Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

June 2022 (i) Panayam kay charmaineglorymae

1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?

Noon gumawa ako ng account sa wattpad, wala sa isipan ko na magsusulat ako ng kwento sa platform. I was just curious kaya naman simpleng pangalan ko lang talaga ang nilagay ko. I don't like creating usernames na mga mushy, kaya kahit mga username ko sa ibang platform ay masyadong formal. When I decided to write, hindi ko na din binago o gumawa ng bagong account. I want my name to be known to the readers as my name and not a pseudonym. It's better to be called "stories to ni charmaineglorymae" kesa tawagin akong "the ambiguous writer."


2. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makapagsulat ng kahit anong kuwento na walang limitasyon, ano ang magiging tema nito?

I don't limit myself when I am writing in my most comfortable genre which is fantasy. Pero sa mga genre katulad ng romance purely at walang fantasy or magic, I am too limited. I am truly aware that writing a story will need a lot of experience. Masyadong kulang ang kaalaman ko sa romantic side. I am not romantic as well, I am very passive kaya hindi nagwowork out sa akin kung magsusulat ako ng pure romance. Hindi din malawak ang imagination ko when it comes to that genre. I am like a bird in a cage when I am writing romantic stories. So I wanted to write a story and break the limit. I wanted to see what will be my creation once I broke the limit.


3. Ano ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat?

Ang pinakamahirap ay yung mawawalan ka ng motivation sa pagsusulat. I was once in that position where I lost my drive to write and continue the story. Hindi na nawalan lang ako ng gana, but some incidents made me too upset at nawalang talaga ako ng gana magsulat. It took me 3 months before I decided to write again and continue. The support from my followers made my head clear towards my goal.


4. Saan mo nakikita ang sarili mo pagkalipas ng limang taon?

Hindi ko pinapangarap na maging tanyag na manunulat limang taon mula ngayon. Ngunit nakikita ko ang sarili ko na nagsusulat pa rin at proud na maging isang published writer. Yun naman ang goal lahat ng mga manunulat, ang maging published at makilala ng lahat.


5. Ano ang naging inspirasyon mo sa inyong kwento na "Immortal's Tale"?

Ang inspirasyon ko sa pagsusulat ng Immortal's Tale ay isang anime na napanood ko ilang taon na ang nakakaraan. Nanonood lang ako noon, at na inspire akong gumawa ng kwento tungkol sa mga imortal at mga ibang nilalang.


6. Sa buwan ng Hunyo, ipinagdiriwang ang Araw ng Kalayaan. Bilang isang manunulat, nagawa mo na bang magpalaya isang aspeto ng iyong buhay para ikaw ay maging isang mabuting manunulat? Bakit mo ito nagawa?

Sa ilang taon kong pagsusulat, naranasan ko na ang makaramdam ng matinding inggit sa ibang manunulat, lalo na yung iba na mga mabilis sumikat. Ngunit naisip ko, kung magpapatuloy iyon, baka mawalan na lang ako ng gana isang araw sa pagsusulat. Binitawan ko ang pakiramdam na iyon na posibleng maging mitya upang tumigil ano sa pagsusulat. Kaya ngayon, hindi ko na iniisip kung mabagal o mabilis akong sumikat. Ang mahalaga, mapasaya ko ang mga taong nagbabasa ng mga kwento ko.


7. Bakit mo napiling magsulat sa dyanrang Fantasy?

Noon, mahilig akong magsulat ng romance genre. Ngunit noon sinubukan ko ang wattpad at nagbasa ng mga fantasy, napagtanto ko na mas malaki ang mundo ng fantasy. Maraming pwedeng gawin at buoin.


8. Ano ang isa sa mga pinakamahirap na aspeto ng pasusulat para sa iyo?

Para sa akin ay ang pagtapos ng buong kwento. Hindi natin maiiwasan na makaramdam ng katamaran o mawalan ng ideya. Ilang beses na akong sumubok na magsulat noon at hindi ko natatapos dahil nawawalan ako ng gana o nauubusan ako ng ideya.


9. Ano ang maipapayo mo sa mga manunulat na nahihirapang gumawa ng story title?

Para sa akin, importante na yung title ay angkop sa kabuoan ng kwento. Parang siya yung representative ng buong kwento. Karamihan kasi, gumagawa ng title na malayo naman sa kwento o hindi angkop, basta maganda lang pakinggan. Mas maganda din kunin ang mga salita na napakalaki ng impluwensya sa kwento at gawin title.


10. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?

Lagi kong ipinapayo ito sa mga nagchachat sa akin kung ano ang maipapayo ko sa kanila as a beginner. Ginawa ko din ito sa sarili ko noon. Ang masasabi ko lang, na sa simula, set your expectations low, hindi ibig sabihin na nagsimula kang magsulat, marami kaagad na tatangkilik sa mga gawa mo. It will take months, years before you can be recognized. Writing and reading will help you improve your narration. Tapusin din ang mga ginagawang stories, hindi yung puro chapter 5 pa lang ang nagagawa ay titigil na at magsisimula na naman ng bago. Readers like to read stories na complete na yung status. Don't compare yourself as well sa mga sikat o sa mga fast-rising star na mga writer. It just happened na talagang magaling sila at na market ng maigi yung mga gawa nila. We all have individual differences and capacities. Work at your own pace and comfort. You don't seek success, success will find you.


11. Ano ang mensahe mo sa iyong mga mambabasa?

Ang masasabi ko sa mga Charmers ay "Thank you!" They made me not stop writing. They are my motivation. Their excitement and existence made me want to create more stories that will put a smile on their faces. I am always happy to hear from the readers that my stories made them temporarily forget their problems or made them feel better. I am glad that they find peace and comfort in reading my stories. For them, I don't want to stop writing and continue spreading positivity. They will always be my fantastic charmers.


1. Sa baybayin o sa kabundukan?

Baybayin

2. Jollibee o McDonald's?

Jollibee

3. Shakespeare o Edgar Allan Poe?

Shakespeare

4. Football o Boxing?

Football

5. Malinis o Makalat?

Malinis

6. Toblerone o Snickers?

Toblerone

7. Kaunti ang pasensya o Madaling magalit?

Kaunti ang pasensya

8. Star gazing o Campfire?

Campfire

9. Science o Math?

Science

10. Mangsusundo o Susunduin?

Susunduin

11. May drafts pero hindi matapos o may plot pero hindi maituloy?

May drafts pero hindi matapos

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro