June 2022 (i) Panayam kay Dave_Angcla
1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?
LoverBored ang una kong username sa Wattpad. Huwag n'yo nang tanungin kung bakit. Corny talaga ako noong bata pa ko, hehe. Nasundan pa ng maraming usernames iyan bago ako nag-decide na gamitin na lang ang totoong pangalan ko. Naisip ko kasi na ayokong magtago sa likod ng isang alias.
2. Gaano kahalaga sa iyo ang pagsusulat at bakit?
Marami akong natutunan sa pagsusulat. Kapag nagsusulat ka kasi ng akda, kaakibat nito ang pagbabasa at pagre-research. Mahalaga sa akin ang pagsusulat dahil tinulungan ako ng gawaing ito na maging aware sa nangyayari sa paligid at sa bansa. Ito rin ang humulma sa kung anong pagkatao ko ngayon.
3. Mayroon ka bang sariling akda na nais mong irekomenda sa mga hindi pa nakapagbabasa ng iyong gawa?
Anathema. Sinulat ko ito noong unang lockdown dahil sa pandemic. At first it was just a project to ease my boredom. Pero habang nabubuo ang kwento ng mga tauhan, naisip ko na nararapat lang na i-share ko rin ito sa mga readers ko.
4. Ano ang unang karanasan mo kung saan nalaman o napagtanto mong may kapangyarihan ang mga salita o lengguwahe?
Noong una akong nahilig sa pagbabasa. Kadalasan, nakukuha ko ang mga katangian ng pangunahing tauhan sa mga kwentong binabasa ko, at nagagawa kong i-apply sa sarili kong buhay ang mga iyon.
5. Kung hindi ka nagsusulat, ano pa ang mga pinagkakaabalahan mo sa buhay?
Nagbabasa pa rin, hehe. Hindi ko kayang mabuhay ng isang araw na walang binabasa. Pakiramdam ko kasi nabubulok ang utak ko kapag hindi ko pinapakain. Bukod sa pagbabasa, panganay rin ako at may malaking responsibilidad sa mga kapatid ko.
6. Ano ang hitsura ng tagumpay sa panitikan (literary success) para sa iyo?
Siyempre, kapag matagumpay mong naipaalam sa mga mambabasa ang gusto mong iparating sa kanila gamit ang boses ng mga tauhan sa kwento mo. Isang bagay na gusto kong maabot kaya patuloy akong nagsusulat ay ang magbigay ng inspirasyon sa mga aspiring writers na katulad ko.
7. Anong uri ng pagsasaliksik ang ginagawa mo, at gaano katagal ang ginugugol mo sa pagsasaliksik bago magsimula ng isang kuwento?
Kadalasan ay umaabot ng mahigit sa isang buwan ang ginugugol ko sa pagsasaliksik. Naniniwala kasi ako na mahalaga ito para masiguro na maayos ang plot ng kwento at hindi guguho dahil sa isang maling impormasyon.
8. Ano ang pinakamahirap na bagay sa pagsusulat ng mga karakter mula sa ibang kasarian?
Kung ano ang tumatakbo sa isip nila. Kadalasan ay kailangan ko pang magtanong sa mga kaibigan kong babae kung anong gagawin nila kapag sila'y nalagay sa isang sitwasyon.
9. Ano ang iyong pinakahindi makalilimutan na karanasan bilang isang manunulat?
Noong natapos ko ang una kong nobela. The feeling of accomplishment, hinding-hindi ko malilimutan iyon.
10. Saan mo nakikita ang sarili mo pagkalipas ng limang taon?
Hopefully, a published author. Haha.
11. Ano ang iyong maipapayo sa mga bagong manunulat?
Extensive research. Iyan ang hindi dapat laktawan ng mga manunulat. Para makabuo ka ng effective at kapani-paniwalang akda, kailangan ay malawak ang kaalaman mo sa mga topics na tatahakin ng kwento mo.
1. Magsulat na puyat o Magsulat na gutom?
Magsulat na puyat. Hindi gumagana nang maayos ang utak ko kapag walang laman ang sikmura ko.
2. Hunger Games o Divergent?
The Hunger Games.
3. Maging scriptwriter o Maging direktor?
Direktor. Isa sa mga childhood dreams ko ang makapag direct ng sarili kong pelikula.
4. Cash o Credit?
Cash. Why pay later when you can pay now? Char.
5. Cliffhanger o Plot twist?
Plot twist. I hate cliffhangers with a passion! Hahaha.
6. Early bird o Night owl?
Night owl. Mas gumagana nang maayos ang utak ko kapag puyat ako.
7. May drafts pero hindi matapos o May plot pero hindi maituloy?
Drafts na hindi matapos. Currently I have over ten drafts, haha.
8. Leading man o Second Lead?
Second lead. Mabilis ako ma-attach sa mga underdogs.
9. To be continued o The end?
The end.
10. Second life o Second chance?
Second chance. I love my life, pero may mga desisyon ako na gusto kong balikan at itama.
11. Libro o Pelikula?
Libro. Kadalasan, may mga pangyayari na hindi mo kayang i-translate sa screen.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro