May 2022 (i) Panayam kay missflimsy
1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?
I always get this question and sorry to disappoint, but I can't remember why I chose "missflimsy" as my pen name. Random lang siya, hehe. There's no special meaning behind it, really.
2. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makapagsulat ng kahit anong kuwento na walang limitasyon, ano ang magiging tema nito?
Great question! I dream of writing a fantasy story but I'm too scared to actually do it. Alam ko kasing kailangan niya ng meticulous planning. But if I were to do it, I think I'm going for a fantasy na may halong mystery.
3. Ano ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat?
Honestly? Finding the time for it. Hindi ako masyadong nagsa-struggle sa actual na pagsusulat; mas nahihirapan akong maghanap ng oras para gawin ito. It's one of the downsides of having a demanding career.
4. Saan mo nakikita ang sarili mo pagkalipas ng limang taon?
Hopefully, I would have already achieved my dream career in five years. And of course, sana by that time, may panahon pa rin akong magsulat.
5. Bakit mo naisipang isulat ang iyong kuwento na "Wedding, Interrupted"?
I wrote "Wedding, Interrupted" during the 2020 community quarantine. It was my way of dealing with the boredom and occasional anxiety I felt that time.
6. Ngayong Buwan ng Mayo, ipinagdiriwang ang mga manggagawa sa buong mundo. Bilang isang Wattpad Star at certified public accountant, ano ang mensahe mo sa mga manggagawa at mga estudyanteng kumakayod para sa kanilang kinabukasan?
Kudos to us! I know the struggle of being in the workforce, kaya saludo ako sa mga nagtatrabaho para makapag-provide para sa pamilya at sa sarili nila.
7. Sa pagsusulat mo ng mga kuwento, ano ang mas mahirap mong isulat sa mga rom-com: ang parte ng romance o ang comedic part nito?
Neither. I'm a hopeless romantic na may comedic tendencies – someone na hindi masyadong sineseryoso ang mga bagay-bagay, hehe. So, writing both the romance and comedy parts of my stories is something I don't particularly find difficult. Mas nahihirapan akong magsulat kapag nasa conflict na ako ng isang kwento.
8. Para sa iyo, ano ang advantages at disadvantages ng pasusulat ng isang epistolary?
An advantage is that it's generally easier and faster to write epistolaries than narrative novels, dahil kahit mababa lang ang word count mo for a certain chapter, passable na siya as an update. But the downside is, limited lang sa conversational format ang pwede mong isulat, kaya may tendency na hindi ma-explore to the fullest extent ang characters and plot ng stories mo.
9. Paano mo napagsasabay ang pagiging isang Wattpad Star at pagiging Certified Public Accountant? May mga pagkakataon bang nahihirapan kang i-manage ang mga ito?
Actually, madalas akong nagsa-struggle na ibalanse ang work at ang writing ko. Being a CPA is a demanding career, and I guess I'm just doing what other professionals do with respect to their hobbies – pursue them during their free time.
10. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?
Just keep on writing. I notice that some new writers today are too focused on the numbers – how many followers they have, how many reads their stories have garnered so far... and it saddens me. Hindi naman popularity contest ang pagsusulat. Write because you love doing it, and if it's meant to be, you'll get noticed by your target audience eventually. But don't try too hard to chase fame. Mas mag-focus dapat sa pag-improve ng writing skills.
11. Ano ang mensahe mo sa iyong mga mambabasa?
As I always say, I'm grateful to each and every one of you! Maraming salamat sa suporta, lalo na sa mga reader na hindi pa rin ako iniiwan kahit hindi na ako masyadong nakakapag-update ngayon. Your support means the world to me. :)
1. Mahaba o Maiksi?
Mahaba. As in mahabang pasensya, hehe.
2. Plain Rice o Garlic Rice?
Plain rice. I'm not really a fan of the garlicky taste.
3. Heneral Luna o Goyo?
If this is about the movies... Heneral Luna.
4. Maraming Karakter o Maraming Lugar?
Maraming lugar. Too many characters can cause confusion to the readers.
5. Mansanas o Pinya?
Pinya.
6. Bad boy o Nerd?
Nerd. This coming from a nerd herself.
7. Sa Gilid o sa Gitna?
Sa gilid. Para mas madaling magmasid. ;)
8. Kamote o Kangkong?
Kangkong.
9. Umubo o Bumahing?
Bumahing. Mas nakakatakot ubuhin sa panahon ngayon, hehe.
10. Cash o Credit?
Cash is king. :)
11. Magsulat habambuhay o Mag-isip habambuhay?
Magsulat habambuhay. Of course. :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro