Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

January 2022 (i) Panayam kay fieryjia

1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?

Marami akong naging username tulad ng ibang manunulat at isa lang ang pinakabumagay sa pagkatao ko at 'yon ay ang username ko ngayon. Noong nagsisimula pa lang ako ulit magsulat, "jia" lang ang nasa username ko. Pero kapag tinitingnan ko ang username ko noon na "jia_wp" palagi kong sinasabi sa sarili ko na may kulang at masyadong boring tingnan. Kaya nag-isip ako ng panibagong username na babagay sa mala-imbornal kong ugali. Charot.

Maraming nagsasabi sa inyo na maganda, maliit, at malambing ang boses ko at sa tingin niyo ay gano'n din ako. Pero pasensya na kayo dahil ngayon pa lang sasabihin ko na sa inyo na hindi gano'n ang personalidad ko, haha! Para sa 'kin, "jia" is too sweet at hindi bagay sa mga storya na sinusulat ko at lalo na sa personalidad na meron ako. Kaya napag-isipan ko na dagdagan s'ya ng word na "fiery" dahil most of my stories are fire story. Kaya napagdesisyunan kong gawin itong fieryjia.


2. Gaano kahalaga sa iyo ang pagsusulat at bakit?

Gaya ng sabi ko kanina, writing is one of my escape. Kapag masaya, malungkot at kapag galit ako, nagsusulat ako. In short, writing became my diary. May mga sinusulat ako na totoong nangyari sa buhay ko, totoo kong naramdaman, at syempre ay sinusulat ko rin 'yung mga bagay na gusto ko ring mangyari sa'kin. Writing became one of my therapies, especially when this pandemic happened.

Nung nagsimula ang pandemic, dalawang maikling storya ang nag-angat sa 'kin mula sa kalungkutan. Si Cali, Anya, Leo, Gino at Grae ang sumagip sa 'kin. Hindi ko pa na-e-edit ang storyang ito pero kung nais n'yong basahin, makikita n'yo sila sa aking wattpad account. Akala ko ilang buwan lang magtatagal ang pandemic sa ating bansa pero nang tumagal ito ng taon, nadagdagan pa ang mga storya ko na patuloy na inaangat ako mula sa kalungkutan.


3. Mayroon ka bang sariling akda na nais mong irekomenda sa mga hindi pa nakapagbabasa ng iyong gawa?

Mahilig akong magsulat ng mga short stories kaya kung bet mo rin magbasa ng mga maikling storya, maaari mong bisitahin ang aking wattpad account para mabasa ang Losing You Under The Stars at ang Meet Me In Cielo na isinulat ko nung kasagsagan ng pandemic. Mayroon lang itong walong kabanata kaya kung isa ka sa mga mambabasa na mahilig sa maikling storya, 'wag ka na magpahuli at basahin mo naaaaa.

At syempre ang The Mistress in Brooklyn, ang huling storya sa BLA Series! On-going pa rin si Claudette, at ilang kabanata na lang ay matatapos na rin ang kwentong ito, konting kembot na lang! Sana patuloy n'yong suportahan ang BLA Series hanggang sa matapos ang masisipag na author ng bawat story, feeling ko matatapos kami sa 2023! Kung gusto niyong basahin 'yung mga completed stories sa series, bisitahin n'yo po ang wattpad account ni Kuya VChesterG, Ate Warranj and Ate Felicity_Blythe.

Nais ko na rin i-rekomenda sainyo ang Reniel Series na aking sinusulat. Sana ay suportahan n'yo rin ang tatlong Reniel na si Eros, Ares, at Iris katulad ng pagsuporta n'yo kayna Claudette. Sana mag-enjoy kayo sa pagbabasa!


4. Nabalitaan naming napasama ka sa isang malaking series collaboration, maaari mo bang ibahagi sa amin ang iyong karanasan dito?

Masaya ako nang mapasali ako sa Brooklyn Love Affairs Series lalo na't hindi lang mga kaibigan ang naging turing ko sa kanila kundi isang pamilya. Ito ang unang beses na mapasali ako sa isang series at isang karangalan para sa'kin ang mapasali dahil magagaling ang mga manunulat na kasama ko. Wala akong naramdaman na pressure lalo na sa pag-u-update dahil lahat kami ay chill lang at ang iba ay balak atang mag-update next year at matapos ang libro sa 2023 at isa na 'ko ron.

Masaya at nakakataba ng puso ang karanasan ko sa series na 'to syempre sa mga idolo ko na naging kaibigan at pamilya ko na rin. Hindi ako nahiya sa kanila o nailang dahil mga marites din ang mga 'to! Hindi ko inakala na ganito pala kasaya makipag-collaborate at masaya akong naramdaman ko ito sa kanila lalo na't ito ang unang beses na pumayag akong makipag collaborate sa ibang manunulat.


5. Ano ang maipapayo mo sa mga manunulat na nais ding makipag-collaborate sa iba pang manunulat?

Para sa mga manunulat na nais ding makipag-collaborate sa iba pang manunulat, nais ko lang sabihin na 'wag kayong matakot o mahiyang tanggapin ang kanilang mga imbitasyon. Hindi lang pagmamahal ng isang kaibigan ang kaya nilang ibigay, kaya rin nilang magbigay ng pagmamahal ng isang pamilya. Matuto tayong magpakumbaba palagi, gumalang, matuto rin tayong makinig, at magbahagi ng kaalaman sa bawat isa. 'Wag limitahan ang sarili!


6. Bukod sa pagsusulat, ano pa ang pinagkakaabalahan mo sa iyong libreng oras?

Mahilig akong magpinta. Hindi ko kayang tumulala ng isang oras dahil lang sa may libre akong oras. Kaya ko naman tumulala pero tuwing umaga lang 'yun kapag kakagising ko lang. Hindi ko kasi gustong kinakausap ako kapag bagong gising ako. Hayaan mo muna akong magkape bago mo 'ko kausapin dahil bukod sa wala ako sa mood hangga't hindi pa humihigop ng kape, hindi rin ako maayos kausap tuwing umaga. Baka lumutang ka rin tulad ng ulap.

Dadampot ako ng kahit na anong bagay para lang may magawa ako sa libreng oras ko at madalas ay pagpipinta ang napagdidiskitahan ko. Yes! Marunong magpinta ang lola n'yo. Madalas ay landscape at portrait painting ang aking pinagkakaabalahan. Mahilig din akong kumanta at tumugtog ng iba't ibang instrumento tulad ng gitara, ukulele at piano.


7. Ano ang iyong ginagawa kapag nakararanas ka ng writer's block?

Isa sa pinaka-mahirap maranasan ang mental block lalo na sa mga writers kaya kapag nararanasan ko ito, nagpipinta ako o di kaya nakikinig muna ng music. Pagkatapos naman nun ay nakakapag sulat na 'ko at hindi tulad ng iba na ilang oras ang itinatagal ng mental block at 'yung iba ay umaabot pa ng ilang araw. Shacks!


8. Sino ang iyong nagsisilbing inspirasyon sa pagsusulat?

Syempre ang mga readers ko, pamilya ko at ang mga co-writers ko na magagaling magsulat. Noon kasi wala akong inspirasyon masyado kaya siguro tumigil ako ng ilang years sa pagsusulat pero ngayon, masaya akong dumarami na ang inspirasyon ko. Chika ko lang din, hindi pa kasi ako nagkaka-boyfriend kaya 'yung mga imagination ko, sinusulat ko na lang kasi may part sa'kin na sana pagdating ng panahon, hindi ko lang sinusulat ang mga ganitong bagay, sana iparanas din sa'kin ng taong mamahalin ko. Chika!


9. Ano ang iyong pinakahindi makalilimutan na karanasan bilang isang manunulat?

Siguro ay 'yung panahon na marami akong natanggap na hindi magandang komento sa istorya ko noon. Isa kasi 'yun sa mga rason kung bakit ako tumigil sa pagsusulat at naging rason din kung bakit ako nandito ngayon. Those who judged me and threw stones at me made me stronger. Those comments became my motivation, and it's one of the reasons I wanted to keep writing because I know I can be better than the person they used to judge.


10. Saan mo nakikita ang sarili mo pagkalipas ng limang taon?

Siguro ganun pa rin, nagsusulat pa rin ng nobela, nagtatrabaho sa Ospital, at gumagawa ng portrait and landscape paintings. Sa totoo lang, isa 'to sa mga tanong na kinatatakutan ko. Kasi kapag tinanong sa'yo 'to, syempre isasagot mo 'yung mga bagay na nais mong mangyari sa'yo pagkalipas ng limang taon kasi I'm afraid of becoming someone I don't want to be. Pero malay natin d'ba? Masaya pa rin ako na naitanong ito sa'kin, babalikan ko ito soon.


11. Ano ang iyong maipapayo sa mga bagong manunulat?

Ang maipapayo ko sa mga bagong manunulat ay 'wag n'yong hahayaan na makain ng mga bashers ang sistema n'yo. Kasi kapag nagsisimula ka pa lang magsulat ay may mga mali, may kulang at may mga kailangan pang matutunan. Hindi rin natin maiiwasan ang mga tao na hindi punahin ang pagkakamali natin pagdating sa pagsusulat at 'wag na 'wag n'yo 'kong gagayahin. Kasi nang makabasa ako ng mga bad comments sa stories ko noon, I gave up. Iniwan ko ang pagsusulat at ilan taon akong tumigil sa pagsusulat.

But I realized, walang perpektong akda. Hindi kailangan perpekto ang isang storya. Para ka lang nagsusulat ng buhay ng isang tao at hindi mo kailangan maging perpekto. Kapag nakabasa ka ng negatibong komento mula sa mambabasa, don't let it bring you down. Maaari kang umiyak, magalit, at magtanong pero hindi ka maaaring sumuko. If you want to be a writer, just write. No magic needed. I only suggest that if you want to write, you need to read a lot. 


1. Magsulat sa cellphone o sa kompyuter?

Sa kompyuter

2. Kumain sa labas o sa bahay?

Sa bahay

3. Kapangyarihang lumipad o manipulahin ang oras?

Manipulahin ang oras

4. Matamis o maalat?

Maalat

5. Romance o Fantasy?

Romance

6. Maging nailathalang aklat ang gawa o maging pelikula ito?

Maging pelikula ito

7. May sabaw o tuyo?

May sabaw

8. Magbasa o magsulat?

Magsulat

9. Madilim o maliwanag?

Maliwanag

10. Libro o pelikula?

Libro

11. Kape o tsaa?

Kape

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro