Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

February 2022 (i) Panayam kay Warranj

1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?

Nothing special talaga ang meaning ng username ko. Just the combination of my husband's name and mine. Warren + Anj = Warranj.


2. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makapagsulat ng kahit anong kuwento na walang limitasyon, ano ang magiging tema nito?

I want to try plots connected to vampire romance. Lately kasi nahihilig ako magbasa ng mga stories na may ganoong genre. Ang exciting niya pero for sure mahirap. At saka 'yung may mga super powers. Baka someday, kapag kaya na rin ng powers ko, subukan ko. :)


3. Ano ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat?

For me siguro kung paano mo mapapasaya 'yung mga readers mo sa bawat akdang isinusulat mo. Kung paano mo sila mabibigyan ng satisfaction sa kada update mo. At siyempre, kung paano mo sila mapapanatiling mangbabasa mo sa mga susunod mo pang nobela.


4. Saan mo nakikita ang sarili mo pagkalipas ng limang taon?

Pangarap ko talaga maging author, e. So siguro, kahit sa mga susunod na sampu o dalawampung taon, nakikita ko pa rin ang sarili kong nagsusulat.


5. Ano ang naging inspirasyon mo sa iyong kwentong "Promise In the Wind"?

Before kasi, nakarinig ako sa radio nung mga topic doon about cheating and kung gaano nito sinusubok ang isang buhay may asawa. So naisip ko as for my first story, why not tackle cheating? Gusto ko somehow iparating sa mga readers ko ang pwedeng kahinatnan ng isang relasyon may asawa kapag nagpatalo sa tawag ng laman. Yung mga consequences na pwede kaharapin.


6. Maliban sa kompyuter, papel, at panulat, anong bagay ang hindi mo maaaring iwan or makalimutan kapag nagsusulat ka?

Cellphone. Doon ako nagsusulat. :)


7. Ngayong buwan ng Pag-ibig, ano ang gusto mong ipayo sa mga Wattpadders?

Valentine's day is not just for couples. It is made for everyone to celebrate. For young readers, spend that day with your parents and show them your genuine love. It is the best time to make them feel the true meaning of Valentine's.


8. May mga nakalaang proyekto ka ba ngayong 2022 na gusto mong ipasilip sa amin ngayon?

Yes! I'll be self publishing "My Heaven In Hell" this coming summer so abangan :)


9. Sa mga kuwento mo, madalas na nababanggit ang cheating? Anong inspirasyon mo sa topikong ito?

As an adult romance writers, cheating is the main issue of married couple nowadays. Gusto ko lang ipaalam sa lahat ang mga kaakibat kapag pinili mong magloko sa isang relasyon. I want them to see the consequences of that mistake and if possible, magkaroon ng takot na gumawa ng gano'ng pagkakamali.


10. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?

Sulat lang lagi. Kapag ibinulong talaga ng puso mo, gagawin mo. Mahirap sa umpisa siyempre pero gano'n naman talaga. Every famous author today started from scratch before they finally hold their own physical book. Huwag makikinig sa mga nang-da-down. Pakinggan mo 'yung isip mong bumubulong sa'yo ng napakaraming eksena at plot. Naghihintay na silang maisulat mo. :)


11. Ano ang mensahe mo sa iyong mga mambabasa?

Maraming salamat sa walang sawang suporta. Magmula pa man noong nagsisimula ako hanggang ngayon, nariyan kayo. May umaalis at may dumadating. Grateful ako sa inyong lahat. Kung nasaan man ako ngayon, dahil 'yon sa inyo. Mahal ko kayooo <3


1. Strawberry o Chocolate?

Chocolate

2. Lapis o Ballpen?

Ballpen

3. Facebook o Twitter?

Facebook

4. Halaman o Pagkain?

Pagkain

5. Shirt off or Shirt on?

On

6. Phone call o Text?

Text

7. Aso o Pusa?

Aso

8. Madaldal o Tahimik?

-Madaldal

9. Music o Podcast?

Music

10. Rock o Pop?

Pop

11. Sasakyan o Bahay?

Bahay

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro