June 2022 (i) Panayam kay gwynchanha
1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?
Not that deep ang dahilan kaya ganito username ko, HAHA! Dati kasi, papalit-palit ako ng username every month or week, dipende sa trip. 'Tapos, no'ng nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng bagong username, may kaklase ako no'n na fan ng SVT, 'tapos sumasayaw siya sa "Clap" ng SVT and ang first lyrics no'n is "gwaenchanha, gwaenchanha," and I was like "ayon! Gwaenchanha. Gwynchanha." At hindi ko na siya napalitan ever since kasi pinilit ko ang sarili ko na mag-stick na sa username na ito, haha!
2. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makapagsulat ng kahit anong kuwento na walang limitasyon, ano ang magiging tema nito?
Sa ngayon, I'm exploring different genre at hinahanap ko pa kung saan ba talaga ako nababagay. But honestly, gusto ko i-try 'yong Action-Fantasy na may gaming system because I'm a gamer myself.
3. Ano ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat?
Para sa akin, ang paghahanap ng motivation na magsulat, haha! Kasi ako ang tipo ng tao na ang bilis mawalan ng gana kaya dapat may motivation talaga lagi para magsulat. 'Tsaka ang pag-iisip din ng unique na plot or kung 'di man unique, at least hindi gasgas.
4. Saan mo nakikita ang sarili mo pagkalipas ng limang taon?
Sa totoo lang, 'no, hindi ko alam, HAHA! Iniisip ko na na baka nasa isang animation studio na ako at nagtatrabaho as an animator (I'm an animation student, hehe) pero hindi natin alam ano mangyayari sa future, eh, kaya hindi ko talaga sure. Siguro extend natin 'yong five years, gawin nating 10 to 20 years para 'pag 'di natuloy after five years, malayo pa deadline, choss.
5. Bakit mo naisipang isulat ang kwentong "Exclusively Dating The Idol (SB19 Fanfic)"?
Actually po, matagal na yang plot ng EDTI, pati yang title. Gusto ko lang siyang i-try isulat that time dahil na-inspire sa binabasa ko no'n. Ang unang portrayers n'yan is BTS, pero hindi makausad ang story, I didn't know why, kaya d-in-elete. Then, kasunod na portrayers, TXT, pero hindi rin natuloy. Then, came 2019, I found SB19 and so naisip ko "what if sa kanila ko naman i-try ang story?" And that's how it was written, nagtuloy-tuloy hanggang sa natapos and nanalo pa nga sa Wattys 2020, haha!
6. Bilang isang animation student, nakakatulong ba ito sa pagiging Wattpad Star at Writer mo dito sa Wattpad? Bakit?
Actually, it's the opposite po, hehe. Kasi yung mga naisulat ko na pong stories dito sa Wattpad, 'yon po ang mga naging basehan ko para sa projects namin. For example, as requirement sa final exam namin, need gumawang comics, and ang story ko ang ginawan ko ng comics. Hindi lang din 'yon, kasi may scriptwriting din kami and being a writer really helped a lot in this subject.
7. Nagkaroon ka na ba ng pagkakataong nawalan ng ganang magsulat? Kung meron, ano ang ginawa mo para ipagpatuloy ang iyong pagsusulat?
Actually, since last year pa po, hehe. Nawalan na ako ng gana magsulat kasi, siguro, may ibang obsession na ako which is reading manhwa/manhua/manga at digital painting. Though 'yong utak ko, hindi pa rin tumitigil sa pag-iisip ng stories. Ang ginagawa ko, wala. Hindi ko pinipilit. Hinihintay ko lang kung kailan ulit babalik ang drive ko sa pagsusulat, kung kailan ulit ako gaganahang ituloy ang mga story ko.
8. Mayroon ka bang isang natatanging technique sa pagsusulat ng iyong kuwento? Maaari mo bang ibahagi ito?
Ang ginagawa ko bago magsulat, nagbabasa muna ako ng wattpad story na may narrations, hindi epistolaries, nang ilang minuto. Minsan naman sarili kong story binabasa ko. Mas nasanay na kasi ako lately sa manhwa/manhua/manga na puro dialogues lang 'tapos drawings, kaya nagbabasa muna ako ng novel bago magsulat para maalala ko paano mag-narrate nang tama, lol.
9. Ipinagdiriwang ngayong buwan ng Hunyo ang Araw ng Kalayaan. Kung ikaw ang isa sa main characters ng iyong kuwento na may problema sa pag-ibig, papalayain mo ba ang iyong minamahal o ipaglalaban mo siya? Bakit?
I am the type of person na hindi pinoproblema ang pag-ibig (nagjo-joke lang na gusto ko ng love life, pero ayaw ko po talaga huhu) pero kung ako ang may problem nga sa pag-ibig, it will depend on the situation po. If my love for them is nakakasakal na, I'd rather let them go and be happy with someone else po. Kung ang pagmamahal naman nila para sa akin ay toxic at hindi na maganda para sa akin, I'd still let go kasi I'd rather choose taking care of myself than being with someone who can't even properly take care of me, haha. Pero mas feel ko kahit anong situation mas pipiliin ko silang palayain kasi madali naman akong kausap, lmao.
10. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?
Napapansin ko lang sa mga bagong writer, focused sila sa paghahanap ng readers instead na pagbutihin ang pagsusulat. I mean, ganiyan din naman ako dati, kasi hindi naman talaga 'yan maiiwasan. Pero kasi, if you focus on finding readers, madi-disappoint ka kapag zero ang reads mo, and ang ending n'yan, magsa-status ka agad ng "signing off as a writer. Goodbye." Focus muna kayo sa improvement ng crafts ninyo. Nevermind the readers muna. Focus on finishing your work. After that, saka ka na maghanap ng magbabasa n'yang gawa mo. The right readers will come, basta mag-focus lang kayo sa improvement ng writing ninyo, mga beh.
11. Ano ang mensahe mo sa iyong mga mambabasa?
First of all, I'm sorry, charot. Thank you! You keep me going talaga. Dahil sa inyo, hindi ko sinusukuan ang writing kahit na may iba na akong pinagkakaabalahan sa buhay. Salamat sa mahabang pasensya sa paghihintay ng updates kong once in a blue moon lang. Salamat dahil nandiyan kayo lagi para supportahan ang mga gawa ko. 'Wag n'yo 'ko iwan! Choss.
1. P-POP o OPM?
Both!!!
2. Early Bird o Night Owl?
Night Owl hshshs
3. Zombies o Vampires?
Parehong kagatan, pero vampires na lang, haha!
4. Kape o Juice?
Kape all the way!!!
5. Mabalis o Mabagal?
Between mabilis and mabagal xD
6. Sinigang o Paksiw?
Sinigang!!!
7. Far-sighted o Near-sighted?
Near-sighted :'<
8. Bituin o Ulap?
Bituin!!!
9. Mindoro o Bohol?
Never been to any of these places, pero Bohol na lang, haha!
10. Masipag o Madiskarte?
None of the above. Tamad po T^T
11. Magsulat na Puyat o Magsulat na Gutom?
Grabe naman HAHAHA pero mas sanay ako sa magsulat na puyat
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro