October 2022 (i) Panayam kay jemyshtri
1. Ilang taon ka nang Wattpad Ambassador at saang team ka kabilang?
Isa po akong Wattpad Outreach Ambassador at mag-iisang taon pa lamang sa team ko sa December.
2. Ano ang iyong mga ginagawa bilang Ambassador?
Karaniwang ginagawa ko ay mag-screen ng mga storyang naka-assign sa akin. Kailangang siguraduhing malinis mula sa akda ng manunulat hanggang sa kanilang profile.
3. Bakit mo napagdesisyunang maging Wattpad Ambassador?
Noong una, na-curious lang sa kung ano ang ginagawa ng isang Wattpad Ambassador kaya sinubukan kong mag-apply. Hindi ko aakalain na makakapasa ako at mag-iisang taon na rin rito. (Dagdag ko na rin na na-kyut-an ako sa heart badge hahaha)
4. Ano ang pinakamasaya at pinakamahirap na parte sa pagiging Ambassador?
Para sa akin, ang pinakamasayang parte ay yung nakaka-encounter ako ng ibang tao maging ang kanilang akda. Sa pinakamahirap naman, siguro ay noong mga unang buwan ko bilang isang Ambassador dahil nag-aadjust pa ako sa mga dapat gawin.
5. Paano mo napagsasabay ang pagiging ambassador at mga pinagkakaabalahan mo sa labas ng Wattpad?
Minsan, nahihirapan ako sa pagsasabay ng mga task ko bilang isang Ambassador at bilang isang estudyante pero nagagawa ko pa rin naman silang pagsabahyin. Kapag may libre akong oras, inuunti-unti kong tapusin yung task ko bilang Ambassador.
6. Ano ang pinakamagandang aral na natutunan mo sa pagiging ambassador?
Noon, mas sanay ako na sarili ko lang aasahan ko para makatapos ng tasks, nahihiya kasi akong mag-reach out sa ibang tao upang humingi ng tulong. Ngayon, natutunan ko na mas madaling matapos ang isang gawain kapag may katulong. Na-realize ko rin na walang mali kung manghihingi ng tulong sa iba dahil may mga tao namang willing tumulong sa iyo.
7. Ano ang iyong masasabi sa culture at working environment ng Wattpad Ambassadors?
Masasabi kong ang challenging at ang positive ng working environment at the same time, ang engaging din. Ang friendly ng mga tao at madali lang mag-reach out sa kanila. Kapag kailangan ng isa ng tulong, hindi mag-aatubili ang iba na tumulong.
8. Paano nakatutulong ang iyong pagiging ambassador bilang isang manunulat o mambabasá?
Noon kasi, hindi ko pa gaanong gamay kung ano ba yung mga rules and policies ng Wattpad pagdating sa mga stories, ngayon alam ko na kung ano ang mga iyon kaya kahit papaano, may ideya na ako sa mga dapat isulat. Naging maingat ako sa mga content ng istoryang isusulat ko dahil sa pagiging Ambassador.
9. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang isa sa hindi mo makalilimutang karanasan mula nang ika'y maging isang Ambassador?
Siguro ang isa sa hindi ko makakalimutang karanasan mula sa pagiging Ambassador ay noong araw na matapos ko ang training. Napakalaking achievement na noon para sa akin kasi isang palatandaan yon na naging maganda naman yung kinalabasan ng pag-aaply at pag-alis ko sa comfort zone ko.
10. Bilang isang Ambassador, paano mo hina-handle ang kritisismo ng ibang Wattpaders sa ating ginagawa para sa buong community?
Noong una, medyo nasasaktan ako kasi naiisip ko yung hirap ng Ambassadors pero isinasawalang bahala ko na lang dahil alam ko namang ginagawa naman natin ang best natin para rito. Minsan naman, may mga nagtatanong nang maayos kaya binibigyan ko sila ng kasagutan sa maayos ding paraan at hindi inuuna ang emosyon kasi alam kong magre-reflect sa ibang Ambassador at sa Wattpad Community ang mga gagawin ko.
11. Maaari ka bang magbigay ng mensahe sa lahat ng Ambassadors o payo sa mga nais mapabilang sa atin sa hinaharap?
Para sa mga nais mapabilang sa amin, may mga pagkakataong magiging mahirap maging isang Ambassador pero masaya at fulfilling sa pakiramdam. Huwag kayong matakot! At kung sasali kayo, sumali sana kayo dahil willing kayong tumulong at dahil sa tamang rason. At para naman sa mga kapwa ko Ambassadors, good luck, kaya natin 'to! Sana happy kayo always!
1. E-book o physical book?
Depende. Minsan gusto ko ang e-book lalo na kung magbabasa ako sa higaan pero may mga pagkakataon namang gusto ko ng physical book lalo na kapag nasa labas ako ng bahay.
2. Tea o coffee?
Coffee
3. Mahal mo o mahal ka?
Mahal ka
4. Edward o Jacob?
Edward
5. Jollibee o McDo?
McDo! Maikling kwento lang, unang beses kong kumain sa labas habang pandemic, sa McDo ako nagpunta. Buti na lang nauna kong kinain yung ala king kaysa sa fries kasi walang lasa yung fries. Kung nauna ko siguro 'yon, baka ang-panic na ako kasi wala akong malasahan huhu
6. Dine-in o delivery?
Dine-in. Masarap mag dine-in lalo na kung sarili mo lang kasama mo hehe
7. Forest o beach?
Beach. Gusto kong magkaroon ng bahay sa tabing-dagat.
8. Tacos o wings?
Tacos
9. Tulog sa kanan o sa kaliwang bahagi ng kama?
Tulog sa kaliwang bahagi ng kama.
10. Pusa o aso?
Aso. May tatlong doggo kami sa bahay at plano ko pang dagdagan <3
11. Sitcom o drama?
Drama. Gusto ko lang masaktan at umiyak tapos iimagine-in ko na ako 'yong bida kaya mas lalo akong masasaktan at iiyak hahaha!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro