Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

March 2022 (ii) Writing and Multimedia Tips

Paano nga makagawa ng mahusay na paglalarawan ng kewento?

Upang makahatak ng mga mambabasa, isa sa mga mahahalang elemento ng iyong kuwento ay ang paglalarawan o deskripsyon nito. Bukod sa pabalat ng kuwento, ito ang unang nakapagbibigay ng ideya sa mga mambabasa kung tungkol saan nga ba ang iyong kuwento.

Ngunit paano nga makagagawa ng mahusay na paglalarawan o deskripsyon?

Sa Wattpad, lalo na sa Paid Stories, kadalasang may dalawang parte ang deskripsyon ng kuwento--ang logline at ang mismong deskripsyon o maikling buod.

Pero ano nga ba ang logline?

Ang logline ay isang maikling buod ng sino, ano, saan, at bakit ng iyong kuwento. Nakasulat ito sa third person point-of-view at nagbibigay ito ng pangunahing ideya at naglalayong makapagbigay ng hook sa mga mambabasa. Kapag binasa ang logline, dapat makuha na agad nito ang interes ng tao.

Ano nga ba ang dapat makita sa logline?

Dapat ipakita sa logline kung sino ang bida, ano ang nais ng bida, at ano ang humahadlang sa kanya/kanila.

Halimbawa (mula sa Bride of Alfonso ni UndeniablyGorgeous):

Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapangarap ni Estella Concepcion. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Lucas, ang pinsan at karibal ni Enrique sa politika.

Ngayon, himayin natin ang logline na ito.

Sino ang bida? Estella Concepcion

Ano ang nais ng bida? Ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso

Ano ang humahadlang sa kanya? Nakilala niya si Lucas, ang pinsan at karibal ni Enrique sa politika.

Ang logline ay maikli lamang ngunit dapat maging direkta ito at kayang makuha ang interes ng mambabasa.

Ngayon, paano naman ang deskripsyon o maikling buod?

Ang deskripsyon o maikling buod ay mayroong humigit-kumulang 500 salita at nakasulat gamit ang third person point-of-view. Dapat ay ipinakikilala nito ang mga pangunahing tauhan, mahahalagang aksyon, at ilang mga kaganapan sa kuwento nang hindi ibinibigay ang lahat ng detalye tungkol dito. Gumamit din ng mga salitang sa simula pa lamang ay makakukuha na ng atensyon ng mga mambabasa.

Hangga't maaari, huwag iasa sa mga quote galing sa iyong kuwento ang deskripsyon ng iyong kuwento. Hayaang ipakita sa mga potensyal na mambabasa kung tungkol saan nga ba ang iyong kuwento at ano nga ba ang makukuha nila mula rito.

Ngayon, gamit ang kaparehong kuwento bilang halimbawa, narito ang maikling buod ng Bride of Alfonso:

Makatwiran at hindi nagpapatalo, lumaki si Estella Concepcion na patuloy na umaasang magkakatuluyan pa rin sila ni Enrique Alfonso, ang batang nagpagaan ng kanyang loob labinlimang taon na ang nakararaan. Ni minsan ay hindi nawala ang kaniyang paghanga at pagtingin sa binata na siyang magiging susunod na gobernadorcillo ng bayan ng San Alfonso. Ngunit tila gumuho ang kaniyang mundo nang mapag-alaman niyang ipinagkasundo na ito sa ibang dalaga. Desididong mapangasawa pa rin ang binata, hihingin ni Estella ang tulong ni Lucas, ang pinsan ni Enrique. Sa paglipas ng panahon at sa mga sikretong kaniyang matutuklasan, handa pa nga rin bang gawin ni Estella ang lahat upang maikasal sa binatang matagal na niyang inaasam? O tulad ba ng ihip ng hangin ay magbabago rin ang isinisigaw ng kaniyang puso?

Ngunit mahalaga ring pakatandaan na kinakailangang magsanay nang magsanay upang mahasa at mas maging dalubhasa sa paggawa ng logline at deskripsyon.


Best songs to listen to while writing a story / book / novel!

Sadami ng mga kantang maaaring pagpilian sa buong mundo, maraming salamat sa mga music artist, mayroon tayong maraming pagpipilian. Ngunit ang pagpili ng tamang kanta ay maaaring nakalilito. Umaasa kami na ang artikulong ito ay maaaring makatulong sa inyo sa paghahanap ng tamang kanata na magiging parte ng iyong writing journey.

Sa sikolohikal na paraan, napatunayan na ang musika ay nakakatulong na mabawasan ang stress at pagkabalisa sa pressure na nauugnay sa pagkumpleto ng iyong nobela/aklat. Ito ay nagtatatag ng isang pagpapatahimik na epekto na sana ay makatutulong sa mga manunulat na malayang sumulat. Bukod pa rito, mayroon ding nakitang ebidensya na nakatutulong sa memorya. Sa kabuuan, bumubuhos ang mga benepisyo nito.

Palaging pumunta sa iyong hype music. Kung ang musikang iyon ay nagpapalakas sa iyo at dadalhin ka sa ibang antas, malamang na ang musikang iyon ang mag-uudyok sa iyo na simulan ang iyong pagsusulat.

1. Pumili ng musika depende sa emosyon ng eksenang iyong isusulat. Ito ay magbibigay inspirasyon sa iyo sa iyong pagsusulat. Halimbawa, kung nagsusulat ka ng nakakasakit na eksena sa pagitan ng dalawang karakter, i-play ang Someone Like You ni Adele.

2. Piliin ang iyong gustong genre para sa pagsusulat. Kung gusto mo ng pop music, magpatugtog ng ilang kanta ni Selena Gomez o kung mahilig ka sa R&B, makinig sa kanta ng The Weeknd!

3. Ang mga instrumental ay no-brainer Jazz, klasiko o romantiko. Nakuha mo lahat. Magpahinga sa pagsusulat habang sumasayaw sa ilang mga beat ;)

4. Ang wikang banyaga ay maaaring maging banyaga sa iyo ngunit tiyak na hindi ka maaabala sa pagkanta nang malakas. Pumili ng iyong istilo ng musika at subukan ang Bollywood na musika o French na musika!

5. Makakatulong sa iyo ang mga soundtrack ng mga pelikula at serye sa TV na makalipat sa isang kathang-isip na mundo. Pumili ng mga kanta ayon sa iyong eksena, at sana ay makatutulong ito sa iyong mag-visualize habang nagsusulat.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro