Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

January 2022 (i) Panayam kay eugenebryle

1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?

Ako 'yong tipo ng taong hindi mapakali sa isang bagay lalong-lalo na pagdating sa identity ko. Marami na akong naging username sa Wattpad at una akong nakilala bilang @wyattpalsyo pero dahil hindi ko ramdam 'yong pagkatao ko sa kaniya, pinalitan ko. Maraming beses kong pinalitan ang username ko hanggang sa nag-settle na ako sa @eugenebryle. Nalaman ko kasi na ito pala talaga dapat ang ipapangalan sa 'kin sa totoong buhay.

So, naisip ko na buhayin siya sa imahinasyon ko. Buhayin siya na ibang-iba sa ugali ko sa reyalidad. Siya 'yong tipo ng taong iba ang tingin sa bawat bagay na makikita niya. Kung para sa 'kin, itong mga sinusulat ko ay mga salita lamang; para sa kaniya ay isa itong mundo kung saan siya buhay na buhay. Para sa 'kin, kambal ko siya mula sa parallel universe at nagtatagpo lamang kami kapag nagsusulat kami.


2. Gaano kahalaga sa iyo ang pagsusulat at bakit?

Hindi ko rin alam . . . para kasi siyang diary ng mga bagay na gusto kong gawin o listahan ng mga bagay na gusto kong mangyari. Siguro sa parallel universe nangyayari ang ilan? 'Yong mga fantasy stories naman . . . siguro sa ibang universe din? Sabi ko kasi sa sarili ko, gusto kong maranasan lahat. Maging architect, doctor, engineer, astrologer, astronaut, maging pulubi, maging Diyos, maging kriminal, maging agent, maging hayop na kaka-discover lang, maging alien na susulpot sa Earth para maghasik ng lagim, maging straight na lalaki, maging babae, o 'di naman kaya'y maging isang conspiracy theorist na isa palang time traveler na galing sa hinaharap o kaya naman maging isa sa Universe.

Iyon kasi ang bagay na gusto ko, maging lahat. Kaya siguro mahalaga sa 'kin ang pagsusulat kasi kahit paano natutupad 'yong gusto ko at nabibigyan ako nito ng kakaibang emotional fulfillment kapag na-i-imagine ko 'yong mga bagay na gusto kong maranasan (kahit malabo sila sa isip ko).


3. Mayroon ka bang sariling akda na nais mong irekomenda sa mga hindi pa nakapagbabasa ng iyong gawa?

Kahit ano na lang siguro sa mga naisulat ko na naka-publish sa Wattpad account ko. I treat my stories equally at love na love ko sila pero why not try Flames of Forgotten Night? Joke only! Pero kasi may something talaga sa FOFN para sa 'kin—o 'di kaya naman ay jowang-jowa lang ako kaya gano'n?

Basta kasi isinulat ko lang siya simula noong nalaman ko 'yong worth and potential ko as a human being and how can we be one of those endless possibilities of the Universe—about how beautiful it was to look at ourselves as if we're an art—a Universal Masterpiece as I call it.


4. Paano ka nagsimula sa pagsusulat ng mga kuwentong may temang LGBTQIA+?

Dahil bakla ako. Huwag na tayong lumayo diyan. Simula noong pagkabata ko kasi akala ko talaga ay walang problema sa ibang tao 'yong kabaklaan ko kasi masiyadong supportive ang family ko about who I am. And then noong time na naging high school student na ako, doon na na-introduce sa 'kin 'yong homophobia, LGBTQIA+, and SOGIE. Na-realize ko na may mga tao palang ayaw sa mga katulad ko at dahil isa akong super sensitive na people pleaser, doon na ako nagtago sa comfort zone ko.

Sinubukan kong i-distract 'yong sarili ko sa thought na baka may error lang sa taas at bakit ako nabuhay bilang bakla. Sinubukan kong gumamit ng iba't ibang escapism, except for drugs and alcohol of course, at doon ko na-discover 'yong other side ng Wattpad. 'Yong LGBT Wattpad Community way back 2016 or 2017 if I'm not mistaken. Nagbabasa lang ako doon then na-realize kong puwede pala akong magsulat ng mga ganito. Then ayon na nga, nagpatuloy 'yong kabaklaan ko until now.

5. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makapagsulat ng kahit anong kuwento na walang limitasyon, ano ang magiging tema nito?

Siguro ang isusulat ko ay 'yong kuwentong magpapaalala sa susunod kong habambuhay na narito ako bago siya. 'Yong tipong kapag nabasa ng future self ko 'yon, may maglalarong scenario sa utak niya at maalala na lang niya bigla ako? 'Yong tipong kapag nabasa niya 'yon, itutuloy niya 'yong 'failed mission' ko sa panahong nabubuhay pa ako? Ang tema ng isusulat ko siguro ay 'yong mga bakit na palagi kong tinatanong, mga bakit na hindi ko kayang sagutin na tanging ang future self ko lang ang makakasagot. Masiyadong philosophical o kaya spiritual na ang magiging tema ng kuwentong iyon kung nagkataon.

Kung tutuusin sinusulat ko na siya at kapag natapos ko siyang isulat balak kong itago siya sa isang lugar na tanging ako lang din ang nakakaalam. Kapag na-reincarnate man ako sa Universe na 'to, bibigyan ko siya ng palatandaan na magpapaalala sa bagay na 'yon dahil alam kong siya lang ang makasasagot sa mga katanungang nakasulat do'n. Siguro ang tinutukoy ko ritong kuwento ay 'yong Eternal Void: The Metaphors. Maraming symbolism ang nandoon na sa palagay ko sapat na para makapagpaalala sa future self ko kung anong klaseng buhay ang meron siya sa past life niya. Napaka-weird, 'di ba? Ako lang 'to. 'Di ko pa siya tapos sulatin pero sa tamang panahon, mangyayari rin 'yon.


6. Sa lahat ng karakter na naisulat mo, sino ang sa tingin mong pinakamalapit sa pag-uugali mo?

Ang hirap sagutin nito dahil halos lahat ng characters sa stories ko ay hango lang sa kung ano sa palagay ko ang ugali ko sa oras na isinusulat ko sila. Inconsistent kasi ang pag-uugali ko at kung meron mang inconsistent ang ugali sa mga characters ko, si Bryle na 'yon from the story Flames of Forgotten Night. Ayaw niya kasing maging "something" lang sa mundong puwede ka namang maging "everything."


7. Saan mo kinikuha ang inspirasyon sa mga kuwentong isinusulat mo ngayon?

Sa emosyon ko, sa imahinasyon ko at sa mga bagay na gusto kong mangyari. Minsan kinukuha ko rin 'yong inspirasyon kong magsulat sa mga lalaking naiisip ko 'yong future ko with them. Do'n tayo sa totoo siyempre! Pero most of the time talaga na-i-inspire akong magsulat kapag malakas 'yong emosyon ko. Lalong-lalo na 'yong The Edge of Summer! Isinulat ko siya kasi kakaiba 'yong pagka-crave ko kay Christopher—este sa travelling! Like 'yong idea lang nang pagta-travel lalo na sa Chapter 27? I mean Chapter 19 pala 'yon! So, ayon, sa lalaki talaga—este sa emosyon at imahinasyon ko ako kumukuha ng inspirasyon.


8. Ano ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat?

'Yong katamaran, of course! Kasi hindi ka naman matatawag na manunulat kung hindi ka nagsusulat 'di ba? Tawag lang sa 'yo "malawak ang imahinasyon." Do'n tayo sa totoo. Pero siguro in general na siguro itong sinasabi ko. Kung sa personal na pananaw, pinakamahirap talaga sa 'kin 'yong mapanatili 'yong focus ng sinusulat. 'Yong kunwari fix ka na sa magiging ending na magmamahalan sila habambuhay pero maya-maya, bigla-bigla na lang magbabago na gusto mo na lang silang patayin kasi masaya. Gano'n.


9. Ano ang iyong pinakahindi makalilimutan na karanasan bilang isang manunulat?

Alam kong marami ang hindi maniniwala sa 'kin kapag sinabi ko ito o baka 'yong ibang may idea sa sinasabi ko baka maka-relate. Kasi napapansin ko na everytime na may naisusulat ako parang bigla na lang siyang magpo-project sa tunay na sitwasyon—kung hindi man sa 'kin ay sa iba siya nangyayari. Hindi naman 'yong mga conflicts pero 'yong mga light scenario lang sa mga naisusulat ko. Halimbawa na lang last year, early pandemic, may naisulat akong scene na nakakita ako ng ulap na hugis pakpak ng anghel pero 'yong kabilang pakpak ay medyo dark ang kulay. Mga ilang oras siguro 'yon noong lumingon ako sa bintana ng kuwarto ko, nakita ko talaga 'yong ulap na 'yon. Nakalimutan kong kuhaan ng litrato kasi masiyadong gulat pa 'yong utak ko no'n.

Iyon siguro ang hindi ko makakalimutang karanasan bilang isang manunulat. Kung tutuusin marami na akong naisulat na nagpo-project in real life hanggang sa nasanay na lang ako. Nakasanayan ko na rin kasi 'yong bagay na 'yon kasi gano'n din sa panaginip ko.


10. Saan mo nakikita ang sarili mo pagkalipas ng limang taon?

Kung si Eugene siguro ang tatanungin ng ganitong tanong, siguro ang sasabihin niya is kaharap ang laptop habang nagtitipa ng susunod na kabanata sa isinusulat na kuwento habang nasa coffee shop kung saan nakalagay rin doon ang mga librong na-publish niya.

Kung ako naman siguro 'yong tatanungin ngayon ang sasabihin ko na lang ay bahala na si Universe. Maraming bagay ang puwedeng mangyari sa mga susunod na taon. Malay n'yo magising na lang ako tapos bigla kong na-realize na gusto ko pala maging stripper? You see, masiyado akong open sa mga posibilidad na mangyari at ang magandang panlaban ko ro'n ay manatiling kalmado na lang sa kung ano ang gusto sa 'king ipagawa ni Universe.


11. Ano ang iyong maipapayo sa mga bagong manunulat?

Kung gustung-gusto mo talagang magsulat pero wala kang naiisip na concept, theme, o plot sa utak mo, bakit hindi mo subukang isulat 'yong mga gusto mong mangyari? Hindi sa paraan na nagiging wishful thinking na, I mean, 'yong sakto lang. Gusto mong mag-travel? Isulat mo na may isang sugar daddy na susulpot para lang i-travel ka around the world pero in the end malalaman mo na may masakit pala siyang past. Gusto mong maging doctor? Bigyan mo ng sakit 'yong kaaway mo in real life tapos nalaman mong ilang taon na lang ang itatagal niya kaya pinatawad mo tapos in the end mo na mare-realize na mahal mo na siya. (Mas gusto ko 'yong ganitong theme kapag parehong lalaki ang bida, okay? Kapag isa na namang hetero-story ang nabasa ko, magbabasa na lang ako sa spookify, haha.)

May kapangyarihan talaga ang pagsusulat kapag naiisip mong ikaw mismo ang bida lalong-lalo na kapag gusto mo rin 'yong mga nangyayari. Siyempre hindi mawawala ang pagsusulat kasi paano ka matatawag na manunulat kung hindi ka naman talaga nagsusulat?


1. Magsulat sa cellphone o sa kompyuter?

Cellphone

2. Kumain sa labas o sa bahay?

Sa labas

3. Kapangyarihang lumipad o manipulahin ang oras?

Lumipad

4. Matamis o maalat?

Matamis

5. Romance o Fantasy?

Fantasy

6. Maging nailathalang aklat ang gawa o maging pelikula ito?

Maging pelikula ito

7. May sabaw o tuyo?

May sabaw

8. Magbasa o magsulat?

Magsulat

9. Madilim o maliwanag?

Maliwanag

10. Libro o pelikula?

Libro

11. Kape o tsaa?

Tsaa

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro