Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

January 2022 (i) Panayam kay Imcrazyyouknow

1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?

Wala talaga siyang origin, pero inspired lamang siya sa kanta ng Match Box na "Unwell" kasi may part do'n na "I'm not crazy, I'm just a little unwell...." I could've made it more interesting pero boring kung saan siya nanggaling. Ang daming nini-nickname sa akin from elementary to highschool, di ko naisip gawing username haha!


2. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makapagsulat ng kahit anong kuwento na walang limitasyon, ano ang magiging tema nito?

As of today, I'm exploring a lot of genres. Mapa-Historical Fiction, SciFi, Horror, Short Story, o vampire/werewolf/witches pa man 'yan, I'm taking the risk to write these stories! But I keep pushing myself to write stories na hindi ko pa masyadong gamay ngayon so I will take time to research or do whatever I need para masulat ang mga ito.


3. Ano ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat?

I think maraming aspeto na nabibilang dito. How to gain readers, how to start a story (kasama na rito ang outlining, world building, etc.), and how to stay relevant. Siguro for someone na nagsisimulang magsulat, ang pinakamahirap para sa isang writer ay ang magsulat--but if you're writing tapos walang nagbabasa, minsan nakaka-demotivate rin talaga siya so isa ring aspect nito paano ka makaka-attract ng readers. But if you already have that, great! Sa pagiging stay relevant naman, dito na-build mo na ang foundation ng writings mo at may readers, but on the process, minsan nawawalan ng spark to write or iyong readers ay nag-iiba ang taste sa binabasa. Dito naman papasok iyong paano mo bibigyan ng bagong atake ang mga story mo at paano mo makukumbinsi ang mga readers mo na basahin ito.

Lastly, kung paano magsimulang magsulat. You won't be able to experience all those I've mentioned kung hindi ka magsisimulang magsulat. Kahit na nasa utak mo na ang bawat scenes, characters, simula o wakas, on how to write it ay isa pa ring challenge, but go for it! We always write in the first draft of our stories, saka na ang edit kapag na-meet mo na si wakas.


4. Kung ikaw ay papipiliin, anong simbolo ang gusto mo maging ngayong Bagong Taon?

Star ang napili ko. Bakit? Simple. Isabuhay na natin ang pagiging Wattpad Star, maging simbolo ng inspirasyon at motibasyon sa ibang manunulat na magagawa ang lahat kung naka-set na sa ating mga isipan kung bakit natin ito ginagawa. Kung bakit tayo nagsusulat. At sa buong taon, patuloy ako/tayong magniningning at ipamalas ang talento. Be the light that shines for everybody and I wanna be that someone else who can give them something in any way possible.


5. Ano ang nagtulak sa iyo para isulat ang "Waking Up in Vegas"?

Sarili ko lang! Nanonood kasi ako ng Love Island no'n at napakinggan ko ang kanta ni Katy Perry na "Waking Up in Vegas" no'n sa isang scene nila. E, masyadong bop para sa akin 'yong kanta kaya na-inspire akong gumawa ng story! E, sa huli, hindi lang pala Vegas ang nabuo ko sa kantang iyong kung hindi isang series! (Consists of 8 stories na ngayon ay completed na lahat!)


6. Sino ang paborito mong manunulat? Bakit?

Too many to mention. Dati may binabanggit ako kung sino, pero magiging general na lang ako ngayon. Lahat may kanya-kanyang unique way of storytelling... pero sige na nga, James Dashner dahil bet na bet ko ang The Maze Runner series!!!


7. Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na gawing TV Series o pelikula ang isa sa iyong mga kuwento, ano ito at bakit?

Iyong Driving to a Place We'll Never Find... I dunno. Isa siya sa mga published ko under PSICOM, kahit na ang dami ko nang naisulat na stories, iyong story na 'yon pa rin ang binabalikan ko.


8. Ano ang iyong New Year's Resolution ngayong 2022?

Maka-complete ulit ng more than 10 stories! Marami akong nasa isip, but I'll keep it for myself na lang muna. Sa ngayon, I'm after achieving new things out of my comfort zone.


9. Saan mo nakikita ang sarili mo pagkalipas ng limang taon?

After 5 years, siguro nagsusulat pa rin. At that time, I'm sure marami na ang nangyari. Maraming achievements, ups and downs, and changes na napagdaanan, but with all these ever changing aspect in terms of writing and outside of Wattpad, writing will always be a part of my life now. Hindi na magbabago 'yon.


10. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?

Just keep on writing! Alam kong 'yan din ang nababasa o naririnig niyo sa ibang writers, but the progress matters! Kung magsisimula ka sa wala, that's still a progress until you've reached that goal you were aiming for! Tuloy-tuloy lang sa pagsusulat. Pour out your passion, dream, and all to it. Gaya nga rin nang nabanggit ko sa Q3, write first and then edit the story when you're done with it.


11. Ano ang mensahe mo sa iyong mga mambabasa?

Thank you so much for supporting me! Lalo na sa Craziers for sending their love and support! To all those who keep purchasing Waking Up in Vegas from the Paid Stories Program and even read some of my oldest stories, thank you so much! Basta sa lahat, mapa-published book man or in any form of support, thank you!!!


1. Maging nailathalang aklat ang gawa o maging pelikula ito?

Maging pelikula

2. Madilim o maliwanag?

Madilim

3. Pumunta sa Labas o Manatili sa Loob ng Bahay?

Manatili sa loob ng bahay

4. Tourist Spots o Hidden Gems?

Tourist Spots

5. Magsulat sa cellphone o sa kompyuter?

Magsulat sa kompyuter

6. Book Series o Standalone Book?

Book Series

7. Araw o Buwan?

Araw

8. Romance o General Fiction?

Romance

9. Magsulat sa Gabi o sa Umaga?

Magsulat sa Gabi

10. Mainit o Malamig?

Malamig

11. Maingay o Tahimik?

Tahimik

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro