Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

November 2022 (i) Panayam kay jhieramos

1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?

Ang Wattpad username ko is the combination ng nickname ko at ng apelyido ko. Nothing special about it aside from na-feel ko at that time na mag-sstart ako magsulat na iyon ang gusto kong gamitin.


2. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makapagsulat ng kahit anong kuwento na walang limitasyon, ano ang magiging tema nito?

I always wanted to write a mystery/crime thriller na genre or theme. Bilang sa personal eh sobrang hilig ko sa mga ganoong klaseng palabas, mapa-movie man or series. Mas nag-eenjoy ako na gumagana yung utak ko thinking about the plot twists and all pero syempre with a touch pa rin of romance.


3. Ano ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat?

Para sa akin it's always a challenge for me na labanan at i-overcome ang writer's block. For someone who always have that passion for writing, na kahit noong elementary pa lang ako and I used to have notebooks filled with stories na sinusulat ko lang out of the blue eh medyo nahihirapan ako to get back to how I used to write before. Iyong tipong walang inhibitions and fully committed.


4. Saan mo nakikita ang sarili mo pagkalipas ng limang taon?

Five years from I'll still be writing and will continue to do so. Personally I would love to work with other writers as well, gusto ko rin magtake ng mga masterclasses for writing if may opportunities.


5. Maaari mo bang ibahagi ang inspirasyon mo sa kwentong "Don't Listen To It Secretly"?

Maraming pinagdaanan ang kwentong ito, at ang tagal ng inabot bago ko natapos ang "Don't Listen To It Secretly". Sa totoo lang ay hindi ko na binalak na tapusin pa ito pero may mga pangyayari na nakapagbigah sa akin ng motivation na tapusin ito, that time, may mga pinagdaanan ako na nagtriggered sa akin na bumalik sa pagsusulat at itong particular na story na ito ang sinimulan ko ulit na isulat.


6. Ngayong buwan ng Nobyembre ipinagdiriwang ang Philippine Book Development Month. Ano ang iyong ginagawa para mas lalo pang mahubog ang iyong pagsusulat ng kuwento?

Kapag may pagkakataon ay nagbabasa ako ng random books, hilig ko rin ang manuod ng mga palabas na nagpapagana sa imahinasyon ko at para gumana ang isip ko para maka-come up ng susunod kong project o isusulat. Naghahanap rin ako ng mga seminars or classes na pwede kong salihan na may kinalaman sa pagsusulat para mas mahasa pa sana ako sa mga pwede ko pang matutunan.


7. Kung mabibigyan ka ng pagkakataong magsulat ng kuwento sa ibang genre, ano ito at bakit?

Interesado ako ngayon mystery/crime thriller, I am also thinking of making a story na fantasy ang genre. Gusto kong ma-challenge sa pagsusulat at gusto kong subukan yung genre na outside na my comfort zone kaya naman tingin ko ay magiging challenge ito na handa naman akong i-take.


8. Para sa iyo, ano ang isang magandang kuwento? May mga hinahanap ka ba para matawag itong magandang kuwento?

Ang isang magandang kwento para sa akin ay iyong kwentong nakakapagpagana sa imahinasyon ng nagbabasa. Iyong naiimagine mo ang lahat ng nangyayari at nakikita mo ang sarili mo na parang bahagi ka ng mismong kwento at may maganda ang character development. Maganda rin ang kwentong may malinaw na plot at paminsan-minsan ay may hindi inaasahang twists.


9. Ano ang iyong motto bilang manunulat at paano ito nakatulong sa iyo sa pagkatha ng kuwento?

Ang motto ko when it comes to writing is that always write with your heart and from the heart. Then surround yourself with peole who will support you and push you to continue kahit na ikaw mismo sumusuko na. Iyong magsasabi sa iyong huwag kang bumitaw sa mga bagay na gusto mong gawin. I almost gave up on writing before Wattys 2020. I felt like wala namang nangyayari sa pagsusulat ko, thinking I don't have achievements and accomplishments pagdating sa pagsusulat...


10. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?

Payo para sa mga bagong manunulat- Syempre ang unang-una at pinakaimportante is dapat gusto ninyo iyong ginagawa ninyo. Once you have that passion, walang sinuman o kahit ano man ang makakapanghina ng loob mo. Never stop writing and always be happy. Iba ang fulfilment kapag nakakatapos ka ng stories, lalo na at alam mong pinaghirapan mo iyon.


11. Ano ang mensahe mo sa iyong mga mambabasa?

For the readers, I am always grateful na may mga tao pa ring pinipili ako at ang stories ko. Sobra-sobrang kasiyahan ang ibinibigay sa akin knowing na may nagbabasa at nakaka-appreciate sa lahat ng ginagawa ko. I am beyond happy knowing na may mga taong nag-aabang ng updates at nagpapadala ng pagmamahal thru reading my stories.


1. Larawan o Video?

Larawan

2. Magluto o Ipagluto?

Ipagluluto

3. Hermione o Harry?

Harry

4. Babe o Honey?

Babe

5. Angkas o Driver?

Angkas (pagod na po maging driver lol)

6. Sampaguita o Rosas?

Rosas

7. Tablet o Kompyuter?

Kompyuter

8. Dati o Bago?

Bago

9. Australia o Germany?

Australia

10. Inspirasyon o Determinasyon?

Determinasyon

11. Cliffhanger o Plot Twist?

Plot Twist (never fails)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro