Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

November 2022 (i) Panayam kay abdiel_25

1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?

Sobrang common ng format nito dahil noong gumawa ako ng Wattpad account dati, at the age of twelve, wala naman sa isip ko na gumawa ng creative na username—kaya ang ginamit ko ay ang first name ko at ang birthday ko. Ilang beses ko binalak na baguhin ito over the years pero hindi ko maatim dahil para sa akin, nasaksihan na nitong username na ito ang layo ng narating ko sa pagsusulat and of course, I want it to witness too the greater plans ahead of me so instead of changing my username, minabuti ko na lang na gumawa ng pseudonym which is Ayel Greigh na derived from the last three letters of my first true name, and a surname that I got from the writing organization that I established which is WritersPH. Moreover, I incorporated 'Greigh' to its origin, which is coffee. Ayel and Coffee, it perfectly suits me.


2. Gaano kahalaga sa iyo ang pagsusulat at bakit?

Ang pagsusulat ay parte na ng pagkatao ko. Hindi ko masasabi na magiging ganito ako ngayon kung hindi ko natutunang mahalin ang pagsusulat noong bata pa ako. Para sa akin, higit pa sa hangin at tubig ang paglikha ng mundo kung saan malaya ako at ang mga karakter ko na maging kahit sino, sa kahit saan, sa kahit kailan, at sa kung paano mang paraan. Ilang beses ko mang naisip na ihinto ito, hindi ko pa rin nakikita ang sarili ko na lumalago sa hinaharap nang hindi kasama ang pagsusulat. Writing is already hard as it seems yet leaving this passion behind would be way difficult for me.


3. Mayroon ka bang sariling akda na nais mong irekomenda sa mga hindi pa nakapagbabasa ng iyong gawa?

I allotted plenty of time and effort when I was younger in writing several stories under various genres kaya naniniwala ako na at least isa sa mga nobelang nasa profile ko ay posibleng makakuha ng interes ng kahit sino—so I would recommend all of my novels.


4. Sa lahat ng mga naisulat mo, alin ang pinakamalapit sa kuwento ng iyong buhay? O kung wala, naiisip mo bang isulat ito sa hinaharap?

Almost all of my stories ay hango sa personal experiences ko albeit as a student or as an average being. I also believe that my characters, at one point, sounded or felt like me. Pero among all of my novels, Downpour is the closest story to my life because it was based on my experiences and genuine feelings during the latter part of my junior high school days when I admired a girl in our class. The rest is history and now just part of that novel.


5. Ano ang naging inspirasyon ng pinakauna mong akda sa Wattpad?

The first novel I ever published sa Wattpad ay ang Twin Vampire. At that time, I was a fan of vampires (honestly until now) dahil exposed ako sa vampire-related films and books gaya ng Dark Shadows at Dracula. I am also aware of Twilight pero hindi ko pa napapanood before. Nonetheless, I think what contributed the most sa completion ng Twin Vampire ay 'yong motivation na nakuha ko from my friends who pushed me to write it. They were the ones na kasama ko mag-brainstorming sa magiging takbo ng kwento and together we imagined the world that we could possibly create through that fictionalized story about us.


6. Kung magiging isang nobela o pelikula ang iyong buhay, ano ang gusto mong maging titulo nito at bakit?

"What Was He Thinking?" is actually a story in my draft that would probably tell my unspoken story—the side of me that I can't discuss to anyone as I believe it's rather dark and strange. Should my life be adapted into a novel or a film, tingin ko ito 'yong perfect title as I have a lot of stories in mind that no one knows about and life choices that no one else knows what could be the reason behind it.


7. Sa lahat ng manunulat na iyong hinahangaan, sino ang pinakanagbigay sa iyo ng inspirasyon o nakatulong upang mas mahasa pa ang iyong kakayahang magsulat?

I would always say that alyloony contributed a lot during the early years of my writing career. 'Yong lessons and emotions sa stories niya sobrang vivid. I am also inspired sa writing style ni JD Ruiz and Ken Daniel as someone who's constantly falling in love sa English novels na gawa ng local authors. However, as an underrated author myself, nai-inspire rin ako sa mga kapwa ko manunulat sa tuwing nakikita ko ang improvements and achievements nila. Dahil sa underrated writers na nakikilala ko, ilang beses nabuhay ulit ang passion ko in writing.


8. Ano ang kasulukuyang genre na isinusulat mo? Nais mo bang mag-venture out at sumubok naman ng ibang uri ng kuwento?

The last novel I completed is a light fantasy and science fiction-young adult. Ang sinusulat ko ngayon ay drama-young adult, and if ever I'll write a fresh story soon, I'd like to write horror-mystery thriller ulit since it's where my interest lies these days. I'm always open naman about writing in different genres as it will challenge and improve my writing skills.


9. Ano ang iyong pinakahindi makalilimutan na karanasan bilang isang manunulat?

Marami akong mga karanasan bilang manunulat na hindi ko makakalimutan. Kabilang na rito ang makatapos ng isang novel sa loob ng sampung araw, makamit ang unang 100k at 200k reads sa aking katha, makapasok sa Wattys shortlist, maging registered author at soon-to-be published author, at higit sa lahat ay magkaro'n ng mga bago at totoong kaibigan dahil sa pagsusulat.


10. Saan mo nakikita ang sarili mo pagkalipas ng limang taon?

Graduate na and looking for a stable job, I think? I can't vividly imagine myself five years from now, pero kung nasaan man ako by that time, I hope that I'm happy and content with the life that I have. Knowing myself, for sure he'll do his best at all times and for that alam kong maa-achieve niya ang mga bagay na sinet niya as goals.


11. Ano ang iyong maipapayo sa mga bagong manunulat?

In my almost seven years in writing, here's what a writer needs to keep in their mind: may sarili kang oras at hindi ka nakikipagkarera. Your time will come, you'll own the spotlight, you'll be someone vital in our community. While waiting, invest a lot in writing dahil hindi habang buhay may oras ka para magsulat, so seize the chance to write as many as you can. Kusang babalik lahat ng efforts mo and for sure God will answer your prayers. Padayon mga kapwa ko manunulat! Keep your passion burning!


1. Magsulat nang walang outline o hindi?

Magsulat nang walang outline

2. Magkulong sa kuwarto o tumambay sa labas?

Magkulong sa kuwarto

3. Bumalik sa nakaraan o pumunta sa hinaharap?

Bumalik sa nakaraan

4. Makinig ng isang podcast o manood ng pelikula?

Manood ng pelikula

5. Mabigyang payo ang sarili noong bata ka pa o makausap ang mas matandang ikaw?

Makausap ang mas matandang ako

6. Magbasa o magsulat?

Magbasa

7. May drafts pero hindi matapos o May plot pero hindi maituloy?

May drafts pero hindi matapos

8. Walang takot na karakter o Matatakuting karakter?

Matatakuting karakter

9. Maging scriptwriter o maging direktor?

Maging scriptwriter

10. Kape o tubig?

Kape

11. Manalo sa lotto o maging isang exclusive author sa isang sikat na publishing company?

Manalo sa lotto

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro