May 2022 (ii) Writing ang Multimedia Tips
Mga Tip para sa Pagsusulat ng Young Adult
Edad
Siguraduhing tama ang edad ng mga karakter. Ang mga bida sa isang Young Adult na kuwento ay nasa 14 hanggang 18 taong gulang. Ang mga karakter na ito ay maituturing na nasa high school pa lamang. Kapag lumagpas na sa 18 ang edad ng karakter, ito ay makokonsidera na bilang new adult o adult, depende sa takbo ng iyong kuwento.
POV
Siguraduhing tama ang POV ng iyong kuwento. Dahil nasa teenage years ang iyong bida, siguraduhing ikinukuwento o inilalarawan ang mga pangyayari habang nasa teenage years din ang mga karakter. Hindi maaaring gawin ang mga pagbabalik tanaw ng karakter kung saan isa na siyang adult at simpleng binabalikan ang mga alaala noong isa siyang young adult.
Boses
Ang boses ang isa sa magdedepina sa personalidad ng iyong karakter, sa tulong na rin ng mga salitang kanilang ginagamit. Ngunit kailangang pakatandaan na hindi ibig sabihin na teenager ang iyong mga bida ay dapat palaging may sarkasmo ang tono ng kanilang pananalita. Maaari pa rin namang maging mature ang pananalita at pag-uugali ng iyong karakter kahit na nasa ganoong edad pa lamang sila.
Karakter
Sa pagsusulat ng Young Adult, kailangang tandaan na ang iyong mga karakter ay hindi kinakailangang maging perpekto. Maaari silang magkamali at matuto kalaunan. Mas gusto ng mga mambabasa ang mga karakter na umuugnay sa kanila. Hayaan mong kumonekta ang mga karakter sa mga mambabasa at ipakita mo ang mga gusto, pangarap, nararamdaman, pinagdaraanan, atbp.
Ano ba ang ipinapahiwatig ng kulay ng iyong pabalat?
Hindi naman lingid sa ating kaalaman na ang bawat kulay ay nagrerepresenta ng iba't ibang mensahe. Pero alam mo ba ang ipinapahiwatig ng kulay ng iyong pabalat?
Narito ang ilan sa mga kulay na madalas gamitin at ang mga ipinapahiwatig ng mga ito:
Asul - Ito ang kulay ng mental engagement. Ipinapahiwatig nito ang pagtitiwala at pagiging kalmado.
Puti - Ito ang simbolo ng pagiging dalisay.
Itim - Bukod sa ipinapahiwatig nito ang pagiging seryoso, madalas gamitin ang itim upang magpakita ng misteryo at kamatayan. Maaari itong gamitin sa mga horror, mystery, at thriller.
Pula - Nagpapahiwatig ito ng galit, pagnanasa, pananabik, at pagsalakay. Maaari itong gamitin sa horror, thriller, at romance.
Dilaw - Ito ay isang masayang kulay na nauugnay sa kagalingan at kapayapaan.
Berde - Madalas itong nauugnay sa kalikasan kung kaya mas nagagamit sa mga fantasy na kuwento.
Sa pangkalahatan, ang mga mas madidilim na kulay ay nagtataguyod ng kaseryosohan at pagiging kalmado, habang ang "mas mainit" na mga kulay tulad ng pula at dilaw ay nagbibigay ng enerhiya at kaligayahan. Ang mga mas matapang na kulay ay nagmumungkahi ng katapangan at intensity, habang ang mga pastel ay nagpapahayag ng mas magaan at mas magiliw na ugnayan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro