Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

June 2022 (iii) News From Around Wattpad

Ngayong buwan ng Hunyo, narito ang mga kapana-panabik na aktibidad at balita sa Wattpad!

---

AmbassadorsPH

Sa hinaba-haba ng prusisyon ay sa simbahan din ang tuloy. Karamihan sa mga nagmamahalan, iisa lamang ang ninanais na patutunguhan ng lahat, at 'yon ay ang mauwi sa pag-iisang dibdib. Isang bagay na hindi maituturing na dulo, bagkus ay simula. 

Ngayong buwan ng Hunyo, pag-usapan natin ang dalawang mukha ng pag-iisang dibdib. 

1 - Nagkatuluyan kayo ng taong pinakamamahal mo. Paano nga ba kayo umabot sa puntong ito? Ipakita kung ano ang nararamdaman ninyo ng iyong minamahal sa inyong espesyal na araw. 

2 - Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana. Ikakasal ka sa taong laging nandiyan para sa iyo pero ang matalik niyang kaibigan naman ang tunay na isinisigaw ng puso mo. Sino ang pipiliin mo?

Pumili ng isa sa mga nabanggit na prompt sa itaas at gumawa ng maikling kuwentong may 200-300 mga salita. 

Hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataong mahanap ang tunay na pag-ibig ngunit kapag nasa harapan mo na ito, magkakaroon ka ba ng lakas ng loob na sabihin ang mga katagang "Hello, Love"?

---

WattpadFanFicPH

Hello FanFicPH people! 

Hidden feelings always show when the weather is fair. 

Ngayong buwan ng Hunyo, kung saan ang panahon ay nagmistulang kalmado, pagkatapos ng isang malakas na ulan, sama-sama nating damhin ang halimuyak ng pag-ibig! Sa ilalim ng mga puting ulap. Sa pagyakap ng malamig na hangin. Tumatago ang araw, at nagpaparami ang mga patak ng ulan. Bago pa man tuluyang bumagsak ang mga ulan sa mabigat na ulap, ilabas mo na ang nais mong sabihin! 

Inihahandog ng FANFIC PH ang FanFic Fair-Ibig Weather!

Ano ang dapat gawin sa patimpalak na ito? Pipili ka ng iyong idol, maging ito man ay local o internation at gagawan mo ito ng maikling kwento. Ang tema ng kwento ay umiikot sa Fair Weather. Dapat maikunekta mo ito sa kalmadong panahon. Kahit anong plot twist basta pasok sa tema!

I-follow ang WattpadFanFicPH para sa buong mechanics at iba pang updates!

---

WattpadRomancePH

READY FOR LOVE? INSTALL YOUR CHANCE NOW. 

Simulan ang paglalakbay tungo sa tamang pag-ibig kasama ang Quest For Love app! Ngayong Hunyo, inihahain ng WattpadRomancePH ang dalawang kakaibang prompt tungkol sa modernong paraan ng paghahanap ng pag-ibig, ang Quest For Love prompt-writing contest. 

Sumulat ng akda - epistolary style - tungkol sa dalawang magkaibang prompt na umiikot sa mga kuwento ng pag-ibig na naganap sa dating app na Quest For Love. Gumamit ng malikhaing graphics, emojis, at chats para ipamalas ang inyong creativity at talento sa pagsusulat! 

Kaya ano pang hinihintay niyo? I-follow na ang WattpadRomancePH at mag-install ng pagkakataon na manalo sa Quest For Love.

---

Wattpad Now Season 2

Nakapanood na ba kayo noong Mayo? May inaabangan ba kayong magiging guest sa show? Kung kapareho namin ay nasasabik na kayo sa iba pang mga pakulo ng Wattpad Now Season 2, puwes, tumutok lamang sa WattpadPH profile sa kumu tuwing alas nuebe ng gabi (tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes).

Mayroon na ring adaptation ng Kiss Master na isinulat ni JFStories na pwedeng mapanood sa WattpadPH profile.

Marami rin kaming inihandang mga papremyo kaya manood at makipagkulitan na!

Aasahan namin kayo, ah?

---

At dito na nagtatapos ang June issue ng ating newsletter. Hanggang sa susunod na buwan! Maraming salamat sa inyong suporta!

Happy Wattpadding!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro