March 2022 (i) Panayam kay weirdskin
1. Ilang taon ka nang Wattpad Ambassador at saang team ka kabilang?
Kaka-isang taon ko lang bilang Wattpad Ambassador last December 2021! Ako ay tiga-baryo ng mga banal at naliligo ng holy water—Content Team! Hahaha
2. Ano ang iyong mga ginagawa bilang Ambassador?
I do the dirty work. Char!Di pwedeng i-disclose kaya in the simplest, safest way I can describe it, I help protect the innocent. (͠≖ ͜ʖ͠≖)👌
3. Bakit mo napagdesisyunang maging Wattpad Ambassador?
Gusto ko lang talaga yung heart icon sa profile kasi kyut. Char!Nagging Watty Amb ako dahil, I want to to be included.Masyado kong mahal ang Wattpad and at some point, gusto ko talagang mas marami pang makita at maintindihan tungkol dito. Kasi kahit bilang user lang, kita mo yung diversity at openness nung community to all cultures. If a community is as good as that, you want to be part of it, too, right? Tinry ko lang naman mag-apply, baka sakali lang gano'n. Pero kahit eme lang, pumasa. One of my best decisions. (ˆ⌣ˆ)
4. Ano ang pinakamasaya at pinakamahirap na parte sa pagiging Ambassador?
The role is both difficult and happy—that's the best thing about it. Kailangan mahalin mo yung pagigign Watty Amb para ma-appreciate at ma-enjoy mo talaga yung mga nangyayari at ginagawang tasks.
Ang isa sa pinakamasaya dito, yung community engagement. Very kind, and very approachable lahat. Bukod sa ating mga made in banana ketchup na Filos, world-wide yung community, matututo ka talaga tungkol sa kultura ng ibang bansa, nagiging educated ka kung paano maging respectful sa iba.
Ang pinakamahirap siguro, yung kumausap ng english? Char! Pero yung totoo na, mahirap yung need maging open-minded. We grew up in a culture where in some aspects of life, we're taught to think in one way only. For example (please, no hate) gender rights and equality, be it being a woman or part of the LGBTQ+.
Bilang isang Ambassador, mas natutunan ko yung pagkakaroon ng willingness maging open—makinig muna, magbasa at magresearch bago pumili ng isang desisyon. Hindi ito para patunayang mas magaling ka sa iba, it's just the bare minumum of being a person, maging mabuti sa iba. (ˆ⌣ˆ)
5. Paano mo napagsasabay ang pagiging ambassador at mga pinagkakaabalahan mo sa labas ng Wattpad?
Bigyan mo ng oras lang. Yun ngang di ka gusto pinagpupuyatan mo eh (͡° ͜ʖ ͡°), ito pa kayang community na may care sa'yo, why not di ba? Hahaha! De pero seriously, you really give it time. Kasi kung gusto mong makita na nakakatulong ka din as part of the community, you need to give your time to do so. Kung gusto mo, mabibigyan mo talaga ng oras yung role.
6. Ano ang pinakamagandang aral na natutunan mo sa pagiging ambassador?
Ayun, yung pagiging open-minded talaga. I mean, hindi ko sinabing kasing mighty ako ni Thor, pero mas maganda yung nakukuha mong perspective sa mga bagay-bagay kung open-minded ka eh. Hindi naman tayo generic. Malaki ang mundo, iba-iba tayo ng kulay, ng pinanggalingan, ng kultura, at paniniwala. Dapat talaga na bago tayo magreact, alamin natin kung bakit muna naging ganoon yung reaction ng iba, para mas madali din sa atin yung magpaliwanag sa paraang mas maiintindihan nila at hindi sila masasaktan.
That sometimes, it hurts being kind, but that doesn't mean we don't do it. We do it still. Even when handling criticisms, ang simple lang ng instruction sa amin: listen/read first. And then, saka sumagot in the kindest way possible.
Laging sinasabi sa Ambs yung pagrereread ng messages bago i-send. This is part of being kind. Kasi hindi mo alam kung ano yung nararamdaman nung kabilang end. Kung malungkot ba siya or masaya or galit. Yung sinabi mo thru chat, pwedeng maging iba yung dating sa kanila. We must always be emphatic. (๑˘︶˘๑)
7. Ano ang iyong masasabi sa culture at working environment ng Wattpad Ambassadors?
Di mo nga ramdam na yung bigat nung responsibility at trabaho kasi sobrang light ng lahat! As in! Hindi lang ako maingay sa mga servers na english-speaking kasi talaga ikennat. But wala, sobrang daling makipag-connect talaga. Ang daling magtanong kasi andaming willing sumagot at makinig. Nakakatuwa din yung times na kapag may celebrations personally like watty anniversary or birthdays, bumabati sila. Lakas maka-appreciate nung daily messages ni Gavin.
Basta nakakatuwa! (┳◇┳)
8. Paano nakatutulong ang iyong pagiging ambassador bilang isang manunulat o mambabasá?
Mas natutunan ko pang maging careful sa mga isinusulat at binabasa ko nung naging Ambassador ako. Like, kung paanong dapat tayong mag-ingat sa pag-iillustrate ng romance. Kasi marami tayong dapat bantayan—age-wise, sensuality-wise, culture-wise, basta marami. Hindi na sweet ang lalaking mapanakit sa feelings. At some point, we must realize how bad is the bad boy, ganern. Yun yung isa sa madaling makita ko ngayon dahil Ambassador ako.
I can read a whole lot of stories, without my initial judgement that I have before, at kaya ko na ring sabihin kung hindi na tama yung nababasa ko. Nagagamit ko yung ganoong mindset pati sa pagsusulat.
9. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang isa sa hindi mo makalilimutang karanasan mula nang ika'y maging isang Ambassador?
Pinaka-memorable yung una kong beses gawin yung responsibilidad bilang isang Content Ambassador. #IfYouKnowThenYouKnow ԅ(‾⌣‾ԅ)
Shookt ako tas tawa nang tawa. I had to confirm sa Senior ko kung tama ba talaga yung nangyayari. Hahaha
The next one would be being part of the Wattpad Masterclass Team. Nakakakilig yung nakikita mo yung behind the scenes tapos feeling mo may naiambag ka talaga. Hahaha! Ramdam ko talaga yung appreciation non ( ◡‿◡ *)
10. Bilang isang Ambassador, paano mo hina-handle ang kritisismo ng ibang Wattpaders sa ating ginagawa para sa buong community?
Personally never ko ito naranasan pa. Huhu.Pero my mindset, kapag wala namang importansya yung sinasabi na kritisismo, 'wag na pansinin. Pero kung mayroong sinabi na sumosobra na or nanakit na ng personal, bardagulan na. Jk.Kung kayang sagutin sa isang malumanay na paliwanag yung kritisimo, gawin. Pero kung hindi at wala ring balak makinig yung kabilang panig, hayaan na sila. This is to avoid conflict din.
11. Maaari ka bang magbigay ng mensahe sa lahat ng Ambassadors o payo sa mga nais mapabilang sa atin sa hinaharap?
Mga bes, tatagan ang loob. Hahaha! This role is not for the faint-hearted and close-minded people. We, here, are all willing to take risks and dive into the darkness. For real.
Hindi nakakapagpasikat ang pagiging watty amb kaya kung ang purpose ay iyon lang at walang puso sa gagawin, 'wag nang ituloy yung pag-aapply.
Yung pagiging Watty Amb, hindi ka ire-require na maging magaling kung saan man pero i-rerequire kang maging mabait at maintindihin. Bawal dito yung masyadong mahigpit yung kapit sa personal na paniniwala dahil minsan, aminin na natin, kapag masyado tayong kumakapit sa iisang belief, nawawalan tayo ng chance makita yung iba pang pwedeng tama naman pala. So 'wag kayo dito kung ganon kayo. Hahaha, pinalayas pala! XD
Pero ayun. Dito, matututo kang maging bigger person ika nga, kasi kailangan kang maging willing maging good guy. Not just because sometimes yes, we receive hate, but also because, no matter how bad things are, we need to be the light. ଘʕ੭·͡ᴥ·ʔ ੭
If you want to be that person, ano pa'ng hinihintay mo? Sali na!(Pero April 2022 pa ulit pwedeng mag-apply so sali na lang kayo sa April! ♡)
1. E-book o physical book?
Depende sa edition. If it's limited edition, I will buy the physical book. Iba lang feels talaga kapag yung binabasa mo hawak mo tapos amoy na amoy mo yung pages eh noh. But I also want my books to be on my device at madaling ma-access kahit saan. Kapag may book con, may book signing and all, willing akong bumili ng physical books to go there too.
2. Tea o coffee?
Depende sa dami ng kinain ko at kung gaano ako kapuyat. So pwede both? (¬‿¬)
3. Mahal mo o mahal ka?
I have these choices combined into one person already. Kaya SIYA na lang. ᕙ('▿')ᕗ
4. Edward o Jacob?
Edward! Who doesn't want the guy that waited for the right person for a century? Kuya, bite me. Ganern. *si Jacob din lalo nung ginupit na niya yung buhok niya*
5. Jollibee o McDo?
Dun tayo sa pinoy. Hail to Jollibee! Mas masarap yung chicken, at for some reason bet ko yung lasa ng lumamig na fries at tunaw na sundae nila. Yung sa McDo kasi once lumamig di na keri i-enjoy huehue (─‿─)
6. Dine-in o delivery?
Dine-in! Gora kahit solo riding ka kumain. Sarap kaya maki-marites sa katabing table. Hahaha! And also the fact na may additional bayad ang food kapag delivery. #EveryPisoCounts
7. Forest o beach?
Both to this. (╥︣﹏᷅╥) Basta malapit kay Mother Nature dun tayo! ♡
8. Tacos o wings?
Wings! Para one day ako na yung lumilipad. #ParoParoG
9. Tulog sa kanan o sa kaliwang bahagi ng kama?
Either, basta may pader na pwedeng idikit ang likuran ko. #INeedToBeSafeFromTheMonstersUnderTheBed (ง︡'-'︠)ง
10. Pusa o aso?
I always have a cat for some reason but I also love dogs. (。┰ω┰。)
11. Sitcom o drama?
Either? Basta I watch anything as long as it's interesting at di nakakatapak ng ibang tao ang themes. Yern. (>‿◠)✌
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro