November 2022 (i) Panayam kay unfated
1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?
At first, naghahanap-hanap lang ako ng antonyms ng salitang 'fated' since halos lahat ng plot na nakatambak sa utak ko, may kinalaman sa mga karakter na pinagtagpo, pero mas mabuting magkahiwalay. Pero wala akong nahanap (na maganda sa paningin at pandinig ko), kaya dinagdagan ko na lang ng un- sa unahan yung fated kaya naging unfated. I'm not really a fan of tragedies, actually nga, bihira lang akong magbasa ng mga libro na malungkot ang ending. Pero since may urge sa loob ko na magbigay aral sa mga mambabasa ko through those sad, yet impactful endings, I concluded na iyon 'yung best username for me as a writer. And coincidentally, katunog din siya ng real name ko.
2. Gaano kahalaga sa iyo ang pagsusulat at bakit?
Siguro priceless sa akin ang pagsusulat. Hindi ko siya mabigyan ng definite na halaga kasi mula pagkabata ko, nandito na itong hobby na 'to para i-comfort ako. Kapag naghahalo-halo lahat ng emosyon ko, magsusulat lang ako. Kapag wala akong nararamdaman, magsusulat ako. Tulad sa iba pang mga manunulat; way ko ang pagsusulat as pagtakas sa totoong mundo. At speaking of mundo, siguro maihahalintulad ko 'yung value ng pagsusulat sa universe — literally infinite and complex.
3. Mayroon ka bang sariling akda na nais mong irekomenda sa mga hindi pa nakapagbabasa ng iyong gawa?
Gusto kong irekomenda sa mga hindi pa nakapagbabasa ng mga akda ko ang "By the Riverside". Although tragic at sensitibo ang plot at content, experimental novel din iyon, iyon talaga 'yung maituturing kong "best" story ko sa ngayon. Cheesy man pakinggan, pero inilaan ko 'yung puso at kaluluwa ko sa pagsusulat ng istoryang 'to. Besides, maraming aral ang sa tingin ko'y matututuhan ng mga mambabasa pagkatapos nilang mabasa ang BTR. Kasi tulad ko, marami rin akong natutuhan sa proseso ng pagsusulat ko sa akda na ito.
4. Ano ang kaya mong isakripisyo para maging isang matayog o kilalang manunulat?
Dahil kinokonsidera ko lang namang hobby ang pagsusulat, I don't think kaya kong magsakripisyo ng kahit na ano para lang maging isang matayog o kilalang manunulat. Kapag kasi ginawa ko ang mga bagay na mahal ko kapalit ng isang bagay na may halaga rin sa akin (lahat naman para sa 'kin ay may halaga), mag-e-end up lang akong kinamumuhian ang hobby na iyon. I think I don't want to feel that way towards writing.
5. Paano mo napagsasabay ang pagsusulat at mga pinagkakaabalahan mo sa labas ng Wattpad?
Nagsusulat ako kapag may mga ideya nang pumasok sa utak ko at kapag feel ko nang mag-submerge sa world na ginawa ko. Kaya napagsasabay ko ang pagsusulat sa ibang bagay sa labas ng Wattpad kasi hindi ko isinasakripisyo ang oras ko para sa pagsusulat. May kanya-kanyang oras lahat ng bagay na kailangan kong pagtuunan ng pansin; hindi ko pinipilit. At sabi nga nila, "Go with the flow."
6. Ano ang iyong ginagawa kapag nakararanas ka ng writer's block?
Usually, nagpapahinga lang ako at nanonood o nagbabasa para makabalik on track. Effective siya kasi hindi ko pine-pressure 'yung sarili ko and at the same time, may nakukuha rin akong inspirasyon sa films at novels na napapanood at nababasa ko. Kumbaga, hitting two birds with one stone.
7. Anong klase ng pananaliksik ang iyong ginagawa kapag magsusulat ng panibagong kuwento?
Iba-ibang level ng pananaliksik ang ginagawa ko sa iba't ibang genre. For example, Science Fiction. Mas extensive ang effort mo dapat na magsaliksik sa genre na 'to since dapat sumusunod lahat ng pinaglalagay mo sa kuwento mo sa actual na scientific studies. Dapat may basis ka. So ang ginagawa ko, itinitipa ko 'yung mga bagay na kailangan kong alamin, 'tapos gumagawa ako ng lista. Kina-copy ko rin 'yung link ng napagkuhanan ko ng information at pine-paste sa ibaba ng lista ko ng dapat i-research. Para kapag gusto kong balikan at basahin ulit, hindi na 'ko mahihirapan sa paghahanap.
Sa genre naman na Romance o New Adult, ibang klaseng pagsasaliksik ang ginagawa ko. Kung sa Science Fiction, Google ang kasangga ko, sa genre na 'to naman is Netflix at fiction booksssss (yes maraming s). Since ako ay isang introvert na pinagkakaitan ang sarili ng everyday human interaction, ang panonood at pagbabasa ang kasangga ko para mas natural at hindi parang 2D lang 'yung mga karakter na isusulat ko. Pinapalabas ko 'yung (dormant) empathetic side ko at pinag-aaralan kung paano sila mag-act. And sometimes, kapag hindi sapat 'yung napapanood ko sa movies at nababasa sa books, I have to actually go out to observe real life people, how they function, and how they manage their relationships. Unfortunately, I barely have any energy for that kaya mananatili lang ang way ko na 'to as 'sometimes'.
8. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang iyong buong proseso ng pagsusulat?
Ang unang hakbang na ginagawa ko para makapagsulat ay ang pagde-daydream. Hindi na iyon mawawala. Kasi ang foundation ko sa plots ng stories ko ay "what ifs" at "things I will never do". I loved daydreaming about what could have beens and making a plot out of them. And kapag may plot na ako, sunod naman ay ang pagde-decide kung gagawa ba ako ng outline o maggo-go with the flow na lang. I consider myself both a plotter and a pantser kasi. Depende sa mood at genre rin ang pagde-decide ko. Minsan din kasi may plots na para sa akin is easy lang 'yung flow na hindi na kailangan ng outline, at meron namang plots na sobrang complex na kinakailangan talaga ng outline para mas maayos ang daloy at ending. And then after kong mag-decide sa outline, doon na ako magsisimulang magsulat.
9. Ano ang iyong pinakahindi makalilimutan na karanasan bilang isang manunulat?
Siguro ang pinakahindi ko makakalimutan na karanasan bilang isang manunulat ay noong makasama ang "By the Riverside" sa Wattys Shortlist ngayong taon. Actually, kahit nga noong nakasama rin ang "Beyond the Skies" last year, sobrang saya ko na at hindi ko makakalimutan 'yung feeling na iyon. Although, kung tutuusin, maliit na bagay pa lang naman ang naa-achieve ko bilang isang manunulat, isini-celebrate ko pa rin ang bawat tagumpay na natatamo ko, maliit man o malaki.
10. Saan mo nakikita ang sarili mo pagkalipas ng limang taon?
Parang mas gusto kong sagutin ang tanong na 'to ng gusto kong makita ang sarili ko pagkalipas ng limang taon kaysa puro pagpapalagay. Mas madali kasing isipin na maaabot ko ang mga bagay na gusto ko kaysa sa mga bagay na maaabot ko base sa mga kasalukuyang sirkumstansya. So . . . gusto ko talagang makita ang sarili ko pagkalipas ng limang taon as a filthy rich unmarried tita sa kanyang mansion kasama ang kanyang mga aso't pusa (manifesting, hehe).
11. Ano ang iyong maipapayo sa mga bagong manunulat?
As a perfectionist na may addiction sa pag-e-edit ng kanyang mga akda, ang maipapayo ko talaga sa mga bagong manunulat ay:
Huwag na huwag muna kayong mag-e-edit habang hindi pa tapos ang sinusulat n'yo.
Marami na akong hindi naipagpatuloy na mga nobela sa drafts ko kasi super nag-obsess ako sa pagtatama ng mga mali ko. Ako kasi 'yung tipo ng tao na kahit hindi pa tapos 'yung isang chapter na sinusulat ko, ine-edit ko na agad. I think may something siyang nagagawa sa utak ko na pinapawala 'yung enthusiasm kong ipagpatuloy 'yung kuwento. Siguro kasi iniisip ko na agad na hindi na maganda o enough 'yung ginagawa ko kaya nawawalan na ako ng gana.
DON'T BE LIKE ME!
Isulat n'yo muna iyang mga kuwento n'yo nang hindi tumitingin sa mga maling naisusulat n'yo. Mas mae-enjoy ninyo 'yung process this way. Saka na kayo mag-cringe sa mga grammatical errors, spelling errors, plot holes, etcetera kapag tapos n'yo na 'yung story. Mas makikita n'yo rin kung ano pa ang mga dapat i-revise kapag kumpleto na 'yon. Seriously, allow yourselves to make mistakes. That is definitely normal.
1. Magsulat nang walang outline o hindi?
Magsulat nang walang outline.
2. Magkulong sa kuwarto o tumambay sa labas?
Magkulong sa kuwarto.
3. Bumalik sa nakaraan o pumunta sa hinaharap?
Bumalik sa nakaraan.
4. Makinig ng isang podcast o manood ng pelikula?
Manood ng pelikula.
5. Mabigyang payo ang sarili noong bata ka pa o makausap ang mas matandang ikaw?
Mabigyang payo ang sarili noong bata pa para hindi siya kasing clueless sa adulthood na tulad ko ngayon.
6. Magbasa o magsulat?
Magbasa noong kabataan ko, magsulat na ngayong medyo adult na haha!
7. May drafts pero hindi matapos o May plot pero hindi maituloy?
May drafts pero hindi matapos. Kahit ako naaawa na sa mga nakatengga kong drafts huhu.
8. Walang takot na karakter o Matatakuting karakter?
Walang takot na karakter.
9. Maging scriptwriter o maging direktor?
Mas gusto kong nasa kontrol ako ng lahat-lahat, so direktor.
10. Kape o tubig?
Kape!
11. Manalo sa lotto o maging isang exclusive author sa isang sikat na publishing company?
Maging isang exclusive author sa isang sikat na publishing company. Baka kasi hindi naman milyon 'yung mapanalunan ko sa lotto (charot only).
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro