February 2022 (ii) Writing and Multimedia Tips
Para sa mga single at may ka-couple, o kahit na yung mga double the trouble, love is in the air! Mapa-coming-of-age teen fiction romance man o classy romance ang plot na iyong isinusulat, narito ang limang kritikal na mga tip para sa pagbuo ng self-love plot:
1. Buuin ang mga karakter
Isa sa pinakamagandang bagay tungkol sa romance genre plot ay ito ang genre na umiikot sa plot, samantalang ang ibang mga plot ay naka-focus sa mga karakter. Mabuti ito dahil hindi ka nalilimitahan sa isang espesipikong klase ng karakter.
Mayroong ilang mga stereotype sa mga karakter at ito ang ilan sa mga halimbawa:
Isang modern-day Romeo at Juliet
Fake relationship ng mag-best friend (maaaring hindi gaanong ka-fake)
Enemies to lovers
Mga soul-searcher, kung saan hindi naka-focus sa pag-iibigan ng mga karakter, bagkus, naka-focus ito sa self-love at self-care
2. Itatag ang setting
Marahil isa sa pinaka-iconic na parte tungkol sa isang romance/self-love na plot ay ang setting--kung saan nagkakilala ang mga karakter. Paano sila nagkatagpo? Saan ito nagaganap?
Ang setting ay kung saan nabubunyag ang lahat sa loob ng isang eksena o sa kabuoan ng libro.
Ilan sa mga sikat na halimbawa ng mga romance setting ang mga sumusunod:
High school/College setting
Coffeeshops
Libraries
Parks
The train
Popular metropolitan cities
By random fate
Spontaneous road trip
3. Lumikha ng pangunahing salungatan at resolusyon
Ito ay tiyak na makikita sa kahit na anong genre, ngunit ang romance plot ay nakasalalay sa salungatan na sinusundan ng resolusyon.
Halimbawa:
Enemies to Lovers - ang mga karakter ay magsisimula sa pagtatalo o kaguluhan ngunit magtatapos sa isang matagumpay na relasyon
Friends to Lovers - kung saan ang mga karakter ay hindi kailanman nagkaroon ng pagnanais na sabihin ang 'You only live once'--maliban ngayon
Second Chances - ang mga karakter ay hindi nagkaroon ng pagkakataon, dahil sa isang bagay na naging sanhi ng pagguho ng lahat sa nakaraan
Ang ipinagbabawal na pag-ibig - Nais nilang magsama, ngunit palaging hindi nagtatagumpay dahil sa ilang mga bagay sa kanilang paligid
At para sa ating mga soul searcher - kahit na anong salungatan na nagtatapos sa isang aral na natutunan tungkol sa pag-ibig/self-love o isang epiphany habang nagta-transition patungong adulthood
4. Gawin ang iyong pabalat
Ito ang cherry on top. Nakalikha ka na ng iyong mga karakter, ng kapaligiran ng iyong libro, at ang iyong salungatan/resolusyon na plot, ngayon, ang huling bagay na makatutulong sa iyo upang mabuo at magtagumpay sa iyong Romance/Self-love na libro ay ang pabalat nito na siyang importante upang mahatak ang mga mambabasa.
Magdisenyo ng Valentine's Day Card!
Nais mo bang gumawa ng card para sa iyong mga minamahal ngayong araw ng mga puso? Ipagpatuloy lang ang pagbabasa para makakuha ng ideya!
1. Buksan ang Canva sa desktop o cellphone app
Buksan ang Canva at i-search ang "Valentine's Day Card".
2. Maghanap ng template
Mayroong iba't ibang klase ng template na maaaring gamitin sa Canva. Hanapin lamang ang template na nais mong gamitin para sa iyong card at pindutin iyon.
3. Mag-explore at gawing customized ang iyong card
Sa Canva, maaari mong palitan ang iba't ibang elemento upang maging customized ang bawat disenyong iyong gagawin. Maaari mong palitan ang font, kulay, imahe, atbp.
4. I-save ang iyong card
Pagkatapos mai-save ang iyong card, maaari mo na itong ipadala sa iyong mga minamahal. Pwede mo rin itong i-print kung nais mo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro