Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

July 2022 (i) Panayam kay You4hia

1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?

Ilang taon na akong on & off sa Wattpad. Ilang beses na rin akong gumawa ng account at nagpapalit-palit ng username pero feeling ko, may kulang.

And then, I met BTS. Si Jungkook ang naging bias ko. Sa lahat ng kanta nila, naging favorite ko ang 'Euphoria'. Bilang mahilig akong maglaro ng mga salita, ginawa ko siyang You4hia, 7 characters for 7 members. Bilang kaibigan naman, kapag binasa mo siya nang pabaliktad, a.i.h.4you, o I Am Here 4(for) You. Goal ko rin na ma-feel ng readers na may taong nakikinig at nakakaunawa sa kanila, kapag nabasa nila ang mga kuwento na ibinabahagi ko.


2. Gaano kahalaga sa iyo ang pagsusulat at bakit?

Feeling ko, ang pagsusulat ang soulmate ko. Hindi ko siya hiniling, hindi ko rin siya pinilit. Kusa siyang dumating. Ilang beses din akong sumubok—at tumigil—pero bumabalik pa rin ako.

Ang pagsusulat din ang escape ko. Kapag feeling ko, against sa akin ang lahat, at walang gustong makinig ng thoughts ko, isusulat ko lang siya at nagiging okay na ako.


3. Mayroon ka bang sariling akda na nais mong irekomenda sa mga hindi pa nakapagbabasa ng iyong gawa?

Sa mga naka-publish na kuwento ngayon sa profile ko, siguro yung entry ko sa Mahalima Hanggang sa Huli SB19 Fanfic na Kapiling (Stell) at Taguan-Tagpuan (Josh). Kasi 'yan yung pinakana-enjoy kong isulat. At mga first time kong isulat using second POV.


4. Bukod sa pagsusulat, ano pa ang pinagkakaabalahan mo sa iyong libreng oras?

Ako ay nanonood ng K-Drama series, o kung minsan movies, kung saan ay madalas akong nakakakuha ng inspirasyon sa pagsusulat. Minsan ay gumagawa at nagta-try rin ako ng iba't ibang style ng book covers.


5. Ano ang iyong ginagawa kapag nakararanas ka ng writer's block?

Lumalayo ako sa writer side ko. Hindi ko siya iniisip. Magpapahinga for at least 3 days, tapos babasahin ulit ang draft, tapos magpapatuloy. Mabilis naman din akong makabalik sa tulong ng outline.


6. Sino ang iyong nagsisilbing inspirasyon sa pagsusulat?

Mga kapwa ko Wattpad writer/author. Lalo na yung mga nagsusulat ng romance, dahil nagagawa pa rin nilang kakaiba at nabibigyan ng magic ang mga kuwentong nakasanayan na natin.

Mga tao sa paligid ko–in real life o virtual. Mga nakakasalamuha, o minsan, mga estranghero. Kasama na rin ang mga iniidolo ko. Nakikita ang similarities and differences–na pwede mong pagsama-samahin para makabuo ng bagong karakter.


7. Sa lahat ng karakter na naisulat mo, sino ang sa tingin mong pinakamalapit sa pag-uugali mo?

Sa ngayon . . . wala pa.

Pero feeling ko, si Winona. Kasi ang kuwento niya ay from sunshine to darkness experience ko . . . Makikilala niyo rin siya soon. ✌🏻


8. Para sa iyo, ano ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat?

Yung mawalan ng creativity at will to write. Yung kahit gustong gusto mong magsulat pero walang lumalabas na idea. Kahit marami ka namang na-jot down na ideas or plot, pero wala siyang spark sa'yo?


9. Ano ang iyong pinakahindi makalilimutan na karanasan bilang isang manunulat?

Ang makatapos ng isang kuwento. Kahit mahirap, nakapaglagay ka ng 'the end' sa dulo ng story mo. Kahit flash fiction, short story, or novelette pa 'yan.

And also, yung na-notice ako ng mga favorite kong writer/author.


10. Saan mo nakikita ang sarili mo pagkalipas ng limang taon?

Nakikita ko ang sarili ko na nagsusulat pa rin. Mula sa pagsubok ng iba't ibang genre, hanggang sa mag-stick sa isa o dalawa, tapos doon na magfo-focus.


11. Ano ang iyong maipapayo sa mga bagong manunulat?

Magsulat ka. Ilang beses na itong sinasabi, halos magdugo na rin ang mga tenga natin dahil dito, pero iyon talaga ang number 1 na dapat gawin.

Believe in yourself, and your story. Kung wala kang tiwala sa sarili mo, hindi rin magtitiwala ang characters mo sa'yo.

Mag-enjoy ka lang. Huwag magmadali. Hayaan mong mabuhay ang characters mo, ituring na parang best friend o nag-eexist sila in real life, at samahan sila sa adventures.


1. Magsulat na puyat o magsulat na gutom?

Magsulat na puyat

2. Walang takot na karakter o matatakuting karakter?

Walang takot na karakter

3. Maging scriptwriter o maging direktor?

Maging scriptwriter

4. Maling lyrics o maling subtitle?

Maling lyrics

5. Cliffhanger o plot twist?

Plot twist

6. Masakit na katotohanan o komportableng kasinungalingan?

Masakit na katotohanan

7. May drafts pero hindi matapos o may plot pero hindi maituloy?

May drafts pero hindi matapos

8. Maging mahirap pero masaya o maging mayaman pero malungkot?

Maging mahirap pero masaya

9. To be continued o the end?

The end

10. Magkaroon ng kapangyarihan magsulat nang mabilis o magkaroon ng kapangyarihang magbasa nang mabilis?

Magkaroon ng kapangyarihang magbasa nang mabilis

11. Libro o pelikula?

Libro

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro