! Higit pa sa nabanggit ko, sinusubukan kong panatilihing safe space ang Wattpad para sa mga mambabasa at manunulat. 


3. Bakit mo napagdesisyunang maging Wattpad Ambassador? 

Nais ko sanang maranasan ang mga gawain ng isang Ambassador -lalung-lalo na dahil nagbabasa na ako sa Wattpad bilang isang teenager. Dahil sa Wattpad, ang aking pagmamahal sa mga libro ay lumaganap at hanggang ngayon, nagbabasa pa rin ako. 


4. Ano ang pinakamasaya at pinakamahirap na parte sa pagiging Ambassador? 

Para sa akin, ang pinakamasayang parte ang pagkakaroon ng iba't ibang oportunidad para makatulong sa Wattpad Community. Ang pinakamahirap siguro ay hindi kaya ng isang ambassador na matulungan ang lahat ng users sa Wattpad na may mga tanong. 


5. Paano mo napagsasabay ang pagiging ambassador at mga pinagkakaabalahan mo sa labas ng Wattpad? 

Ako ay isang estudyante sa kolehiyo, kaya bihasa na ako sa pag-takda ng oras para sa iba't ibang gawain. 


6. Ano ang pinakamagandang aral na natutunan mo sa pagiging ambassador? 

Kailangan maging masigasig sa mga detalye - dahil baka may hindi ka makita na ayun pala ay ang kinakailangan mo para magawa ang iyong mga responsibilidad nang mabuti! 


7. Ano ang iyong masasabi sa culture at working environment ng Wattpad Ambassadors?

Flexible, welcoming lahat, inklusibo at masaya makipagsama at magtrabaho bilang Wattpad Ambassador kasama ang mga ibang Ambassador! 


8. Paano nakatutulong ang iyong pagiging ambassador bilang isang manunulat o mambabasá?

Natutunan kong maging mas mapili sa mga nais kong basahin. Dahil marami akong binabasa bilang isang Ambassador, mas may karanasan na ako at unawa sa mga gusto ko sa isang libro o kuwento. 


9. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang isa sa hindi mo makalilimutang karanasan mula nang ika'y maging isang Ambassador? 

Ang maaalala ko ay ang unang beses na nag Spam Hunt kami sa Content team! Masaya palang maghanap ng mga accounts na walang lugar dapat sa Wattpad. 


10. Bilang isang Ambassador, paano mo hina-handle ang kritisismo ng ibang Wattpaders sa ating ginagawa para sa buong community? 

Ang mga masasamang komento ng mga ibang Wattpaders ay hindi mawawala kailanman dahil may freedom of speech tayong lahat. Ang pwede mo lamang gawin ay maging mabuting halimbawa sa iba at manatiling malakas dahil alam mo sa sarili mo na ang ginagawa mo para sa buong community ng Wattpad ay tunay na galing sa mabuting lugar. 


11. Maaari ka bang magbigay ng mensahe sa lahat ng Ambassadors o payo sa mga nais mapabilang sa atin sa hinaharap? 

Huwag na kayo mag-alangan at sumali na kayo! Layunin nating maipalaganap ang pagmamahal sa pagbasa sa kahit ano mang kasangkapan mapa pisikal o online man ito. Ang mga Filipino Wattpad Ambassadors ay nandito para matulungan kayo :) 


1. E-book o physical book? 

Ebook 

2. Tea o coffee? 

Tea 

3. Mahal mo o mahal ka? 

Mahal ka 🤪 

4. Edward o Jacob? 

Edward 100% 

5. Jollibee o McDo? 

Mcdo 

6. Dine-in o delivery? 

Delivery! 

7. Forest o beach? 

Beach day everyday 😌 

8. Tacos o wings? 

Tacos 

9. Tulog sa kanan o sa kaliwang bahagi ng kama?

Kaliwa 

10. Pusa o aso? 

Aso 💗 

11. Sitcom o drama? 

Sitcom 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro