Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

March 2022 (i) Panayam kay thefakeprotagonist

1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?

Actually, "fakeprotagonist" lang dapat 'yan kaso taken na raw sabi ni Wattpad, kaya nilagyan ko ng "the" sa unahan. Ganito kasi ang kuwento, minsan pakiramdam ko'y hindi ako ang bida sa sarili kong istorya—buhay. Parang panggulo lang talaga ako, extra, o supporting character. That's the sole reason why I opt that pseudonym. Pero bago ako naging thefakeprotagonist, naging Lowiwin muna ako. Combination ng name ko at first name ng iniidolo kong Thai actor na si Win Metawin. As of now, wala na talaga akong balak na palitan pa ang username ko, final na talaga 'yan.


2. Gaano kahalaga sa iyo ang pagsusulat at bakit?

Sobrang mahalaga ang pagsusulat para sa 'kin, sa totoo lang. Dito ko kasi nailalabas lahat, 'yong mga nasa isip ko na hindi ko masabi sa personal. As an introvert and a person who suffers daily from social anxiety, ang pagsusulat ang nagsisilbi kong takbuhan then 'yong characters sa story ko ang nagsisilbi kong kakampi o kausap. Oo, nakatatakot ako minsan.


3. Mayroon ka bang sariling akda na nais mong irekomenda sa mga hindi pa nakapagbabasa ng iyong gawa?

I highly recommend my YA-Fantasy novel entitled "When the Clock Stopped Ticking." It's all about life choices of the main character, Malcovich Clements is his name, and how to beat procrastination. The story suggests to all types of procrastinators out there to employ "Pomodoro Technique" that can balance the quantity and the quality of your work. Also, 'yang story ko na 'yan ay nakapasok sa 2021 Wattys Awards "Shortlist." Kaya super proud ako, kahit 'di nanalo. Anyway, if you're into time travel at gustong may matutuhan along the way, then give this story a try.


4. Anong titulo ang iyong maibibigay sa kabanata ng buhay mo ngayon?

"Jack of All Trades." It's because I can do a lot of things, but outstanding in none.


5. Kung bibigyan ka ng pagkakataong pumili ng manunulat na magsusulat sa kuwento ng iyong buhay, sino ito at bakit?

Si Calm o mas kilala sa pseudonym niya na "1secondtothemoon." Isa siyang underrated Mystery/Thriller writer at willing akong i-solve lahat ng mysteries o problemang ibibigay niya kung siya ang magsusulat sa kuwento ng aking buhay. Sa tingin ko rin ay magiging exciting ang life ko if ever.


6. Kung ikaw ay ma-i-stuck sa isang isla, sinong tatlong manunulat ang nais mong makasama? At Bakit?

Sina 1secondtothemoon, modern_moriarty, at Clam11th. Kung ma-stuck man kami sa isang isla, iga-grab ko na ang opportunity na 'yon upang makipag-collab sa mga hinahangaan kong underrated Mystery/Thriller writers sa Wattpad. While waiting sa mga susundo sa 'min, magbe-brainstorming muna kami. 'Tapos, mag-take down o i-type sa cell phone ang mga essential details na hindi namin maaaring ma-miss. Actually, may plano na talaga akong makipag-collab sa kanila sa future. Hindi muna ngayon kasi feeling ko busy pa sila. 'Yong iba sa kanila, 'di masyadong active sa social media, for sure abala sila sa online class o 'di kaya'y may tinatapos na schoolworks.


7. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang iyong buong proseso ng pagsusulat?

Una, gagawa muna ako ng outline para hindi ako mawala sa story na sinusulat ko. Nililista ko 'yong important details na hindi ko puwedeng ma-miss para sa isang chapter. Then go with the flow na lang ako sa ibang scenes, dialogues, and especially sa fillers. After that, babasahin ko ulit ang buong chapter at i-edit kung may typographical errors ba at kung may mali bang paggamit ng punctuations. Alam ko na ang advice ng ilang writers ay 'wag munang i-edit ang isang story hangga't hindi pa natatapos ang buong kuwento. Pero as a perfectionist or meticulous writer, hindi kasi ako comfortable na i-share sa iba ang gawa ko na hindi ko pa na-i-edit kahit kaunti lang.


8. Anong klase ng pananaliksik ang iyong ginagawa kapag magsusulat ng panibagong kuwento?

Kung may condition, disorder, o special abilities mang involved sa story ko, nagre-research talaga ako especially kaunti lang ang alam ko. Learning is a lifetime commitment after all. Then kino-compare ko 'yong mga na-research ko, 'yong similarities nila bago ako mag-conclude na gano'n ang condition, disorder, o special ability na 'yon. Hindi maaaring isa lang ang pagbabasehan ko.


9. Ano ang iyong pinakahindi makalilimutan na karanasan bilang isang manunulat?

Ang pinakahindi ko makalilimutang karanasan bilang isang manunulat ay 'yong napasali ang kuwento ko sa 2021 Wattys Awards "Shortlist." Though hindi ko nakamit ang actual award, I gained a new reason to keep on writing and improving my craft. And that is what more important upon joining the said competition.


10. Saan mo nakikita ang sarili mo pagkalipas ng limang taon?

After five years, isa na 'kong published author at marami nang naibahaging kuwento.


11. Ano ang iyong maipapayo sa mga bagong manunulat?

Magbasa nang magbasa at magsulat nang magsulat. Bilang bagong manunulat, hindi naman kailangang alam mo na agad ang lahat, hindi naman dadagsa na agad ang followers mo, o mapa-publish na agad ang gawa mo. It takes time. I suggest na enjoy-in lang ang pagsusulat at magbasa ng ibang stories para may matutuhan din mula sa ibang writers. Kung may pupuna mang readers about sa story mo, kunin mo 'yong mga makatutulong sa 'yo para mag-grow ka as a writer then i-neglect ang hindi o 'yong pawang pamba-bash lang talaga ang motive. Keep bleeding!


1. Magsulat nang walang outline o hindi?

Hindi

2. Magkulong sa kuwarto o tumambay sa labas?

Magkulong sa kuwarto 

3. Bumalik sa nakaraan o pumunta sa hinaharap?

Bumalik sa nakaraan

4. Makinig ng isang podcast o manood ng pelikula?

Manood ng pelikula

5. Mabigyang payo ang sarili noong bata ka pa o makausap ang mas matandang ikaw?

Mabigyang payo ang sarili noong bata ka pa

6. Magbasa o magsulat?

Magsulat

7. Maaraw o maulan?

Maulan

8. Mag-beach kasama ang best friend o mag-hike kasama ang crush?

Mag-beach kasama ang best friend

9. Mahal ko o mahal ako?

Mahal ako

10. Kape o tubig?

Kape

11. Manalo sa lotto o maging isang exclusive author sa isang sikat na publishing company?

Maging isang exclusive author sa isang sikat na publishing company

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro