Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

June 2022 (i) Panayam kay yogirlinmorning

1. Ilang taon ka nang Wattpad Ambassador at saang team ka kabilang? 

Mag-iisang taon pa lang akong Wattpad Ambassador, nagsimula ako maging Ambassador noong December 2021. Kasalukuyan ako ay parte ng Engagement Team at parte ng tatlong profile, parte rin ako ng Review Team. 


2. Ano ang iyong mga ginagawa bilang Ambassador? 

Bilang isang Ambassador sa Engagement Team, tumutulong ako sa paggawa ng mga prompts para sa monthly writing contest ng mga profiles na sinalihan ko. Isa rin ako sa nag-i-interview sa mga writers na nagwagi sa contests, o para ma-feature sa book of the month ng iba't ibang profiles na kinabibilangan ko. Ako rin ang nagjujudge sa ilang contests at nagbo-broadcast sa profile ng mga nanalo. Bilang parte ng Review Team, isa rin ako sa nag re-review ng iba't ibang kwento na siyang mapapabilang sa Book Review [in different genre] ng Ambassadors profile. 


3. Bakit mo napagdesisyunang maging Wattpad Ambassador? 

In all honesty, mula 2014 ay nagbabasa na ako sa Wattpad, pero nitong nakaraang taon (2021) ko lamang nalaman ang tungkol sa iba't ibang profile na may pa writing contest every month [ilang taon akong focus lang talaga sa pagbabasa mhie ( ఠ ͟ʖ ఠ)]. Nito ko lang rin nalaman ang tungkol sa Ambassadors Program dahil sa announcement ng isang profile na pina-follow ko rito sa Wattpad. At dahil dakilang curious ako kung ano bang meron sa ganito ay nag-apply ako, curiosity ko talaga ang dahilan ahu! 🤧 chariz! I decided to join the program kasi I want to know more about the community and how deeply Wattpad works 😊 


4. Ano ang pinakamasaya at pinakamahirap na parte sa pagiging Ambassador? 

Unahin natin yung pinakamahirap. Sa totoo lang, medyo nahirapan akong mag-adjust sa team na una kong sinalihan dahil nga bagong salta ako 😅, sobrang mahiyain talaga ako at hirap mag take initiative sa conversation, but luckily, I get to adjust and talked to the seniors and other teammates ko, and sobrang welcoming ng mga profiles na kinabibilangan ko ngayon. Aside from adjusting, ang pinakamahirap sa akin ngayon ay ang pagha-handle ko sa oras ko. Currently, I'm working sa isang academic publishing company sa UK, isa akong writer and editor doon and we're producing academic worksheet for students. I'm also busy with my review for BLEPT this coming September kaya litong-lito, gulong-gulo ang buhay ni accla! 😅 but slowly, I'm juggling my way to manage my time for all of these activities. 

Ang pinakamasaya namang ganap as Ambassador ay yung brainstorming namin ng mga kapwa ko Ambassador sa iba't ibang profile to have a unique and witty prompts sa mga pa-contest namin. Isa rin sa inaabangan ko talaga ay yung Game Night dahil lahat ng ka-witty-han ng mga co-Ambs ko ay nasasaksihan ko (~ ̄▽ ̄)~ 


5. Paano mo napagsasabay ang pagiging ambassador at mga pinagkakaabalahan mo sa labas ng Wattpad? 

Hindi ko alam T_T freestyle-freestyle na lang ganon, charot! HAHAHA gaya nga ng sagot ko sa tanong kanina, I'm still juggling my way to manage and distribute my time [everyday] sa mga gawain at ganap ko sa buhay. Sa ngayon, ang schedule ko talaga ay every morning - work and review, afternoon work pa rin then silip sa server and profiles kung anong mga ganap at dapat gawin from time to time, and lastly, sa gabi Ambassador activities ulit then review bago matulog. This is how I [TRY MY BEST] manage my schedules right now, di ko na sure sa mga succeeding months, emz! 🤣 


6. Ano ang pinakamagandang aral na natutunan mo sa pagiging ambassador? 

Ang mga pinakamagandang natutunan ko sa pagiging ambassador ay yung pagkatuto at pagkahasa pa ng kakayahan ko na makisalamuha sa kapwa ko Ambassadors [both international and local], yung pagkalkal ko rin sa utak ko para makapagbahagi at maka-isip ng iba't ibang activity at pakulo [kasi ito talaga weakness ko bhie ;_;]. 


7. Ano ang iyong masasabi sa culture at working environment ng Wattpad Ambassadors? 

I have two words to describe the culture and working environment ng Wattpad Ambassadors. First, it is warm - everyone in the program and server is warm and welcoming. Hindi mo mararamdaman na out of place ka or parang wala kang matutulong, kasi in reality, everyone needs a helping hand, you just have to know where, when, and how you can help, and they always remind that asking questions is not bad and that there's no such stupid question. - Second, it is solid - personally, lagi talaga akong na-a-amaze kapag nakakabasa ako ng iba't ibang ideas. Lagi akong may eureka moment at napapatanong ng "san nila nahuhugot 'yon?". The whole ambassador family is solid, kahit saang profile ka mapunta. Kasi lahat 'yon may iba't ibang suprises and lessons na iiwan sa'yo at the end of the day. 


8. Paano nakatutulong ang iyong pagiging ambassador bilang isang manunulat o mambabasá?

Nakatutulong ang pagiging ambassador ko bilang isang manunulat in a way na mas nacha-challenge ako nito na mag-isip pa ng ibang concept or how I can tweak a genres just to come up with different and unique outcomes and to think out of the box. Sa pagiging reader naman, mas natulungan ako ng pagiging ambassador ko na makadiskubre pa ng iba't ibang kwento na hindi ko alam na nag-e-exist na pala sa mundo ng Wattpad. 


9. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang isa sa hindi mo makalilimutang karanasan mula nang ika'y maging isang Ambassador? 

Siguro yung hindi ko makakalimutang karanasan mula nung maging ambassador ako is yung kauna-unahang paggawa namin ng prompt bilang training namin as an engagement amb. Kaya siya unforgettable sa akin kasi hindi ko ini-expect na yung prompt na nagawa ko ang mapipili at gagawing unang contest para sa taong ito. 


10. Bilang isang Ambassador, paano mo hina-handle ang kritisismo ng ibang Wattpaders sa ating ginagawa para sa buong community? 

So far, wala pa naman akong na-e-encounter na criticism ng ibang Wattpaders sa ginagawa nating mga Ambassador sa buong community. But if ever I encounter one in future, I will surely handle it professionally. Criticism is natural and hindi dapat natin ituring na parang kasiraan o masama ang mga ito, so, instead gagamitin ko na lang itong mga kritisismo na ito para mas lalong ma-improve at mapaganda ang mga ginagawa natin sa community, also, para na rin mas mabigyan pa ng magandang experience ang mga readers at writers. 


11. Maaari ka bang magbigay ng mensahe sa lahat ng Ambassadors o payo sa mga nais mapabilang sa atin sa hinaharap? 

Sa lahat ng co-Ambassadors ko, gusto ko lang sabihin na ang gagaling nyo po UwU mga lodicakes ko po kayo XD hehe. Pero on a serious note, salamat sa lahat ng masasayang activities na binibigay niyo sa mga readers at sa buong community. I wish someday, I can be as good as you all 🥺 

Para naman sa mga gustong mapabilang sa program na ito sa hinaharap, ito naman ang maipapayo ko: kung ikaw ay kagaya ko na curious sa kung ano ba itong program na ito, try to apply na kapag nakita mo yung post na open na ulit ang program. Pero dapat mong tandaan na yung curiosity mo ay may kaakibat dapat na responsibility, kindness, and willingness to learn and help the community grow more. Kung curious ka lang talaga at wala ka ng mga ito, I think try it next time kapag kaya na at meron ka na nang mga sinabi ko.  


1. E-book o physical book? 

Parehas. Sa sobrang hilig kong magbasa, mayroon na akong dalawang shelf na puno ng mga libro [yung iba nasa sako na kaloka]. I love to have a physical book kasi trip na trip kong magbasa kapag siesta time or kapag tinatamad lang talaga ako gawin yung mga dapat kong gawin sa buhay XD. I also prefer E-book, kasi ang hassle para sakin na magdala ng libro kapag nasa biyahe kasi ilang beses na akong nawalan at naiwan ang libro sa kung saan T__T (RIP my babies :c).

2. Tea o coffee? 

Coffee kahit bawal talaga sa akin XD. Idk, hindi lang din talaga ako sanay uminom ng tea 😅 

3. Mahal mo o mahal ka? 

Paano kapag self-love ako? Chariz! Siguro ngayon, I prefer yung mahal ako. Sobrang dami ko na kasing naipon na pagmamahal [ilang years na kasing single ahu :<] so, I think it will be easy for me to love someone wholeheartedly (marupok lang talaga aq djk haha). Pero gusto kong paglaanan ng pagmamahal na 'to ngayon, ay yung taong mas mahal ako. Ang bilis ko kasing maramdaman na hindi ako sapat ganon [kapalit-palit ba ako? Emz!] Gusto ko rin yung mahal pa rin ako kahit na sobrang dami kong ganap sa buhay at stress na stress na sa life hngg 👉🏼👈🏼 someone who will love and stay with me through thick and thin. #LANYpasok! 

4. Edward o Jacob? 

Papi Jacob po huhu, I miss your tan skin, your sweet smile, chariiiz! HAHAHA Ah, basta sobrang dedz na dedz ako kay Jacob during Twighlight, pero I super love Taylor Lautner talaga ayun lang (✿◡‿◡) 

5. Jollibee o McDo? 

Jollibee, masyadong malungkot buhay ko kaya doon tayo sa bida ang saya choz! The best lang talaga spicy chicken, burger steak at yum burger nila rAwr! 

6. Dine-in o delivery? 

Dine-in para wala akong kaagaw. Kapag delivery dami kong illibre eme! 

7. Forest o beach? 

Beach kahit di ako marunong lumangoy ಥ_ಥ 

8. Tacos o wings? 

Wings tapos yung maanghang na maanghang 🤤 

9. Tulog sa kanan o sa kaliwang bahagi ng kama? 

Tulog sa kanan, ayoko kaharap kapatid ko :D 

10. Pusa o aso? 

Aso o(* ̄▽ ̄*)ブ I really have a soft spot for their quirkiness and sweetness. 

11. Sitcom o drama? 

Sitcom UwU my life is already a drama tama na 'yon, choz!    

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro