May 2022 (i) Panayam kay saintedior
1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?
The truth is I don't have a special reason behind my username. Ang sainte ay konektado lang sa aking tunay na pangalan at ang Dior naman ay nagmula lamang sa aking alyas na Dior King.
2. Gaano kahalaga sa iyo ang pagsusulat at bakit?
Dahil sa pagsusulat, mas nakilala ko ang aking sarili at nagbago rin ang mga pananaw ko sa buhay. I also became more educated about the queer community. I was more than determined to create a safe and friendly environment for them and combat heteronormativity.
3. Mayroon ka bang sariling akda na nais mong irekomenda sa mga hindi pa nakapagbabasa ng iyong gawa?
If you haven't yet, go check out my first completed coming-of-age novel, Blueberry: Boy Meets Moon. The story revolves around two boys; one who is fascinated by death and one who perfected the definition of "life". Spoiler: they fell in love and yes, the gay is the norm here! <3
4. Kung magiging isang nobela o pelikula ang iyong buhay, ano ang gusto mong maging titulo nito at bakit?
The Anatomy of a Whale. Madalas kasi pakiramdam ko mag-isa lang ako at walang nariyan para sa akin. I just feel sad and lonely most of the time at iniiyak ko na lang lahat 'yon. HAHAHA!
5. Ano ang isang bagay na kaya mong isakripisyo para sa pagsusulat? At bakit?
Sa katunayan, handa akong isakripisyo ang kahit ano. I love writing and without it, I see no point in living.
6. Ano sa tingin mo ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat?
Para sa akin ay ang pagtatapos ng kuwento. Madali kasi akong ma-attach sa characters ko at minsan feeling ko totoo sila at mga kaibigan ko sila. Haha!
7. May mga limitasyon ka bang naranasan (o nararanasan) bilang isang manunulat? Paano mo nalagpasan ang mga ito?
Dahil isa rin akong mag-aaral-slash-mamamahayag, minsan nahihirapan akong balansehin ang aking oras. May mga pagkakataon na halos isang buwan akong hindi nakakapagsulat. But I am trying my best to manage my time properly kasi na-i-stress ako tuwing hindi ako nakakapagsulat.
8. Sa lahat ng mga naisulat mo, alin ang pinakamalapit sa kuwento ng iyong buhay? O kung wala, naiisip mo bang isulat ito sa hinaharap?
I have a very strong attachment with Boy Meets Moon. I just really love Apollo and Luan and they really helped me, especially last year, when I was struggling a lot in life.
9. Ano ang iyong pinakahindi makalilimutan na karanasan bilang isang manunulat?
Bilang isang manunulat sa Wattpad na maliit pa lang ang bilang ng mambabasa, masasabi kong lahat ng natatanggap kong papuri at nakukuhang achievements (kahit maliit lang) ay memorable na para sa akin.
10. Saan mo nakikita ang sarili mo pagkalipas ng limang taon?
I can still see myself writing (as a novelist and as a journalist). Alam kong kahit ilang taon na ang lumipas, hindi mawawala ang passion kong makapagsulat at maglingkod sa mga tao.
11. Ano ang iyong maipapayo sa mga bagong manunulat?
Huwag kang matakot at huwag kang panghinaan ng loob. Keep the fire inside you burning. You'll get there soon. I believe in you, manunulat!
1. Magsulat nang walang outline o hindi?
Depende sa mood ko. Haha.
2. Magkulong sa kuwarto o tumambay sa labas?
Magkulong sa kuwarto
3. Bumalik sa nakaraan o pumunta sa hinaharap?
Bumalik sa nakaraan
4. Makinig ng isang podcast o manood ng pelikula?
Manood ng pelikula
5. Mabigyang payo ang sarili noong bata ka pa o makausap ang mas matandang ikaw?
Makausap ang mas matandang ikaw
6. Magbasa o magsulat?
Parehas. I love reading as much as I love writing!
7. Maaraw o maulan?
Maaraw
8. Mag-beach kasama ang best friend o mag-hike kasama ang crush?
Mag-beach kasama ang best friend
9. Mahal ko o mahal ako?
Mahal ako
10. Kape o tubig?
Tubig
11. Manalo sa lotto o maging isang exclusive author sa isang sikat na publishing company?
Manalo sa lotto
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro