December 2022 (i) Panayam kay wordsandlenses
1. Ilang taon ka nang Wattpad Ambassador at saang team ka kabilang?
Nag-start akong maging Wattpad Ambassador noong year 2022. Parte ako ng Engagement team.
2. Ano ang iyong mga ginagawa bilang Ambassador?
Madalas akong mag-evaluate ng stories na ilalagay sa reading list ng isang Ambassador-run profile. Maliban doon, tumutulong din ako sa pagbibigay ng prompts para contests at saka nagja-judge din.
3. Bakit mo napagdesisyunang maging Wattpad Ambassador?
Sa Wattpad ko kasi nahanap ang passion ko for reading and writing stories. Dito, marami rin akong nakilala na mga tao at naka-discover ng maraming opportunities. Itong pagsali sa Ambassador program ang way ko para mag-give back sa Wattpad.
4. Ano ang pinakamasaya at pinakamahirap na parte sa pagiging Ambassador?
Pinakamasaya siguro iyong nakikita ko iyong ginagawa ng mga volunteer sa Wattpad. Nakikita ko kung gaano rin sila ka-passionate sa pagtulong para maging mas masaya ang experience ng kapwa readers and writers sa community na ito. Pinakamahirap naman siguro para sa akin ay iyong paglalaan ko ng oras dito. Siyempre, kailangan isabay sa mga iba ko pang commitments sa buhay.
5. Paano mo napagsasabay ang pagiging ambassador at mga pinagkakaabalahan mo sa labas ng Wattpad?
Siguro sa paglalagay sa kanya sa parte ng schedule ko. Hindi rin kailangan na isang bagsakan. Madalas kong hati-hatiin sa isang linggo ang tasks.
6. Ano ang pinakamagandang aral na natutunan mo sa pagiging ambassador?
Na dapat maging maingat sa content na nilalagay sa story mo, at dapat, huwag basta-basta mag-judge ng story. Bigyan ito ng chance and always keep an open mind.
7. Ano ang iyong masasabi sa culture at working environment ng Wattpad Ambassadors?
Masaya! Unang sulpot ko sa Discord channel namin, naramdaman ko na kaagad na welcome na welcome ako. Sobrang chill lang din nilang tao.
8. Paano nakatutulong ang iyong pagiging ambassador bilang isang manunulat o mambabasá?
Mas natuto akong um-appreciate ng stories at naging maingat din ako sa mga binabasa ko at saka sinusulat.
9. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang isa sa hindi mo makalilimutang karanasan mula nang ika'y maging isang Ambassador?
Iyong first na pasok ko sa WattpadRomancePH. Simula pa lang kasi at kawe-welcome ko pa lang, nakipagkulitan na ako. Hindi man lang nga ako nahiya; talagang mabilis akong nakapag-adjust sa kanila at nagkalat ako kaagad hahaha.
10. Bilang isang Ambassador, paano mo hina-handle ang kritisismo ng ibang Wattpaders sa ating ginagawa para sa buong community?
Siyempre, I'm trying to keep an open mind pa rin and nakikinig pa rin ako sa kanila. But then, may times kung saan hindi alam ng users ang ginagawa namin, so kapag may nag-post about doon, ie-explain ko iyong nangyayari sa kanila.
11. Maaari ka bang magbigay ng mensahe sa lahat ng Ambassadors o payo sa mga nais mapabilang sa atin sa hinaharap?
Para sa mga current Ambassadors, maraming salamat for making the Wattpad community a better place. Alam kong may kanya-kanya tayong commitments, but thank you for still finding time para mag-serve kay Wattpad. Para sa mga gustong mapabilang sa hinaharap, I'd say go for it! Maraming experience ang naghihintay sa iyo sa Ambassador program. Marami ka ring makikilalang mga tao na kaparehas mo ng passion.
1. E-book o physical book?
Hindi ba p'wedeng both? Pero siguro, para sa akin na madaling ma-distract, physical book.
2. Tea o coffee?
Tea.
3. Mahal mo o mahal ka?
Mahal ko.
4. Edward o Jacob?
Wala. Hindi ako familiar sa Twilight Saga, e.
5. Jollibee o McDo?
Jollibee, dahil mas pasok sa panlasa ng mga Filipino.
6. Dine-in o delivery?
Delivery dahil tamad akong lumabas sa bahay.
7. Forest o beach?
Forest kasi parang mas peaceful.
8. Tacos o wings?
Tacos!
9. Tulog sa kanan o sa kaliwang bahagi ng kama?
Kaliwa po.
10. Pusa o aso?
Aso! Pero cats are cutie rin! Hihi.
11. Sitcom o drama?
Drama po
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro