March 2022 (i) Panayam kay iamchast
1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?
I couldnʼt really think of any witty or unique pen name so I just used my real name since... I think Iʼm already unique myself? (chour! haha)
2. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makapagsulat ng kahit anong kuwento na walang limitasyon, ano ang magiging tema nito?
I would love to explore every genre available out there. Itʼs actually my first goal when I started writing here in Wattpad. I think it would be a great pleasure to test how much I could be as a writer that inspires and gives comfort to others.
3. Ano ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat?
Magsulat. Yep, as ironic as it is. Napakadaling sabihin na magsulat ngunit hindi ito ganoon kadaling gawin. Either you ran out of inspiration or sadyang nagpo-procrastinate ka lang. Itʼs not easy — lalo na kapag feeling mo ay walang nakaka-appreciate ng mga pinaghihirapan mo.
4. Bakit mo naisipang isulat ang kuwento mong "Not Like The Horror Movies"?
Naisipan kong isulat ang aking akda "Not Like The Horror Movies" dahil na-miss ko talagang magsulat ng mystery-thriller na slasher. May 2020 noon, unang kasagsagan ng lockdown, nang maisipan kong magbalik sa first genre na minahal ko talaga ng lubusan.
5. Ang buwan ng Marso ay hango sa God of War na si Mars. Bilang isang writer, ano ang isang bagay o topiko na ipinaglalaban mo sa iyong mga kuwento?
Sa tingin ko, 'yong topic na talagang binibigyang diin ko sa bawat kwentong sinusulat ko ay 'yong about character development. I want my readers to grow along with my characters. I want them to learn from their mistakes and strive to be a better version of themselves. Gusto kong ma-realize nila na hanggaʼt buhay sila at humihinga, there will always be a room for improvement.
6. Kung darating ang pagkakataong mabigyan ka ng written letter mula sa taong hindi mo inaasahang bibigyan ka nito, ano ang magiging reaksyon mo at ano ang gusto mong mabasa sa liham?
Siguroʼy sa una, magugulat ako syempre. Pero hindi ko rin mapipigilang matuwa dahil nakatanggap ako ng isang bagay na binigyang effort ng iba para sa 'kin. I would greatly appreciate it, lalo na kung malalaman ko kung nagka-impact ba sa kanila ang mga gawa ko, or kung nakatulong man lang ako sa kanila in any way.
7. Saan mo nakikita ang sarili mo pagkalipas ng limang taon?
Pagkalipas ng limang taon, nakikita ko ang sarili kong nagsusulat pa rin. Hanggaʼt kaya ko, gagawin ko ang best ko para makapagsulat ng mga istoryang makapagbibigay saya sa mga mambabasa.
8. Ano ang pinakamadaling Point of View na isulat para sa iyo? Bakit?
Para sa 'kin, lahat ng POV ay may kaniya-kaniyang pros and cons. But if I would to choose the POV na pinakamadali for me, I would go for the First Point of View. Of course, many would think na sobrang dali lang magsulat under sa POV na 'to. But truth is, the real challenge of the First Point of View is to try your best to not make your character sound generic. And I could say na madali na siya for me dahil kapag nagsusulat ako, mainly focused talaga ako sa characterization.
9. Ano ang opinyon mo sa constructive criticism?
I personally think that constructive criticism is a very healthy way to help others regardless of any terms. Sobrang laking tulong nito lalo na para sa mga nagsisimula pa lamang at sa mga gusto pang mag-improve sa kanilang ginagawa. Constructive criticism is actually really a wholesome concept for me. As they say, magtulungan at 'wag maghilahan.
10. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?
Trust the process. Just write your heart out. Donʼt let yourself get stuck on that thought that you're not doing your best. You are your worst enemy. Stop sabotaging yourself. Like what that famous shoe brand says, "Just do it!"
11. Ano ang mensahe mo sa iyong mga mambabasa?
Salamat sa pagbabasa ng mga gawa ko! Gusto kong malaman mo na sinusulat ko ang mga istoryang 'yon with the thought of giving comfort to others. Gusto kong kahit man lang sa pamamagitan ng aking mga akda ay makapagbigay ako ng helping hand sa iba. Gusto kong maramdaman mo na hindi ka nag-iisa. Na proud ako sa 'yo at naa-appreciate ko ang iyong existence sa mundong ito. Mahal kita.
1. Horror o Romance?
Horror!
2. Aamin o Isisikreto?
Aamin
3. Fountain Pen o Ball Pen?
Fountain pen
4. Sweater o Hoodie?
Hoodie!
5. Tapsilog o Hotsilog?
Tapsilog!
6. Matalino o Class Clown?
Matalino wahaha!
7. Player o Heartbroken?
Player??
8. Kakanta o Sasayaw?
Sasayaw po
9. Simple o Bongga?
Bongga!
10. Matangkad o Pandak?
Matangkad!
11. Sa Harap o Sa Likod?
Sa harap
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro