Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

February 2022 (i) Panayam kay kiyanarago

1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?

Bago ako naging si 'kiyanarago', andami kong nadaanan na usernames sa Wattpad katulad na lang ng misskiana_wp (o miss_kianawp ba 'yon?) at mgakwentonikiana.

Yung una, reason ng pagpapalit ko ay sobrang corny at makikita niyo nga na hindi ako sure kung saan nakalagay ang blank space kaya nahihirapan akong mag-log-in. Hahaha.

Ikalawang palit ko, naging si mgakwentonikiana ako at nakapag-publish ako ng 24 works nung mga panahon na 'yon. Saan na sila? Nasa drafts ko. Tinago ko na at ibinaon. xD. Reason na pinalitan ko ay napukaw na lang ako na 'TEKA, BAKIT ANG HABA NITO?' ang thoughts ko. At dahil nga may tuldok na akong alam about publishing, naisip ko na if ever (someday), mapa-publish man ang gawa ko, magiging ang lengthy tingnan at unprofessional.

At ito na nga.

Kiana Version 3.0—'kiyanarago'.

Bago ako umabot sa username ko ngayon, ilang dugo at pawis ang aking naipon bago ako humantong sa kung saan ako—char. Na-frustrate ako, tbh. Pero dahil sa pagmumuni sa YouTube at pag-aaral ng Hangul nakarating ako sa ganitong username.

kiyana (pag pronounce ng pangalan ko) + rago (mula sa Korean word na kung ita-translate ay: 'sabi ko', 'call me' anything within those lines) = kiyanarago

* tawagin niyo akong kiyana pls xD

* sabi ko, /ki-ya-na/ ang pag pronounce jusq


2. Gaano kahalaga sa iyo ang pagsusulat at bakit?

Bago ako nakaabot sa desisyon na gusto kong maging isang writer, marami akong nakalistang pangarap. Doctor, lawyer, singer (hahaha), chef, pharmacist, etc. Pero sa pagninilay sa maraming panahon, na-realize ko na hindi ko pala gusto ang mga 'yon. Mga pangarap pala 'yon ng mga nasa paligid ko. Kaya thankful talaga ako na makahanap ng gusto kong gawin.

At kung tatanungin ako gaano kahalaga ang pagsusulat sa akin, hindi ko masasabi kung gaano. But I can say that I can breathe if I'm writing. Like no pressure is around me when I'm in the world of it. At gustong gusto ko ang feeling na 'yon.


3. Mayroon ka bang sariling akda na nais mong irekomenda sa mga hindi pa nakapagbabasa ng iyong gawa?

Katatapos ko lang itong gawin no'ng new year, kaya kung hindi niyo pa nababasa, you can go to my profile and read 'Of A Drunken Confession' about two students who the other mistakenly confessed over text.

Very light ang story na 'to kaya kung ayaw niyo masaktan, ito na. In a form of epistolary rin pala ito na puwede mong basahin in an hour. Puwede ngang 30 mins. lang. Bwahaha.


4. Kung magiging isang nobela o pelikula ang iyong buhay, ano ang gusto mong maging titulo nito at bakit?

The Unfortunate Events Of Kiyana Rago (Season 999) o kaya naman Fifty Shades of Kiyana. Ang una, about sa mga life events ko sa buhay; habang ang ikalawa naman ay tungkol sa kung gaano ka-adventurous ang nangyayari sa isip ko.


5. Bilang isang manunulat, ano ang iyong mga goals na nais mong makamit?

Bilang isang manunulat, may tatlong goals lang ako sa mga story na sinusulat ko: Realization. Exploration. Interpretation. Gusto kong may ma-realize ang mga readers mula sa sinusulat ko, kahit ano pa 'yan. I always scatter possible lessons in a story and it depends of how you see it once you've picked it. Gusto ko ring ma-lost in reality ang mga readers layk malillimutan mo na nagbabasa ka dahil sobrang immersed ka sa story. At lastly, magkaroon ng interpretation ang mga readers sa kahit anong bagay na tingin nila ay relate sila dahil sa story ko.


6. Ano ang mas matimbang sa iyo: pagsusulat ng kuwento o mga tula? Bakit?

This is a very complicated question!!! Bilang mahal ko rin ang pagsusulat ng mga tula, hindi ako makakapili kung ano ang mas matimbang, huhuhu. :<

Poetry is a form of putting my emotions in one burst. Stories are realizing how big that burst is.

Pero kung in terms naman kung anong mas madaling isulat, sasabihin kong poetry.


7. Napag-alaman naming nagsusulat ka rin ng mga tula, maaari mo ba kaming handugan ng isang piyesa na sumasalamin sa nararamdaman mo sa mga oras na 'to?

Yes po. Kung makikita niyo sa profile ko, mostly English poetry ang sinusulat ko. As of now? Uh, wait.

I waste
my sweetest words

on someone so bitter.

My mind is in chaos,

but what can I do

when I already cried a liter.

My hope was all dried up

to the point of

not wanting oasis.

My cheeks felt

a little flushed

that I'd want to go

for a little swim.

My heart
that was dripping red,

can't remember

what it used to be before.

Oh, to what reason

am I working so hard for?


8. Sa lahat ng manunulat na iyong hinahangaan, sino ang pinakanagbigay sa iyo ng inspirasyon o nakatulong upang mas mahasa pa ang iyong kakayahang magsulat?

Sa lahat ng mga manunulat, si Ate Rayne (@pilosopotasya) talaga ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon na mag-pursue ng gusto kong pangarap. As in, andami kong napupulot na lessons kapag may itinuturo siya sa amin sa community. In the near future, sana ay maging good enough akong writer sa community ng pagsusulat.


9. Ano ang iyong pinakahindi makalilimutan na karanasan bilang isang manunulat?

Ah, I think it was three years ago. Sa isa kong deleted na story (na nasa drafts na) may isang reader na nag-PM sa akin sa WP at 'di ko pa nga nalaman na nagbabasa siya ng stories ko! Yung chika kasi namin nagsimula sa common author na binabasa namin. Hahaha. Tapos nagsabi siya na nagustuhan niya daw talaga yung narration ko sa sinusulat ko. Ang galing lang din kasi kahit ang bagal ko mag-update, naghihintay pa rin siya? So parang na-guilty ako no'ng nagdesisyon ako na i-unpublish ang story kasi wala siyang outline (ang careless rin ko kasi noon at hindi nag outline bago magsulat!). Baka sa susunod kapag na-recover at magawan ko ng justice, masusulat ko ulit 'yon.


10. Saan mo nakikita ang sarili mo pagkalipas ng limang taon?

Sa bahay. Charot.

By the time siguro niyan naka-graduate na ako. Hopefully, may trabaho na ako niyan. Sana ay hindi pa mamatay ang passion sa pagsusulat! At may mga na-publish ng mga libro. Hahaha. Ang tagal naman kasi ng limang taon. Pero hindi naman talaga masyadong malayo dahil from experience, ang isang taon ay parang lumilipad lang.


11. Ano ang iyong maipapayo sa mga bagong manunulat?

Sa mga bago pa sa pagsusulat, yung mga baguhan pa talaga na wala pang matatapos na story o may struggle sa pag-continue, focus on your life first. Minsan ay magulo talaga ang mga bagay at alam kong ginagamit niyo ang pagsusulat para tumakas pero kailangan din na may mga experience kayong naranasan na puwede niyong magamit sa mga gawa niyo. But not completely na hindi kayo magsulat. Bumuo muna kayo ng foundation kagaya ng pagtitipon ng mga ideas para magamit niyo for future reference.

When a story doesn't work, give it rest. Give yourself to rest too.

Don't lose your passion. You can do it!


1. Magsulat nang walang outline o hindi?

Hindi

2. Magkulong sa kuwarto o tumambay sa labas?

Magkulong sa kuwarto 

3. Bumalik sa nakaraan o pumunta sa hinaharap?

Pumunta sa hinaharap

4. Makinig ng isang podcast o manood ng pelikula?

Makinig ng isang podcast

5.  Mabigyang payo ang sarili noong bata ka pa o makausap ang mas matandang ikaw?

Makausap ang mas matandang ikaw

6. Magbasa o magsulat?

Magbasa

7. Maaraw o maulan?

Maulan

8. Mag-beach kasama ang best friend o mag-hike kasama ang crush?

Mag-hike kasama ang crush

9. Mahal ko o mahal ako?

Mahal ko

10. Kape o tubig?

Tubig

11. Manalo sa lotto o maging isang exclusive author sa isang sikat na publishing company?

Maging isang exclusive author sa isang sikat na publishing company

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro