February 2022 (i) Panayam kay loveisnotrude
1. Ilang taon ka nang Wattpad Ambassador at saang team ka kabilang?
Eksaktong isang taon, limang buwan at dalawampu't apat na araw (sa mismong araw na mapo-post ang interview na ito—02/01/22—so, do the math na lang, mga beh) na akong kabilang sa Content Team. ಥ‿ಥ
2. Ano ang iyong mga ginagawa bilang Ambassador?
Wala. Visuals lang kasi talaga ambag ko. Saka pala humor at chika. EME! ( ͡° ͜ʖ ͡°)
Bilang isang Content Ambassador, isa sa main task ko ay masigurong at its best ang mga kuwentong madidiskubre / matutuklasan ng mga Wattpaders. Hindi ko kasi alam kung hanggang saan ang puwede kong i-disclose pero yung nabanggit ko ang pinakaginagawa ko talaga.
3. Bakit mo napagdesisyunang maging Wattpad Ambassador?
For clout lang po talaga. ( ͝° ͜ʖ͡°)ᕤ
Bukod doon, noon ko pa naman kasi gustong mapalapit sa community. Chika ko na lang mamaya yung pinagdaanan ko bago ako maging isang ambassador. Chz. Pero ayon nga, sa kagustuhan ko talaga na mas mapalapit pa sa community kung saan naroroon ang mga taong kapareho kong may passion sa pagsusulat at kinahiligan na rin ang pagbabasá ng iba't ibang mga kuwento, nagpursige talaga akong magising isang ambassador. Isa pa, nasisiyahan ako kapag sa behind-the-scene ako kumikilos / gumagalaw. Iba ang fulfillment na at some point ay nakatutulong ka o may na-i-aambag ka para sa ikabubuti o ikagaganda pa ng buong community.
4. Ano ang pinakamasaya at pinakamahirap na parte sa pagiging Ambassador?
Para sa akin, pinakamasaya kapag nakakachikahan ko yung ibang ambassador—hindi lang mga kapwa ko Filipino, pati na mga taga-ibang bansa. Pero minsan lang din ako makipag-usap sa kanila kasi limited lang ang supply ng English ko araw-araw. Haha.
A, yung game night din pala! Isa 'yon sa paborito kong ganap sa server kasi nagkakaroon talaga ng interaction ang bawat isa. Doon lang din kasi ako nakakapagkalat nang bongga.
Sa pinakamahirap na parte naman, siguro yung pagiging ambassador mismo. EME! (人 •͈ᴗ•͈)
5. Paano mo napagsasabay ang pagiging ambassador at mga pinagkakaabalahan mo sa labas ng Wattpad?
Kapag gusto mo yung ginagawa mo, makakahanap ka talaga ng paraan, e. ಡ ͜ ʖ ಡ
Akswali, hindi ko lang talaga alam paano ko napagsasabay yung pagiging ambassador at mga pinagkakaabalahan ko sa labas ng Wattpad kaya ganiyan sagot ko. Haha. Chz.
Sa mahigit isang taon ko na kasi, siguro nasanay na rin ako. Gano'n ata kapag naging parte na ito ng buhay mo—masasanay ka na lang sa routine na nabuo mo all throughout. Isa rin siguro sa factor na wala na akong masyadong "life" outside Wattpad kaya nakakapag-focus ako. Pandemic happened, e..
6. Ano ang pinakamagandang aral na natutunan mo sa pagiging ambassador?
Hindi ko sure kung puwede itong ma-consider as "aral" pero ito ang isa sa natutunan at tumatak talaga sa akin:
"Read your messages back to yourself. Before you hit send, make sure you read your message back to yourself even if it's only one line of text. Think about the various ways your message could be interpreted by the recipient. Could it be taken as blunt, or uncaring? Could it be taken as insulting, degrading, racist, sexist or similar?
Read it as you would if you were in a really bad mood, or feeling vulnerable. Once you hear how it comes across when it's not read as you intended, see if there are words you can replace or additional explanations you can add that might make your intended tone and message clearer.
Remember: Responses do not have to be instant."
Palagi kasing pinapaalala sa amin 'yan ni Gav (Ambassador Program Manager) kaya rin siguro tumatak talaga sa isipan ko. Kaya sa tuwing magre-reply ako (kahit hindi na as an amb) sa mga messages na natatanggap ko, ayan ang inaalala ko. And it's actually a good practice.
Kaya ko rin sh-in-are para sa inyo. ( ꈍᴗꈍ)
7. Ano ang iyong masasabi sa culture at working environment ng Wattpad Ambassadors?
SOLID! ᕙ (° ~͜ʖ~ °) ᕗ
Sa sobrang solid, hinihiling ko na sana kung anong working environment mayroon kami ay ma-practice din sa iba. Kasi may inclusivity at equality talaga, knowing na iba't iba kaming lahat ng age, race, and gender. Lahat ng boses ay napakikinggan. And your mental health really matters—one of the things na sobrang na-appreciate ko talaga.
8. Paano nakatutulong ang iyong pagiging ambassador bilang isang manunulat o mambabasá?
Bukod sa naging tulay nga ito for my clout chasing era (not eme) kung saan mas lumaki / lumawak talaga ang readership ng mga kuwento ko, masasabi kong nakatulong yung pagiging ambassador ko na mas maging responsable pa ako bilang isang manunulat at mambabasá. Hindi sa sinasabi kong hindi ako responsable dati, a. Syempre, di ko naman sisiraan sarili ko sa interview na 'to. Ꮚ˘ ꈊ ˘ Ꮚ
9. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang isa sa hindi mo makalilimutang karanasan mula nang ika'y maging isang Ambassador?
Siguro yung first (and last lol) time kong mapasama sa Top 10 ng Monthly Leaderboard (September 2020) sa pagmo-mod. Kasi literal na newbee pa lang ako that time, so I wasn't really expecting anything. Tapos ang nakakatawa pa, hindi na talaga naulit 'yon. Ever. Literal na first and last experience, gano'n.
Ito pa pala—hindi ko kasi alam kung kasama 'to or puwede 'tong i-consider lalo na't parang out-of-line sa ginagawa talaga namin, pero i-chika ko na lang din: Nung naging host ako sa Watt Now (Season 1) on Kumu. Kasi kung hindi ako ambassador, I don't think mabibigyan ako ng chance na maging Watt Now host that time. Kaya isa 'yon sa hindi ko talaga makalilimutang experience. The best! (「'・ω・)「
10. Bilang isang Ambassador, paano mo hina-handle ang kritisismo ng ibang Wattpaders sa ating ginagawa para sa buong community?
Pinapatulan ko po—nakikipagbardagulan, gano'n. EME! (*^3^)/~♡
Akswali, since naging ambassador ako, wala pa akong na-e-encounter na kritisismo mula sa mga Wattpaders tungkol sa ginagawa ko—namin—para sa community.
Pero bago pa man din ako maging ambssador, nakikita ko na yung mga kritisismo na 'yon. At kung ako ang nasa posisyon nila noon or if ever man makatanggap ako ngayon din, I think I'll handle it depends on what they are saying. Like, kung constructive man ito at talaga namang may punto o makatutulong para sa buong community, pakikinggan ko ito at iri-raise sa buong team, so we can have a discussion about it kung paano ito iso-solve. Ngunit kung destructive naman o yung tipong may ma-bash lang, deadma. They don't deserve me—cheka! Pero seryoso, yung mga gano'n, hindi na dapat pinapatulan pa.
11. Maaari ka bang magbigay ng mensahe sa lahat ng Ambassadors o payo sa mga nais mapabilang sa atin sa hinaharap?
Kung ang goal mo naman ay makatulong sa ating lumalaking community, go for it—mag-send ka na agad ng form to apply! Pero kung for clout purposes lang talaga, mukhang better luck next time táyo, mga beh. Marami na kasi kaming clout chaser kaya huwag na kayong dumagdag pa. EME!
Niweyz, kung binasá ninyo talaga 'tong buong interview ko, nabanggit ko sa pangatlong tanong na i-chi-chika ko yung pinagdaanan ko bago ako naging isang ambassador. At ito na 'yon.
So, yes, para ito sa mga gustong mapabilang sa aming team sa hinaharap lalo na yung mga ilang beses nang sumubok na mag-apply at palaging nagpi-fail.
Motivational Speaker Endee: On. CHEKA!
Bandang 2016 or 2017 ata ako nag-start mag-apply. That time, aminado akong for clout lang talaga ang goal ko. I mean, nabalitaan ko kasi na yung mga hinahangaan kong author noon ay close sa mga ambs, so bilang clout chaser, ayon ang nakita kong mabilis na way para mapansin nila. Ang kaso, failed. Pero matigas ulo ko kaya nag-try ulit ako nung 2018 with the same purpose—akswali, nadagdagan pala. May bago kasi akong nabalitaan: Filipino ambs pala ang nag-o-organize ng mga Wattpad-related events that time. Kaso ayon, failed ulit. Pagdating ng 2019, nagkaroon ako ng character development kahit papaano. Kaya ko na gustong maging ambassador ay para mas mapalapit na sa community na kinabibilangan ko. Pero mukhang hindi pa para sa akin ang pagiging ambassador that time kaya ayon, failed na naman. So, nung 2020, sabi ko, "Last na 'to. Kapag hindi pa rin ako natanggap, titigil na ako." At last na nga talaga kasi, finally, natanggap na yung application ko!
Bale, ang kapupulutang aral sa chika ko ay: huwag mag-apply for clout. Haha. Pero kidding aside, ang aral talaga sa chika ko ay try and try until you succeed . . . and of course, kung gusto mo talaga maging ambassador, dapat handa ka sa commitment—na nandoon yung puso mo. Kasi as you all know, voluntary work ito. Nagtatrabaho kami nang walang kapalit. Well, may iilang perks naman pero secret lang 'yon saka di 'yon ang point ko. Basta ginagawa namin ito kasi masaya kaming may nako-contribute sa community. At kung ganoon din naman kayo, e 'di, welcome to the fam!
Ayon lang. The end.
And I, thank you! (๑˙❥˙๑)
1. E-book o physical book?
kahit wala akong pambiling libro, mas prefer ko pa rin talaga ang physical book kasi nakasisira ng mata ang ebook. #saveyoureyesight
2. Tea o coffee?
isang beses ko pa lang nata-try uminom ng tsaa at hindi na ako uulit pa. #neveragain
3. Mahal mo o mahal ka?
naniniwala akong marupok ako kaya pipiliin ko na lang yung taong mahal ako ta's ako na bahalang mahalin siya pabalik. #gandaproblems
4. Edward o Jacob?
sino 'tong mga 'to??? (ノಠ益ಠ)ノ彡┻━┻
5. Jollibee o McDo?
chicken-wise, Jollibee syempre; fries-wise, sa McDo táyo kasi bida ang saya. #JolliDo #McBee
6. Dine-in o delivery?
pre-pandemic, dine-in; pero ngayon, delivery na para iwas virus. #getvaccinatednow
7. Forest o beach?
never pa akong nakapunta sa legit na forest pero if mabibigyan ng chance, beach pa rin pipiliin ko. #beach4dabitch
8. Tacos o wings?
bata pa lang, pangarap ko nang lumipad kaya sa tacos táyo. #dinaakobata
9. Tulog sa kanan o sa kaliwang bahagi ng kama?
nakadapa ako matulog. #bestsleepingposition
10. Pusa o aso?
mahilig ako sa pusa kahit na mga attitude sila. #vibes
11. Sitcom o drama?
pagod na akong umupo at bilang Cancer, hindi ako napapagod magdrama. #iyakingzodiacsign
P.S. Char lang sa sagot ko sa 4 at bakâ ma-bash ako o masabihang #unculturedb1tch. Syempre kay Daddy Edward táyo. Mwehe. 😋
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro