September 2022 (i) Meet the Community
Simula na naman ng bagong buwan! Ibig sabihin nito, may bago na namang isyu ang ating newsletter!
Para sa isyung ito, aming kinapanayam ang mga sumusunod:
Wattpad Stars: iamrurumonster, owielooves
Undiscovered Writers: HannahRedspring, jaydefied
Wattpad Ambassadors: AstridGreene, daphne_gd
Halina't kilalanin natin sila!
---
Wattpad Stars
Si Roberto Montellano, na kilala rin bilang iamrurumonster sa Wattpad, ay apat na beses na nanalo sa Wattys. Nagsimula siya bilang isang manunulat sa Wattpad noong taong 2015 at nakapag-publish na ng tatlong libro. Gustung-gusto ni Ruru na lumikha ng mga dystopian na mundo na nagdadala ng mga mambabasa sa isang lugar kung saan ang mahika at mga posibilidad ay walang limitasyon. Siya ay naging bahagi ng Paid Program sa taong 2021 at naging Wattpad Star pagkatapos manalo ang kaniyang kwentong 'Song of the Winter Solstice' sa fantasy category ng Wattys 2020.
>>I-click ito upang mabasa ang interview ni iamrurumonster.<<
Bilang isang introvert na libangan ang pagsusulat, naisipan ni owielooves na ibahagi ang kaniyang mga akda sa Wattpad. Nailathala niya ang 'It Was Always You' sa kagustuhan ng kaniyang malalapit na kaibigan at ilang mambabasa at nang nagbukas ang Wattys2020 ay isinali niya ang 'Always Coming Back' na ikalawang libro ng Chasing Dreams Series. Hindi niya inakalang magwawagi iyon, ngunit ipinagpapasalamat niya ang ibinigay na oportunidad ng Wattpad upang mas lalo pang mahasa ang kaniyang pagsusulat sa tulong ng Wattpad Stars Program. At ngayo'y patuloy siya sa pagbibigay ng inspirasyon sa mga bagong manunulat sapagkat noon ay minsan na rin siyang nangarap at nagsumikap na madiskubre ang kaniyang mga akda.
>>I-click ito upang mabasa ang interview ni owielooves.<<
---
Undiscovered Writers
Nagsimula si Ana o Hannah Redspring na magsulat ng tula sa paraang para siyang nagsusulat sa kanyang talaarawan. Nang tumuntong siya ng high school, doon niya sinubukan isulat ang kauna-unahang nobela niya na hanggang ngayon ay sinusulat niya pa rin kasama ng ilang nobelang konektado sa libro niyang iyon. Noong hindi pa uso ang gadgets at internet, tanging panulat at papel mula sa kanyang kwaderno ang kanyang laging kasama sa tuwing dadalawin siya ng inspirasyon na madalas din niyang ipamahagi sa piling kaibigan na naging inspirasyon niya para mas pagbutihan pa ang pagsusulat. Nadiskubre niya ang Wattpad mula sa matalik niyang kaibigan at nagsimulang maging parte ng komunidad noong 2013. Ngayon, siya ay isa nang working adult na sinusuportahan ang kanyang pamilya bilang isang mabuting panganay na anak at kapatid. Outlet pa rin niya ang pagsusulat lalo na kung may sapat siyang oras, pero wala siyang regular na schedule para sa kanyang mga update.
>>I-click ito upang mabasa ang interview ni HannahRedspring.<<
Nakahiligan na ni jaydefied simula pagkabata ang pagbabasa ng mga pabula, kuwentong-bayan at nobela kaya noong Abril 2016 ay nagkaroon na siya ng lakas na loob na lumikha ng kanyang sariling akda. Ang interes niya sa mahika at sa mga nilalang na may pambihirang lakas at abilidad ang dahilan kung bakit ang kanyang unang nobela ay may kategoryang pantasya. Kagaya ng kanyang idolo na si Taylor Swift, ginagamit niya ang pagsusulat para maipahayag ang kanyang sarili at para mailabas ang mga saloobin na hindi niya kayang sabihin nang direkta. Sa kanyang paglalakbay sa komunidad ng Wattpad ay nagawa niyang makasungkit ng dalawang Wattys Award na itinuturing niyang isang malaking karangalan at motibasyon para magpatuloy sa pagsusulat.
>>I-click ito upang mabasa ang interview ni jaydefied.<<
---
Wattpad Ambassadors
Ang Wattpad writer since 2017 na si AstridGreene o J. M. Santiago ay naging isang Wattpad Content Ambassador noong July 2020. Ilan sa kanyang mga akda sa Wattpad ay ang fantasy-romance series na Royals of the Realm Series Books 1, 2 and 3 (The Fallen Fire, The Lethal Air, and The Tainted Earth), at ang stand-alone Nathaniel na nakasulat sa English. Isinulat niya sa wikang Filipino ang short-story na My Childish Boyfriend. Isa siyang guro na naglalayong magkaroon nang pisikal na libro ang kanyang mga kwento one of these days.
>>I-click ito upang mabasa ang interview ni AstridGreene.<<
Si Daphne ay 20 taong gulang, isang estudyante na nag-aaral ng Nutrisyon. Ngayon, siya ay na sa ikatlong taon ng undergraduate studies at nais maging isang doktor. Tuwing may oras siya at hindi siya nag-aaral, makikita siyang nagbabasa ng kahit anong libro at tumutungo sa kusina para magluto ng iba't ibang baked goods katulad ng cinnamon rolls, pan de coco, cookies at iba pa. Makikita si Daphne na pinapanood ang Formula 1 o kung kaya't nakatutok sa kanyang mahal para sa makeup at skincare!
>>I-click ito upang mabasa ang interview ni daphne_gd.<<
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro