Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

May 2022 (i) Panayam kay pinutbutterjelli

1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?

Wordplay siya ng initials ng pangalan ko, which is PBJ. Nung college kasi ako may time na ganoon ko sinulat yung pangalan ko ta's ginawan ko ng wordplay and ang kinalabasan is peanut butter and jelly.

Bago pa 'yon, nauna talagang name iyon sa Instagram. As for the spelling, in-spell out kong gano'n nung hindi siya tinanggap as username kasi may nakakuha na ng peanutbutterjelly. Nang bumalik ako sa Wattpad after a really long time at nagplano nang mag-post after ko yung kumpletuhin, ginamit ko na 'yon as username. And ever since, iyon na ang ginamit ko.

First time ko gumamit ng consistent name sa lahat ng writing sites na sinalihan ko kasi dati iba-iba talaga ang name ko depending sa site.


2. Gaano kahalaga sa iyo ang pagsusulat at bakit?

To give context, ang description ng word na 'writer' sa Merriam Webster: one that writes: such as (a) author, (b) the one who writes stock options. Habang ang description ng 'author' ay: the writer of a literary work (such as a book), one that originates or creates something.

Nabasa ko rin somewhere na ang writer ay someone na nagsusulat. Kaya kahit nagsusulat ka lang ng to-do list mo o nagko-comment ka sa isang post sa FB, writer ka na. Ikaw ang writer ng to-do list na sinulat mo at ang writer ng FB comment na ginawa mo para sa post.

Kaya kung tatanungin ako kung gaano kahalaga sa akin ang pagsusulat, mahalaga sa akin iyon. Idagdag pa na nahilig ako sa stationery, sa pagkokolekta ng mga ballpen (until now, on the search for the perfect pen) at pagta-try sa iba't ibang tipo ng notebook (from traveller's notebook, 160gsm journals, A5 Binders, B5 Notebooks, B6 Notebooks, and the like).

Kung hindi ako mahilig magsulat, sayang yung mga binayad ko doon. Hala...

Pero in all seriousness, mahalaga siya sa akin, dahil madaling mag-express kung nagsusulat ka. Iyon lang, bow.


3. Mayroon ka bang sariling akda na nais mong irekomenda sa mga hindi pa nakapagbabasa ng iyong gawa?

Dahil parang pang free trial na rin siya ng mga gawa ko, mas better na mag-start siguro sa pinaka-short. Maisa-suggest ko ang mga short stories ko, dalawa lang sila at mga 1500 words long lang dahil ginawa ko sila bilang contest entries.

After that, yung mga experimentals. Dahil hindi siya yung usual na structure at hindi super haba ng isang chapter. Puwede mahanap ang mga ito sa reading lists sa profile ko. If mapadaan ka man, thanks in advance.


4. Sa pagkapanalo mo sa Wattys Award noong 2019, maaari mo bang ikuwento sa amin kung paano ito nakatulong sa iyo bilang manunulat?

Umm... Hindi ko talaga sure kung paano ko sasagutin ang tanong na ito, kaya binalikan ko yung ginawa kong write-up once upon a time, tungkol dito kung saan mas fresh yung win kumbaga. Kasi three years na rin ang nakalipas since nanalo ako (ang tagal na, 'no?)

Paano nga ba ito nakatulong? Binigyan niya ako ng confidence (na hindi ko talaga na-maintain) na maniwala na worth ang gawa ko na maawardan ng Wattys at in turn ma-publish.


5. Nabalitaan namin na ika'y nakapaglathala na ng libro, maaari mo bang ibahagi sa amin ang naging proseso / mga iyong pinagdaanan [sa pagsasalibro] nito?

Tatlong beses ako na-publish, lahat sila traditional pub. Iyong unang instance is yung work ko na You, Me and the Torn Love Letter or as I shortened it, YMTLL. Naka-post 'yon, hindi lang sa Wattpad kundi sa iba pang sites. At one day, isang araw, nag-message sa akin ang isang scout sa Booklat, na inabot ng isang buwan bago ko napansin. From there, bigla ko na lang nahanap ang sarili ko sa Manila (after ko ring iniyakan) para makipagkita sa kanila at mag-sign ng contract para i-publish ang YMTLL.

Royalty-based siya at asa akin ang copyright, meaning hindi nila ako babayaran beforehand. Kung ano lang ang kikitain ko depende sa percentage na asa kontrata ang makukuha ko, every quarter. May # of years din kung hanggang kailan nila ito ipa-publish.

Ang pangalawa kong published work ay hindi novel, kundi isang 10,000 words short story na kasama sa isang compilation. Nag-reach out sa akin ang publisher ng magiging compilation noon dahil nanalo ako sa isang contest sa RomancePH. In-offer-an ako kung gusto ko bang mag-donate ng story para sa kidney disease awareness na cause.

Noong una hindi ko talaga siya tinanggap, kaya binanggit ko ang mga naging friends ko sa Wattpad para ma-offer-an ng opportunity na iyon. Pero dahil may naganap beforehand at nagbago ang sitwasyon, tinanggap ko na.

Maganda rin kasi ang mission behind that, kaya gumawa ako ng experimental story na may 10,000 word count at saka naisama iyon for publication. For this case naman, wala siyang bayad, parang free promotion lang ang matatanggap ko, considering na for a cause siya. Okay lang sa akin iyon, dahil through this may na-meet akong writer na talagang matagal na sa industry. And that in itself was a great experience.

Last but not the least ay ang Location Unknown, shortened to LU. For this one, a month passed since nanalo ako at one day, isang araw ulit, personal akong minessage ng Lifebooks kung puwede ba for publication ang LU. At halos buong araw ko yung pinag-isipan saka ako nag-agree.

Inabot din ng 2020 yung buong process at hindi siya na-publish until June 2021. Ito naman ay hindi royalty based kaya isang beses lang ang bayaran at with that, currently nasa publisher ang rights ng LU for a certain period of time.

Wala akong naging problema sa buong publishing process. Since traditional publishers sila at may onhand experience na sila. Additional promotions na lang ang nakatoka sa akin, which is napakahirap para sa isang unknown na writer.

Especially, LU na nung time na nanalo siya at na-offer-an na ma-publish, tumataginting ng 2,700 reads pa lang siya, compared sa YMTLL na mas mataas ang readership (mga 5,000 to 7,000 sa Wattpad, almost 10,000 sa Booklat).

I did my best that time. Andyan ang FB at ang mga pages na may mga nagpo-post talaga para magtanong ng mga specific na genres. Nagtiyaga akong mag-comment sa mga posts at gawing active ang social media ko. May naitulong din na mahigit ang pandemic, lalo na sa LU. Dahil nung time na mapa-publish na talaga siya ay mga 30,000k+ na ang reads niya, na mahigit na malayo sa 2,700 kaya nang lumabas, mayroon na siyang, in a sense, sure buyers.

Iyon langs. Very thankful ako sa mga nag-reach out sa akin para mag-offer na mag-pub ng ilan sa mga gawa ko. Hindi ko talaga inaasahan iyon, nagsusulat lang ako sa gilid-gilid kasi hindi ko alam kung ano talagang gusto kong gawin at that time.


6. Bukod sa pagsusulat, ano pa ang ibang pinagkakaabalahan mo sa buhay?

Panonood ng variety shows na naging best friend ko na si YouTube at nagawa ko pang mag-monthly subscription para sa YT Premium. Secret ko na kung anong variety show iyon.

Nagbabasa rin ako ng webtoons at manhwa kung kailan sila mag-update. Minsan nag-i-scroll ako sa Instagram, sa Shopee, at sa Google Newsfeed.

Nagtatrabaho? Personal Study. At naglalaro ng isang hindi sikat na game kung saan puwede kang mag-manage ng isang maliit na village.


7. Ano ang iyong ginagawa kapag ika'y tinatamaan ng writer's block?

Minsan pinipilit ko pa ring magsulat. Kahit na alam kong parang ang pangit nang ginagawa ko ay nadadagdagan pa rin naman yung word count ko, kaya lumalapit pa rin ako sa end goal. Kapag kasi magsusulat ako the next day ay babalikan ko lang din yung part na medyo ewan at dadagdagan. At hindi ko magagawa iyon kung sakaling wala akong sinulat kaya malaking tulong din yung ginawa kong pagpapatuloy kahit wala talaga ako sa mood.

Pero minsan dahil working ako at hindi na lang pagsusulat ng kuwento ang gawain ko sa buhay, hindi ako nagsusulat kung hindi ko na siya ma-fit sa araw ko. Nakakasakit nga lang 'yon sa momentum kaya kung babalikan ko na, hindi na ako sure anong nangyayari. 'Pag gano'n, iiwan ko muna at kung gusto ko na ulit saka ko babalikan at kapag binalikan ko na, automatic na siya.


8. Mayroon ka pa bang mga pangarap sa pagsusulat na nais mong maisakatuparan?

Matapos yung sinusulat ko ngayon. Kahit na medyo matagal (sana medyo lang), para maka-comeback na ako. Hahaha.


9. Ano ang iyong pinakahindi makalilimutan na karanasan bilang isang manunulat?

Pagkakaroon ng mga writer friends na nakasama ko sa thick and thin ng pagsusulat. Kahit na hindi na kami masyadong nakakapag-usap ngayon, masaya akong nakilala ko sila at nakasalamuha sa online writing world (miss you guys!). At kasama na rin ang pagkakaroon ng mga loud readers na nung mas libre pa ako ay nagagawa kong makakulitan sa comment section (thanks muli!)

Lastly, ma-publish. Isa lang siya sa mga dreams ko dati nung high school pa lang ako. Nang bumalik ako after a long time sa online writing, 'asa likod lang talaga iyon ng goals. Alam kong matagal pa bago pa iyon mangyayari. But it happened and here we are.


10. Saan mo nakikita ang sarili mo pagkalipas ng limang taon?

Kung in terms ng writing, probably still writing (with the stress sa difference ng writer sa author). Pero secret na kung makikita pa ba siya online o personal na lang.


11. Ano ang iyong maipapayo sa mga bagong manunulat?

Siguro para less pressure siya, puwede kang mag-start as a writer (stress ulit sa difference ng writer sa author). Maghanap ka lang ng ballpen/pencil at notebook saka magsulat ka. Kahit mga ilang sentences lang, tapos ipagpatuloy mo na mula doon. Puwede rin siya sa phone o sa laptop. 'Wag mo muna i-share sa mundo hanggang sa confident ka. That way, kahit na hindi ka sure kung saan ka dadalhin nang sinusulat mo, hindi ka mape-pressure sa kung paano siya tatanggapin ng iba. Mas madali ding mahalin ang work mo that way.


1. Magsulat nang walang outline o hindi?

Sorry both for this one :'> Kapag nawawala na kasi ako, mas better na may outline or rough frame akong susundan para mag-make sense pa rin ang sinusulat ko sa akin.

2. Magkulong sa kuwarto o tumambay sa labas?

Magkulong sa kuwarto

3. Bumalik sa nakaraan o pumunta sa hinaharap?

Pumunta sa hinaharap

4. Makinig ng isang podcast o manood ng pelikula?

Makinig ng isang podcast

5. Mabigyang payo ang sarili noong bata ka pa o makausap ang mas matandang ikaw?

Makausap ang mas matandang ikaw

6. Magbasa o magsulat?

Sorry, both din dito talaga :'> Because of the writer-author difference muli.

7. Maaraw o maulan?

Maulan

8. Mag-beach kasama ang best friend o mag-hike kasama ang crush?

Mag-beach kasama ang best friend

9. Mahal ko o mahal ako?

Sorry, both din for this :'> Mas better na mutual kaysa one-sided. Nakakapagod 'yon.

10. Kape o tubig?

Tubig

11. Manalo sa lotto o maging isang exclusive author sa isang sikat na publishing company?

Manalo sa lotto. Baka ma-bankrupt yung pub company dahil sa akin, mahirap na.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro