Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

February 2022 (i) Panayam kay LittlePumpkinWriter

1. Ilang taon ka nang Wattpad Ambassador at saang team ka kabilang? 

Dalawang taon na po akong Wattpad Ambassador at sana magpatuloy pa ito. Nasa Engagement team ako ng iba't ibang profiles, parte ng English Social Media Team at kabilang rin ako sa Paid Stories Sentiment Moderation. 


2. Ano ang iyong mga ginagawa bilang Ambassador? 

Bilang isang ambassador sa engagement team, tumutulong ako sa pagsagot sa mga katanungan ng mga Wattpad users. Kung nakikita ninyo ang mga kaganapan sa WattpadRomancePH, kabilang ako sa team na iyon na gumagawa ng mga activities at contests. Ako po ang isa sa mga gumagawa ng book covers ng profile na ito. 

Isa rin sa aking mga ginagawa ay ang pagtulong sa pagkatha nitong monthly community newsletter.Isa din sa aking mga roles ay ang paglabas ng mga broadcasts/announcements ng mga activities ng iba't ibang mga profiles sa opisyal na Facebook page ng Wattpad Ambassadors. Nakikita rin ninyo akong sumasagot sa mga katanungan sa mga Filipino Paid Stories. 


3. Bakit mo napagdesisyunang maging Wattpad Ambassador? 

I wanted to challenge myself at maging involved sa Wattpad Community. Tatlong beses akong sumali sa programang ito. I guess, third time's a charm! Sa ikatlong pagkakataon ako nabigyan ng chance mag-train bilang isang Ambassador. 


4. Ano ang pinakamasaya at pinakamahirap na parte sa pagiging Ambassador? 

Ang pinakamasayang parte sa pagiging Ambassador ay ang pagkakaroon ng pagkakataong makasalamuha ang iba't ibang Wattpad users sa Pilipinas at sa ibang bansa. Isa din ay ang makabuo ng friendship between Ambassadors. Para sa akin, ang pinakamahirap na parte sa pagiging Ambassador ay ang pag-juggle ko sa buhay ko as LittlePumpkinWriter at sa personal life ko. I don't want to mix the two together pero minsan, aksidente kong napaghahalo ang double life ko (wow hahaha!). May mga pagkakataon na kapag sumasagot ako sa mga katanungan at concerns ng mga Wattpad users ay nailalagay ko ang real name ko kaakibat ng aking username HAHAHAHA. Lutang minsan hahahah 


5. Paano mo napagsasabay ang pagiging ambassador at mga pinagkakaabalahan mo sa labas ng Wattpad? 

What works best for me ay ang pagkakaroon ng time management. Ang kalaban ko lang kaya nagkaka-conflict ako sa mga tasks ko ay ang internet dahil minsan, lalo na sa probinsya, ay mahirap makakuha ng mabilis na internet. Kaya nagpapanic ako minsan kung biglang nawawala ang internet at may kailangan akong tapusin. Other than that, napagsasabay ko naman ng maayos ang pagiging ambassador at mga pinagkakakaabalahan ko sa labas ng Wattpad. Ako po yung tipo na hindi masyadong umiimik sa mga ganap sa buhay kaya it's easier for me to navigate sa mga roles and responsibilities ko inside and outside Wattpad. 


6. Ano ang pinakamagandang aral na natutunan mo sa pagiging ambassador? 

Madami akong natutunan. I was a lone wolf pagdating sa mga tasks and responsibilities dati noong hindi pa ako Ambassador. Pero nung pumasok na ako sa programang ito, natutunan ko ang importance ng teamwork. I was and still am amazed by how we manage to accomplish tasks kahit na magkakalayo kami. Tinuruan ako ng programang ito na maging open- minded, kalmado at piliin ang mga pagkakataong kailangan lang magsalita. 


7. Ano ang iyong masasabi sa culture at working environment ng Wattpad Ambassadors? 

Very positive ng culture at working environment sa pagitan ng mga Wattpad ambassadors. Sinusuportahan namin ang isa't isa at madali din kaming nakakapag-adjust sa mga challenges sa buhay. Lahat kami ay may isang pangunahing layunin at ito ang magsilbi para sa Wattpad Community sa abot ng aming makakaya. 


8. Paano nakatutulong ang iyong pagiging ambassador bilang isang manunulat o mambabasa?

Ang pagiging Ambassador ay nakatulong sa akin bilang isang manunulat na mamulat sa iba't ibang klase ng mga mambabasa. Dito ko naintindihan kung paano at ano ang mga techniques para makuha ang interes ng mga mambabasa sa iba't ibang dyanra. 


9. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang isa sa hindi mo makalilimutang karanasan mula nang ika'y maging isang Ambassador? 

Isa sa pinakahindi ko makakalimutang karanasan ay ang pagiging parte ng kauna-unahang Wattpad Masterclass. Isang malaking karangalan na mapabilang sa team na ito para maging posible ang masterclass. Madami akong natutunan behind the scenes hehe mula sa pagpaplano hanggang sa matapos ito. Isa din sa mga hindi ko makakalimutan ay ang mga friendships na nabuo ko sa loob ng programang ito at ang mga natutulungan kong mga Wattpad Users. Natutuwa ako every time may natutulungan ako sa ating community. 


10. Bilang isang Ambassador, paano mo hina-handle ang kritisismo ng ibang Wattpaders sa ating ginagawa para sa buong community? 

I always exercise being professional and ethical sa lahat ng mga bagay. Tinitignan ko ang bawat kritisismo bilang isang daan sa pag-unlad pa ng ating komunidad. Lagi kaming nire-remind na piliin lamang ang pagkakataong magsalita kung kinakailangan lamang at napakalaking tulong nito. I think it is good to receive criticisms with an open mind. It is good to appreciate these, come to a resolution and learn from these. 


11. Maaari ka bang magbigay ng mensahe sa lahat ng Ambassadors o payo sa mga nais mapabilang sa atin sa hinaharap? 

Maraming salamat sa lahat ng mga Ambassadors sa buong mundo sa dedikasyon ninyo para sa ating komunidad. Kayo ang nagbibigay kahulugan sa selfless service at kayo ang isa sa nagbibigay ng saya sa loob ng Wattpad. Sa mga nais mapabilang dito, huwag ninyong sayangin ang pagkakataon dahil ito ay isang once-in-a-lifetime opportunity para matuto at maging parte ng isang malaking pamilya ng Wattpad Ambassadors. Hindi ninyo ito pagsisisihan dahil bawat araw na nasa loob kayo ng programang ito ay puno ng aral, saya at pakikisama.


1. E-book o physical book? 

Physical book 

2. Tea o coffee? 

Coffee!!! 

3. Mahal mo o mahal ka? 

Mahal ka 

4. Edward o Jacob? 

Jacob 

5. Jollibee o McDo? 

McDo 

6. Dine-in o delivery? 

Delivery 

7. Forest o beach? 

Forest 

8. Tacos o wings? 

Wings! 

9. Tulog sa kanan o sa kaliwang bahagi ng kama? 

Tulog sa kanang bahagi ng kama 

10. Pusa o aso? 

Aso 

11. Sitcom o drama? 

Sitcom

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro