Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

March 2022 (i) Panayam kay MsKindGirl

1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?

Actually, iyong gamit ko po na account ngayon ay dating account ng ate ko. Siya ang nagdala sa 'kin sa Wattpad at sa kagustuhan ko na magsulat ay ibinigay niya sa 'kin iyong isa niyang acc (MsKindGirl) na hanggang ngayon ay dala ko pa rin.


2. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makapagsulat ng kahit anong kuwento na walang limitasyon, ano ang magiging tema nito?

Madalas po na sinusulat ko ay teen fic at romance, gusto ko pang matuto kaya susubukan ko na mag-explore pa sa pagsusulat.


3. Ano ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat?

As a writer, mahirap po na makatapos ng isang akda lalo na kung busy sa pag-aaral. Of course, mas mahalaga po ang acads kaya kapag nagkakaroon po ako ng time, nagsusulat agad ako. Hindi ko po sinasayang ang oras. Pahinga ko talaga ang pagsusulat.


4. Saan mo nakikita ang sarili mo pagkalipas ng limang taon?

Nakikita ko po ang sarili ko na isa ng published author. Dream ko po talaga iyon at gagawin ko talaga ang best ko. Matutupad din ang pangarap ko bilang isang writer.


5. Bakit mo isinulat ang "Accidentally Kissed the PLAYBOY"?

Actually po, iyong AKTP ay nasimulan ko nang isulat noong year 2016, natambak siya sa drafts ko at natuloy ko lang noong year 2020. Wala na akong maisulat noon kaya sabi ko, what if ituloy ko ang pagsusulat sa AKTP? Hindi ko akalain na iyong matagal na natambak sa drafts ko na story ay magiging part ng paid.


6. Ngayong buwan ng Marso ay kilala bilang buwan ng bagong simula. May gusto ka bang baguhin o gusto mong simulan? Ano ito at bakit?

Marami po akong gustong baguhin lalo na po iyong mga nauna kong story, sobrang jeje at ang daming errors. Nakakahiya po kapag binasa ng readers ko, pero pwede iyon na maging way para malaman nila na may improvement na ang pagsusulat ko ngayon. Inaayos ko na talaga ang pagsusulat ko at mas gusto ko pang matuto.


7. Ano ang pinakanahihirapan kang Point of View na isulat? Bakit?

Iyong third person point of view po talaga, sinubukan ko na magsulat na gamit ang 3rd pov pero sinukuan ko lang. Mas sanay ako kapag 1st pov, na iniisip ko na ako ang character kaya mas napapadali ang pagsusulat ko.


8. Kung mabibigyan ka ng pagkakataong magsulat ng bagong kuwento sa isang dyanrang hindi mo pa natatalakay, ano ito at bakit?

Fantasy po talaga. Gusto kong subukan na isulat kahit na mahirap. Pati action, sana makapagsulat ako ng ganoong genre.


9. Ano ang iyong maipapayo sa mga manunulat na gustong magsulat ng isang serye ng mga kuwento?

Sa aspiring writers po, sulat lang nang sulat para mas lalong matuto. Tsaka tiwala lang talaga sa sarili ang kailangan. Mas i-goal na makatapos ng story kasi malaking achievements na iyon bilang writer. Good luck po sa inyo.


10. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?

Huwag pong matakot sa pagsusulat. Yes, mahirap talaga sa una, lalo na kapag walang nagbabasa pero lahat naman ng sikat na author ngayon ay nagsimula sa wala. Sulat lang nang sulat tsaka mas i-goal ang makatapos ng story kaysa ang sumikat. Laban lang, writers!


11. Ano ang mensahe mo sa iyong mga mambabasa?

Maraming salamat po sa pagbabasa ng mga akda ko. Sobrang saya ko kasi naging parte kayo ng journey ko. Mas pagbubutihan ko pa po sa pagsusulat. 


1. Beach o Park?

Park

2. Dine in o Delivery?

Dine in

3. Umaga o Gabi?

Gabi

4. Pansit Canton o Pansit Bihon?

Pancit Canton

5. Jupiter or Saturn?

Jupiter

6. Basketball o Volleyball?

Basketball

7. Bold o Italic?

Italic

8. Ink ng Ballpen o Ink ng Printer?

Ink ng ballpen

9. Pera o Free Time?

Free time

10. Bilog o Tatsulok?

Bilog

11. Kanan o Kaliwa?

Kanan

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro