May 2022 (i) Meet the Community
Simula na naman ng bagong buwan! Ibig sabihin nito, may bago na namang isyu ang ating newsletter!
Para sa isyung ito, aming kinapanayam ang mga sumusunod:
Wattpad Stars: missflimsy, marisswrites
Undiscovered Writers: pinutbutterjelli, saintedior
Wattpad Ambassadors: therealestpotato, binsoyper
Halina't kilalanin natin sila!
---
Wattpad Stars
Nagsimula si Jezza, o kilala rin bilang missflimsy, na magsulat sa Wattpad noong 2013. Taong 2017 nang isalibro ng Pop Fiction ang kuwento niyang "My Boss is a Freak". Makalipas ang dalawang taon, sinundan naman ito ng "My Boyfriend is a Freak" galing sa parehong publisher. Maliban sa pagiging published writer, minsan din siyang naging isang Wattpad Ambassador. Kasalukuyan siyang miyembro ng Stars Program, matapos siyang maimbitahan sa nasabing programa noong nakaraang taon. Kasama ang kuwento niyang "Wedding, Interrupted" sa hanay ng Paid Stories.
>>I-click ito upang mabasa ang interview ni missflimsy.<<
Si marisswrites, o kilala rin bilang Mari o Mariss, ay naging miyembro ng Wattpad noong Nobyembre, taong 2011. Sa kasalukuyan, mayroon nang isang dekada simula noong ginawa niya ang account. Taong 2013 nang magsimula siyang magsulat dito. Noong 2020, nanalo ang Saving Serene sa patimpalak ng Wattpad na Watty Awards 2020 sa kategoryang Young Adult. Ito ay tungkol sa isang babae na pakiramdam ay naliligaw ng landas at hindi alam na siya ay mayroong mental illness. Bilang isa sa mga nanalo sa Watty Awards 2020, siya ay napabilang sa Wattpad Stars Program. Sa kasalukuyan, ang pokus niya sa pagsusulat ay ang Habit Series. Ang mga istorya sa ilalim nito ay tungkol sa mga karakter na may bad habits at kung paano o kung matitigil pa ba nila 'yon.
>>I-click ito upang mabasa ang interview ni marisswrites.<<
---
Undiscovered Writers
Si pinutbutterjelli ay isang self-proclaimed na "palaman na nagsusulat". Puwede siyang mahanap sa tabi-tabi na maaring mukhang puyat, stressed, o nanonood ng paborito niyang variety show at nagpipigil ng tawa kasi nasa pampublikong lugar.
Kung nakatira ka sa siyudad kung asaan siya, maaring nakasabay mo na siya sa jeep, nalampasan sa park o sa mall nang hindi mo napapansin. Puwede ring nakatayo siya sa tabi mo sa aisle ng Lifebooks at PHR pocketbooks at chine-check kung may stock sila ng You, me and the Love Letter at Location Unknown.
>>I-click ito upang mabasa ang interview ni pinutbutterjelli.<<
Maliban sa pagiging iyaking manunulat, si saintedior (she/they/he) ay isang mag-aaral at mamamahayag na naglilingkod para sa bayan. Sa pamamagitan ng kanyang mga likha ay layon niyang bumuo ng isang ligtas na komunidad para sa mga miyembro ng LGBTQIA+. Kung hindi nagsusulat ay inilalaan niya ang oras sa pagfa-fangirl sa SEVENTEEN o panonood ng mga pelikula.
>>I-click ito upang mabasa ang interview ni saintedior.<<
---
Wattpad Ambassadors
Si therealestpotato ay mas kilala bilang Sol sa kanyang mga mambabasa. Siya ay isang Wattpad Content Ambassador at maliban sa pagiging Ambassador, si Sol ay isa ring ESL (English as Second Language) writer, isang Wattpad Star, at Wattpad Exclusive Writer. Siya ang may-akda ng Paid Story na The Devil's Match na nanalo ng 2020 Watty Award.
>>I-click ito upang mabasa ang interview ni therealestpotato.<<
Si binsoyper ay 21 taong gulang na nag-aaral ng Bachelor of Science in Geology. Seven years na siyang gumagamit ng wattpad at almost four years nang nagsusulat. May mga akda (short stories) na siya na na-publish sa isang international publishing company. Dagdag pa, sobrang hilig niyang manood ng movies at series especially Marvels. Bukod do'n ay big fan siya ni Taylor Swift at nakikinig din siya sa Why Don't We na banda at The Chainsmokers.
>>I-click ito upang mabasa ang interview ni binsoyper.<<
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro