November 2022 (i) Meet the Community
Simula na naman ng bagong buwan! Ibig sabihin nito, may bago na namang isyu ang ating newsletter!
Para sa isyung ito, aming kinapanayam ang mga sumusunod:
Wattpad Stars: jhieramos, ANAtheCowgirl
Undiscovered Writers: abdiel_25, unfated
Wattpad Ambassadors: shenziarre, novaembre
Halina't kilalanin natin sila!
---
Wattpad Stars
Si jhieramos ay nagsimulang magbasa ng mga stories sa Wattpad bilang libangan. Hindi madali ang naging paglalakbay niya ngunit nagbago ang lahat ng iyon ng manalo ang kanyang story under fanfiction category na may pamagat na "Don't Listen To It Secretly". Hindi niya inaasahan ang pagkapanalong iyon ngunit ipinagpapasalamat niya ng husto ang pagkakataon na mapabilang sa mga natatanging manunulat sa Wattpad na nagbukas ng oportunidad sa kanya upang maging isang Wattpad Star. Hindi matatawaran ang experience na iyon na siya namang patuloy na nagtutulak sa kanyang gawin ang isa sa mga bagay na nagpapasaya sa kanya at iyon ay ang pagsusulat.
>>I-click ito upang mabasa ang interview ni jhieramos.<<
Si ANAtheCowgirl ang may akda ng Lost Angels #1: Alfred Sin (Wattys Award 2018 - The Storysmiths winner) at Rough (Wattys Award 2019 - New Adult winner). Noong 2019 ay nakabilang siya sa Wattpad Paid Stories program, at ginawaran naman ng Wattpad Star badge sa taong 2020. Bukod sa pagsusulat ng mga kuwento ay nagbibigay rin siya ng reviews sa iba't ibang akda na mababasa sa Wattpad sa pamamagitan ng "The First Three" na naka-publish sa kanyang Wattpad profile. Ito rin ang naging simula bago siya naging project-based editor ng PSICOM Publishing Inc., mula 2021 hanggang sa kasalukuyan.
>>I-click ito upang mabasa ang interview ni ANAtheCowgirl.<<
---
Undiscovered Writers
Si abdiel_25, mas kilala sa pangalang Ayel Greigh, ay isang rehistradong manunulat ng Pilipinas na kinilala ng National Book Development Board at nagsimulang magsulat sa Wattpad noong May 2016. Pasok sa Wattys 2022 Shortlist ang kaniyang nobela na "Fragments of the Universe" at sa kasalukuyan ay isa siyang aktibong student-leader, mamamahayag, at soon-to-be published author. Layon niyang gamitin ang kaniyang mga salita at katha upang makapagbigay ng makabuluhang diskusyon sa lipunan at komunidad.
>>I-click ito upang mabasa ang interview ni abdiel_25.<<
Si Frey o unfated ay isang kuryosong bente-anyos na naglalayong magsulat ng mga akdang makapagbibigay-aral sa kanyang mga mambabasa. Bagaman nagsusulat na siya ng mga sanaysay at sumasali sa mga kompetisyon sa murang edad na sampu, labing-anim na taong gulang na siya nang mapagpasyahang magsulat ng mga nobela. Taong 2020, buwan ng Oktubre, nang sumabak siyang magsulat sa Wattpad. Taong 2021 nang makasali ang kanyang akdang "Beyond the Skies" sa 2021 Wattys Shortlist Science Fiction Category, at taong 2022 naman nang makasali ang kanyang akdang "By the Riverside" sa 2022 Wattys Shortlist New Adult Category.
>>I-click ito upang mabasa ang interview ni unfated.<<
---
Wattpad Ambassadors
Si shenziarre ay Cum Laude graduate sa isa sa mga institusyon sa Leyte. Noong April 2022 lamang ay naging isa siyang Wattpad Ambassador. Siya ay nagsimulang magsulat ng mga maiikling kuwento noong taong 2020. Ang pagsusulat ng nobela ay isa sa nakahiligan niyang gawin, kung kaya't nang madiskobre niyang may kakayahan siyang magbahagi ng mga kuwentong nagbibigay ng tuwa at inspirasyon sa mga mambabasa ay doon siya nagsimulang mangarap na makilala bilang writer at maging isang published author. Bukod sa pagsusulat at pagbabasa, ang ilan sa mga ikinahihiligan niya ring gawin ay ang manood ng pelikula, makipaglaro sa kaniyang mga alagang aso at pusa, at ang makinig ng mga kanta ng kaniyang mga paboritong pop artist.
>>I-click ito upang mabasa ang interview ni shenziarre.<<
Ang nickname ni novaembre o Reese ay "Tere" sa mga nakakakilala sa kanya, ngunit ayaw niya raw ng ganoong palayaw kaya lang no choice daw at ayun ang tinatawag sa kanya. Malayo ang course niya sa kanyang trabaho; MassCom graduate siya pero ang trabaho ay store supervisor ng isang foreign brand ng sapatos. Sa bahay at trabaho lang madalas si Reese kasi sinasarahan siya ng gate kapag lagpas na ng 12AM. "Cinderella yarn?" sabi niya. "O siya, masyado lang akong madaldal. Komedyante wannabe kase ako. Bye!"
>>I-click ito upang mabasa ang interview ni novaembre.<<
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro