July 2022 (i) Panayam kay Silentheart0512
1. Ilang taon ka nang Wattpad Ambassador at saang team ka kabilang?
Limang taon na po akong Wattpad Ambassador. Kabilang po ako sa Engagement Team at sa iba't ibang profiles, kabilang din ako sa Paid Stories Sentiment Moderation.
2. Ano ang iyong mga ginagawa bilang Ambassador?
Bilang isang Filipino Ambassador sa Engagement team, sinisigurado namin na updated kami sa mga nangyayari hindi lamang sa loob ngunit maski sa labas ng Komunidad ng Wattpad. Nag-iisip din kami ng iba't-ibang prompts at ibang initiatives, at naglalaan kami ng apat na oras upang maisagawa ang mga task at prompts para sa aming Wattpad profile.
3. Bakit mo napagdesisyunang maging Wattpad Ambassador?
Kung hindi ako nagkakamali taong 2017 iyon nang napagdesisyunan kong maging isang ganap na Wattpad Filipino Ambassador at mas lalo akong naengganyo nang makita ko ang ginagawa ng isang Ambassador para sa ating komunidad at mag grow pa as an individual person. At makalipas ang ilang taon, masasabi kong tama at worth it ang naging desisyon ko, tunay na nakakatuwa maging bahagi dito, sobrang saya pag nakakatulong ka kahit sa maliit na bagay at makasalamuha ang iba't-ibang Wattpad writers and readers.
4. Ano ang pinakamasaya at pinakamahirap na parte sa pagiging Ambassador?
Ang pinakamasayang parte ng pagiging Wattpad Ambassador ay ang makasalamuha ang iba't-ibang Wattpad Users at ang magkaroon ng bagong kakilala at kaibigan sa komunidad. Para sa akin, ang pinakamahirap na parte sa pagiging Ambassador ay time management o meeting deadlines, pero so far na ha-handle naman po sya ng maayos.
5. Paano mo napagsasabay ang pagiging ambassador at mga pinagkakaabalahan mo sa labas ng Wattpad?
Time Management. Bilang bahagi ng mundo ng health workers, hindi madali pagsabayin ang pagiging Ambassador at pagiging Frontliner, pero wala naman talagang impossible kung mahal mo ang ginagawa mo, time management ang ginagawa ko, hindi rin ako ganun ka organized as a person, but I always do my best in everything I do and make sure na maglaan ng oras para sa mga bagay na nagpapasaya at prioridad sa buhay. Hindi man madali pagsabayin ang trabaho at pagiging Ambassador, pero worth it talaga ang paglaan ng oras at maging bahagi bilang isang Filipino Wattpad Ambassador.
6. Ano ang pinakamagandang aral na natutunan mo sa pagiging ambassador?
Pag mahal mo ang ginagawa mo, ang impossible ay nagiging possible. Mula nang nanging bahagi ako ng Wattpad Ambassador ay mas lalo pang lumawak ang aking pananaw, opinyon at kultura sa bawat writer/reader at co-Wattpad Ambassadors na nakakasalamuha ko. Dito, mas lalo pa akong nag-gogrow as an individual person.
7. Ano ang iyong masasabi sa culture at working environment ng Wattpad Ambassadors?
Masasabi kong professional and at the same time fun ang working environment ng Wattpad Ambassador. Bawat isa sa amin ay may iba't-ibang pangunahin at hinahawakang tasks, prompts at initiatives na ginagawa ng boung teams, ngunit gano'n pa man ay nagkakaisa ang bawat miyembro at pinapahalagan ang well-being ng isang Ambassador. Higit sa lahat, napakapositibo at napaka-caring ng culture at working environment ng isang Wattpad Ambassador. Tinitiyak din ng mga Seniors at Team Leads na walang maiiwan sa bawat miyembro nito. Mararamdaman mo talaga na nasa isang malaking pamilya ka dahil hindi ka pinababayaan at ginagabayan ka.
8. Paano nakatutulong ang iyong pagiging ambassador bilang isang manunulat o mambabasá?
Dito nahahasa ang isang Ambassador hindi lamang sa pagsusulat kundi nahahasa din ang kakayahan nito sa pagiging hurado ng mga patimpalak. Mas marami rin natutunan na mga writing rules and technicalities, dito mas nahahasa rin ang kakayahan sa pag aanalisa ng bawat kwento na nababasa.
9. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang isa sa hindi mo makalilimutang karanasan mula nang ika'y maging isang Ambassador?
Wattpad Meet-ups ang isa sa mga hindi ko makakalimutang karanasan mula nang ako'y maging isang Filipino Wattpad Ambassador. If I remembered it right, it was year 2018, una akong nakasama at tumulong sa paghandle sa isang event ng Wattpad PH. Doon ko unang nakita at nakasama ang co-Wattpad Ambassadors, dito nagkaroon ako ng mga bagong kakilala at kaibigan, we became a big family. Nakakalungkot lang dahil sa pandemic, baka matatagalan ulit magkaroon ng Wattpad face to face events. Pero hoping in the near future maibalik ulit ito.
10. Bilang isang Ambassador, paano mo hina-handle ang kritisismo ng ibang Wattpaders sa ating ginagawa para sa buong community?
Ang kritisismo ay isang natural na pangyayari sa labas o loob man ng Komunidad ng Wattpad, dito naipapahayag ng mga mambabasa ang kanilang hinaing at komento tungkol sa isang bagay. Hindi rin nararapat na i- invalidate natin ang nararamdaman ng isang mambabasa, kaya mas tinutuunan ko nalamang ng pansin ang paggawa ng bagay na mas makakatulong sa komunidad, at hindi ko hinahaayang maging hadlang ang mga ito upang magbigay ng maayos na serbisyo para sa Komunidad ng Wattpad.
11. Maaari ka bang magbigay ng mensahe sa lahat ng Ambassadors o payo sa mga nais mapabilang sa atin sa hinaharap?
Sa lahat ng mga Amabassadors sa boung mundo, maraming salamat sa inyong sakripisyo at dedikasyon para sa ating komunidad. Lalo na sa aking team, ang FanFicPH team, sobrang salamat sa effort at saya na binabahagi ng bawat isa para sa ating komunidad. Sa mga nais mapabilang bilang isang Wattpad Ambassador, ito ay "once in a lifetime opportunity", kaya huwag ninyong sayangin ang pagkakataon na mapabilang dito at mabigyan ang inyong sarili ng pagkakataon upang matuto at mag grow at mapabahagi sa isang malaking pamilya bilang isang Wattpad Ambassador.
1. E-book o physical book?
Physical Book
2. Tea o coffee?
Tea
3. Mahal mo o mahal ka?
Mahal Ka
4. Edward o Jacob?
Jacob
5. Jollibee o McDo?
Jollibee
6. Dine-in o delivery?
Delivery
7. Forest o beach?
Beach!!
8. Tacos o wings?
Wings
9. Tulog sa kanan o sa kaliwang bahagi ng kama?
Tulog sa kanang bahagi ng kama
10. Pusa o aso?
Aso
11. Sitcom o drama?
Drama
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro