Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

November 2022 (i) Panayam kay novaembre

1. Ilang taon ka nang Wattpad Ambassador at saang team ka kabilang? 

Ako po ay dalawang taon na sa Engagement Team. 


2. Ano ang iyong mga ginagawa bilang Ambassador? 

Mas focused po ako sa Social Media Team (Global). 


3. Bakit mo napagdesisyunang maging Wattpad Ambassador? 

Since 2015, curious na ako kung ano ang ginagawa ng Wattpad Ambassadors kaya noong magkaroon nang chance na sumali, ayon, sumali ako. It's really an honor na mapabilang sa team. 


4. Ano ang pinakamasaya at pinakamahirap na parte sa pagiging Ambassador? 

Pinakamasaya iyong parte na gusto ko iyong ginagawa ko as Amb at parang escape ko sa reality. Pinakamahirap na parte naman ay may mga oras na masyado na akong busy sa work outside Wattpad at medyo napapabayaan ko na pero bumabawi naman. Ang hirap kase bitawan nang pagiging Amb ko kasi parte na siya nang buhay ko for 2 years. 


5. Paano mo napagsasabay ang pagiging ambassador at mga pinagkakaabalahan mo sa labas ng Wattpad? 

Time management lang po. 


6. Ano ang pinakamagandang aral na natutunan mo sa pagiging ambassador? 

Siguro iyong kapag mahal mo ang ginagawa mo na kahit mahirap hindi mo siya susukuan at magtatagumpay ka. 


7. Ano ang iyong masasabi sa culture at working environment ng Wattpad Ambassadors?

Organized and then may respeto kahit iba't ibang lahi ng mga Ambs. Healthy environment in terms of soc med. 


8. Paano nakatutulong ang iyong pagiging ambassador bilang isang manunulat o mambabasá?

May mga story akong na-di-discover every time na may mga contest na kahit underrated, super ganda pala ng story. 


9. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang isa sa hindi mo makalilimutang karanasan mula nang ika'y maging isang Ambassador? 

Gaining friends and knowledge! 


10. Bilang isang Ambassador, paano mo hina-handle ang kritisismo ng ibang Wattpaders sa ating ginagawa para sa buong community? 

Leave them be. Kasi hindi naman nila alam kong anong mga ginagawa as Amb. Parang who are they to judge, hindi ba? 


11. Maaari ka bang magbigay ng mensahe sa lahat ng Ambassadors o payo sa mga nais mapabilang sa atin sa hinaharap? 

Enjoy n'yo lang every moment and savor the fun of being an Amb.


1. E-book o physical book? 

Physical book, ang bango kase ng book😂 Masarap sa mata tingnan kapag maraming books. 

2. Tea o coffee? 

Coffee, energy drink ko. 

3. Mahal mo o mahal ka? 

Mahal ako kase gusto ko ako ang priority next to God and his parents. 

4. Edward o Jacob? 

Sa Twilight ba ito? Wala eh hindi ko sila bet. Hindi ako nanood. 

5. Jollibee o McDo? 

Mcdo mas friendly ang staff. Shhh lang sa Jollibee ha😂 

6. Dine-in o delivery? 

delivery ayoko mag dine-in. 

7. Forest o beach? 

Beach kase Baka mawrong turn ako kapag sa forest😂 

8. Tacos o wings? 

Wings mas masarap pulutan at ulam. lol 

9. Tulog sa kanan o sa kaliwang bahagi ng kama? 

Anywhere. Magaslaw kase ako 

10. Pusa o aso? 

Pusa siguro? Dunno I don't have a pet. 

11. Sitcom o drama? 

Sitcom, ayoko ng drama.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro