Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

July 2022 (i) Panayam kay rejmartinez

1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?

I think wala naman po na anything unique sa username ko, hehe. It's just my name, Rej Martinez (rejmartinez).


2. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makapagsulat ng kahit anong kuwento na walang limitasyon, ano ang magiging tema nito?

Kung bibigyan ako ng pagkakataon na makapagsulat ng kahit anong kwento na walang limitasyon, siguro po ang magiging tema nito ay political o ambition and greed. Tama ba?


3. Ano ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat?

Siguro para sa akin ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat ay iyong pakiramdam na nagsipag ka talagang magsulat pero parang hindi pa rin sapat sa readers? Haha! Pero I think it's part din ng writing journal, iyong discouragements minsan.


4. Saan mo nakikita ang sarili mo pagkalipas ng limang taon?

Pagkalipas ng limang taon mula ngayon siguro ay nagsusulat pa rin naman ako. I consider writing as my strength. Pakiramdam ko po I can express myself or my thoughts here well. Sa pagsusulat ay nahanap ko po ang boses ko. Thanks, Wattpad.


5. Ano ang iyong inspirasyon sa iyong kwento na "Mistakenly"?

I wrote Mistakenly way back 2016 or 2017? How old was I at that time? I was young and I think I just wrote what's on my mind at that time. I don't really remember anymore. But I think it has something to do with one-night stand themed stories that I've read or watched before at that time. And maybe I wanted my story to be a little different. Haha!


6. Ipinagdiriwang ang World Emoji Day sa buwan ng Hulyo. Kung papipiliin ka ng isang emoji na magiging simbolo mo bilang isang Wattpad Star, ano ito at bakit?

Hmm. Can I choose the orange heart emoji ? Usually when I post something about or for Wattpad I use this emoji often. The color of the heart can be similar to Wattpad's color?


7. Ano ang iyong proseso sa pagre-research ng iyong mga karakter at eksena sa kuwento?

Kapag may nabuo na po na idea para sa story plot sa isip ko. That's when I start my research, too. I research everything that I do not know of I'm not sure of. At para sa mga eksena naman po I take notes talaga. Halimbawa sa mga naunang chapters pa lang na sinusulat ko nagtetake notes na rin po ako for the next parts or chapters and the scenes.


8. May pagkakataon bang nahihirapan kang isulat ang isang eksena? Anong ginagawa mo para maipagpatuloy mo ang iyong pagsusulat?

Opo, mayroon. I rest. Nagpapahinga po muna ako and try to get some inspiration through reading or watching and further researching. And then iyon po naipagpapatuloy ko naman po yung sinusulat ko.


9. Kung bibigyan mo ng spin-off ang isa sa mga side characters mo, sino ito at bakit?

Hmm. Siguro po iyong assistant ng character kong si Natalia sa Dahil Mahal Kita na story ko po. I think Yvette is a worth to write din po na character. She's a single mom to a daughter and her husband died in an accident long time ago. Mayroon namang mga love stories tungkol sa mga single mother but I think there aren't many. So I think I'd like to write one, too.


10. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?

Siguro po ang maipapayo ko sa mga bagong manunulat ay huwag po silang ma discourage agad. Just keep going and continue writing kung gusto po talaga nila itong pagsusulat. Maraming beses din kasi noon na napanghinaan din po ako ng loob, but mabuti nalang ay hindi po ako tumigil kasi magkakaroon ka pala talaga ng place mo or you will really be rewarded. Your hardwork and efforts will pay. Kailangan lang po natin ng patience.


11. Ano ang mensahe mo sa iyong mga mambabasa?

Ang aking mensahe sa aking mga mambabasa ay maraming maraming salamat po. Salamat sa pagbabasa ng mga gawa ko kahit ito man ay pay-to-read o nasa paid stories. Salamat po sa inyong patutuloy na pagbabasa sa mga gawa kong storya at sa inyong suporta po! Patuloy po akong nakakapagsulat dahil din sa inyo. ❤️


1. Spotlight o Shadow?

Shadow

2. Motorsiklo o Bisikleta?

Bisikleta

3. Bampira o Werewolf?

Bampira

4. Tubig o Apoy?

Tubig

5. Couch o Bed?

Bed

6. Window Blinds o Kurtina?

Kurtina

7. Kaldereta o Chopsuey?

Chopsuey

8. Mata o Ilong?

Ilong

9. Ng o Nang?

Nang

10. National Bookstore o Pandayan?

National Bookstore

11. Cliffhanger o Slow update?

Cliffhanger

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro