Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

January 2022 (i) Panayam kay TheGirlLookingAtYou

1. Ilang taon ka nang Wattpad Ambassador at saang team ka kabilang? 

1 year and a half na yata ako? Basta alam ko 1 year na ako haha. Sa Engagement team ako~ 


2. Ano ang iyong mga ginagawa bilang Ambassador? 

Madalas posting sa Facebook page tapos judging sa Write-A-Thon every month. 


3. Bakit mo napagdesisyunang maging Wattpad Ambassador? 

Last 2018 ko pa talaga gusto maging Wattpad Ambassador kaso takot ako subukan. Feeling ko kasi hindi ko kaya. Pero no'ng nagka-pandemic tapos nakita ko 'yong announcement naisip kong i-grab na. Sayang din kasi ang opportunity kung lagi ako matatakot. 


4. Ano ang pinakamasaya at pinakamahirap na parte sa pagiging Ambassador? 

Pinkamahirap for me 'yong pagkakasabay ng task saka work ko outside Wattpad. Sobra kasing makain ng oras 'yong work ko. Parang gusto ko na lang maging patatas. Pinakamasaya 'yong part na mas marami akong na-encounter na writers and readers. 


5. Paano mo napagsasabay ang pagiging ambassador at mga pinagkakaabalahan mo sa labas ng Wattpad? 

Need mag-balance ng time. Ginusto ko 'to kaya dapat panindigan ko haha. 


6. Ano ang pinakamagandang aral na natutunan mo sa pagiging ambassador? 

Actually ang dami sa mga training pa lang, e. Pero gusto ko part na as an Wattpad Ambassador isa ka sa sumasalamin sa Wattpad Community kaya alam mo dapat kung saan ka lulugar at kung ano 'yong tama or mali. 


7. Ano ang iyong masasabi sa culture at working environment ng Wattpad Ambassadors? 

Grabe ang professional ng lahat! Then alam mong nagtutulungan at magre-reach out sa 'yo kapag nahalata nilang nahihirapan ka sa task. 


8. Paano nakatutulong ang iyong pagiging ambassador bilang isang manunulat o mambabasá? 

As a writer, ang dami kong natutunan na dos and don'ts na hindi ako aware before. Lalo na 'yong mga right theme for right age. 


9. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang isa sa hindi mo makalilimutang karanasan mula nang ika'y maging isang Ambassador? 

'Yong time na nagme-meeting for Wattpad Filipino Block Party. Hindi kasi ako aware before na hawak 'yon ng Engagement team so nagulat ako. Lalo na no'ng mga suggestions ng mga writers and kung ano gagamiting theme. Although nahirapan ako sa part ng pag-contact sa ilang writers. Pero nakaka-excite pala 'yong gano'n. 


10. Bilang isang Ambassador, paano mo hina-handle ang kritisismo ng ibang Wattpaders sa ating ginagawa para sa buong community?

Dapat open discussion at huwag maging patola. Unlike before na nakikipag bargulan talaga ako kapag may nasagap ako na against sa Wattpad Community. Now na isa akong Wattpad Ambassador natuto akong makinig at mag-search kung ano ba talaga ang tama. 


11. Maaari ka bang magbigay ng mensahe sa lahat ng Ambassadors o payo sa mga nais mapabilang sa atin sa hinaharap? 

Thank you! Sa mga heads namin salamat sa pagtiyaga na pag-approach. Sobrang appreciated po~ At sa mga nais maging Wattpad Ambassador, kaya niyo 'yan! Aim for the goal!  


1. E-book o physical book? 

Ebook 

2. Tea o coffee? 

Coffee 

3. Mahal mo o mahal ka? 

Mahal ako haha 

4. Edward o Jacob? 

Jacob! 

5. Jollibee o McDo? 

McDo 

6. Dine-in o delivery? 

Delivery 

7. Forest o beach? 

Beach 

8. Tacos o wings? 

Wings! 

9. Tulog sa kanan o sa kaliwang bahagi ng kama? 

Tulog sa kaliwang bahagi

10. Pusa o aso? 

Aso! 

11. Sitcom o drama? 

Drama 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro