January 2022 (ii) Writing and Multimedia Tips
Nais mo bang magsimulang magsulat ng kuwento? O di kaya ay matagal ka nang nagsusulat? Alinman diyan ang kinabibilangan mo, narito ang ilang mga paraan upang maging mas mahusay na manunulat:
1. Magbasa
Isa sa pinakamahalagang bagay na dapat gawin ng isang manunulat ay ang pagbabasa. Sa pagbabasa ng iba't ibang klase ng akda, makabubuo ka ng mga ideya at matututo ka rin ng iba't ibang estilo sa pagsusulat.
2. Magtakda ng araw o oras sa pagsusulat
Upang maging mas consistent sa pagsusulat, mas mainam na magkaroon ng nakatakda o nakalaang iskedyul sa pagsusulat. Maaaring magtakda ng araw gaya ng isang beses sa isang linggo (hal. Sabado) o kaya naman ay tuwing alas otso ng gabi.
Kapag nakagawian mo na ang ganoong araw o oras, mas masasanay kang magsulat sa ganitong panahon. Tandaan: Hindi naman kinakailangang makapagsulat ng mahahabang talata o kabanata sa inilaan mong araw/oras.
3. Sumali sa iba't ibang patimpalak
Dito sa Wattpad, mayroong iba't ibang mga profile na nagsasagawa ng mga patimpalak gaya ng AmbassadorsPH at WattpadRomancePH na mayroong iba't ibang tema kada buwan. Magandang gawing pagsasanay ang mga ito upang mas mahinang ang iyong pagsusulat.
4. Ihanda ang kuwaderno o telepono
Minsan, basta na lang tayong dinadalaw ng mga ideya. Maaaring ikaw ay nasa pampublikong sasakyan, nasa banyo, o kaya naman ay nasa kusina. Walang pinipiling lugar ang mga ideya. Kung kaya't mas mainam kung palaging nakahanda ang iyong maliit na kuwaderno o kaya naman ay ang iyong telepono upang maisulat mo agad ang iyong mga ideya at hindi mo makalimutan ang mga ito.
5. Sumali sa mga writing group
Malaking tulong ang naibibigay ng mga writing group sa isang manunulat. Bukod sa dagdag na kaalaman na maaari mong makuha sa mga kasama mo sa grupo, magkakaroon ka rin ng dagdag na suporta mula sa ibang mga manunulat na maaari mo ring maging mambabasa.
6. Magsaliksik
Ang pagsasaliksik ay isa sa pinakaimportanteng bagay na dapat gawin ng isang manunulat. Kung may mga bagay na hindi ka sigurado o kung nais mong mas maging makatotohanan at wasto ang mga impormasyong inilalagay mo sa iyong kuwento, siguraduhing magsaliksik upang maiwasan ang pagkakamali.
Pag-promote sa social media
Isa sa mainam na paraan upang mas makilala ng maraming tao ang iyong akda ay ang pagpo-promote nito sa social media. Maaari kang gumawa ng mga disenyo na pino-promote ang iyong kumpletong kuwento o kaya naman ay mayroon kang bagong kabanata na nai-publish.
Madali lamang ang paggawa ng imahe na maaari mong gamitin sa pag-promote ng iyong akda. Sundin lamang ang mga sumusunod na hakbang:
1. Buksan ang Canva sa app o sa desktop.
2. Piliin ang sukat na nais mong gamitin. (Bilang halimbawa, pipiliin natin ang Instagram post na isang parisukat.)
3. Pumili ng gusto mong disenyo.
4. Kapag may napili ka nang disenyo, buksan ito.
5. Palitan ang imahe na nasa disenyo at ilagay ang pabalat ng iyong kuwento. Pindutin lamang ang imahe na nasa cellphone at piliin ang Replace.
6. Palitan din ang mga text na nasa disenyo at ilagay ang mga salitang nais mo. Para sa halimbawang ito, ilalagay natin ang NEW UPDATE! imbis na THANK YOU! at Ch 1 Posted! imbis na 5K followers.
Pindutin lamang ang mga salita at palitan ang mga ito.
7. I-download ang pinal na disenyo.
8. Kapag na-download at na-save mo na ang iyong disenyo, maaari mo na itong i-post sa iyong social media accounts upang mai-promote ang iyong kuwento!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro