Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

December 2022 (i) Panayam kay ladywhirlwind

1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?

As far as I can remember, na sa probinsya ako no'n. Nagiisip ako ng bagong username kasi parang ang boring ng gamit ko. Then parang pumasok sa utak ko 'yong pelikula na Lady Whirlwind (Hong Kong movie enjoyers, labas! Hahaha!) Then, 'yon, nag-stick na siya sa akin kasi tunog maangas siya.


2. Gaano kahalaga sa iyo ang pagsusulat at bakit?

Mahalaga siya sa akin kasi 'yon lang 'yong way of pagsusuka ko ng imagination ko, e. Kumbaga, parang Wattpad na 'yong kausap mo kapag may naiisip ka na bago tapos isusulat mo lang siya. Unti-unti mo binibigay sa kaniya mga naiisip mo tapos nakakabuo ka na ng kwento! Para siyang pagkain sa akin ang pagsusulat, e. Like, hindi kumpleto araw mo kapag 'di ka nakakapagsulat (sabi ng hindi na nakakapag-update kasi tinamad na magsulat, hay nako self.)


3. Mayroon ka bang sariling akda na nais mong irekomenda sa mga hindi pa nakapagbabasa ng iyong gawa?

Parang nakakahiya naman i-rekomenda gawa ko. Hahaha, basahin niyo na lang 'yong gawa ko na Sa Tuwing Umuulan kung gusto niyo ng cringe-worthy na kwento. Plus points if supporter kayo ng isang mayor sa gilid-gilid ng Metro Manila, hehehe. Ay, pati na rin pala 'yong Relevé, historical fiction naman siya about kay Apolinario Mabini.


4. Ano ang kasulukuyang genre na isinusulat mo? Nais mo bang mag-venture out at sumubok naman ng ibang uri ng kuwento?

Sa ngayon, fan at historical fiction 'yong sinusulat ko. Parang iyon kasi forte ko, pakiramdam ko lang naman. Sa mga gusto ko namang masubukan na genre, science fiction o horror. Kaso, mahina utak ko para sa mga bagay na 'yon, hindi ako matalino! *cries*


5. Kung bibigyan ka ng pagkakataong pumili ng manunulat na magsusulat sa kuwento ng iyong buhay, sino ito at bakit?

Hmmm, tough question. Bibihira lang kasi ako magbasa ng kwento, e. For international siguro, si Lillian Lee (writer of Farewell My Concubine and Rouge), actually, hindi ko pa nababasa mga gawa niya (wala kasi ako makitang physical copy ng books niya, sad), movie adaptations pa lang. May galit ata sa happy ending si mareng Lillian at gusto ko 'yon, HAHAHA! Tapos para sa local, Bob Ong! No'ng nabasa ko 'yong gawa niyang Si na-inlove ako sa way of writing niya at sa kwento, gano'n ang love na gusto ko maranasan, Lord!


6. Ano ang isang bagay na kaya mong isakripisyo para sa pagsusulat? At bakit?

Tulog, mas gumagana kasi utak ko kapag madaling araw. Hindi ko rin alam kung bakit gano'n, talagang mas malawak ang imagination ko kapag malalim na ang gabi.


7. Ano ang tatlong bagay na hindi mo maaaring makalimutan kapag magsusulat?

Una, 'yong flow ng panahon sa loob ng kwento. Like, anong buwan na ba nakapaloob sa chapter na 'to? Kailan birthday ni ganiyan? Para hindi malihis 'yong kwento at mabigla nga nagbabasa na ang layo na pala ng talon ng events. Pangalawa, 'yong character information, may mga time kasi na napaghahalu-halo ko mga personality ng mga tauhan ko. And lastly, dasal, de joke. Kailangan alam mo kung ano magiging laman ng isusulat mo kasi as I mentioned earlier, baka kung saan-saan mapunta 'yong kwento, hindi naman 'yan Naruto para magkaroon ng maraming fillers, 'no?


8. Ano ang iyong ginagawa kapag nakararanas ka ng writer's block?

Nakikinig ako sa music o kaya nanonood ng mga TikTok videos, kapag ginagawa ko 'yon nakakahanap ako ng inspiration sa mga sinusulat ko, like, "ay pwede 'tong lyrics na 'to para ikanta niya," "uy, what if ganito gawin ni *character name* kapag may ginawa siyang kalokohan?"


9. Ano ang iyong pinakahindi makalilimutan na karanasan bilang isang manunulat?

Hindi ko talaga makakalimutan 'yong hirap ako mag-sequence ng events do'n sa fanfic na ginagawa ko. 'Yong parang lagi akong nakukulangan sa mga word count kapag mag-a-update na ako. Pati na rin 'yong pino-promote ko 'yong story ko. And lastly, 'yong wala talaga pumapasok sa utak ko kasi naba-blanko ako, huhu.


10. Saan mo nakikita ang sarili mo pagkalipas ng limang taon?

Nakikita ko sarili ko na nagsusulat pa rin ng mga kwento, nakikipag-kwentuhan sa mga readers tungkol sa mga nasulat ko, binabasa mga feedbacks nila. Bonus na lang siguro kapag nakapag-publish ako ng physical book ng mga gawa ko, hehehe.


11. Ano ang iyong maipapayo sa mga bagong manunulat?

Ang maipapayo ko lang, never stop learning. Wala namang writer o author na magaling agad sa umpisa. Practice your skills, alamin mo kung saan ka mahina tapos i-shape mo 'yong kakayahan mo ro'n. Magbasa ng mga writing tips ng mga kilalang authors. Find your own writing style, gano'n.

Huwag ka rin mahihiya kapag cliché 'yong una mong nagawang kwento, halos lahat naman napagdaanan 'yan. Nerd na na-inlove sa bad boy? Nasubukan ko rin gawin 'yan, ang ending hindi ko rin natapos kasi hindi pala 'yon ang gusto kong gawin. Pero, try niyo pa rin gumawa, kung makatapos kayo, congrats! Kung hindi naman, okay lang, marami pa namang papasok sa utak mo na pwede mo maisulat.

Research din kayo, kahit hindi historical fiction 'yang ginagawa niyo, kailangan niyo pa rin gawin niya. May mga times kasi na inaccurate 'yong ibang nilalapag ng mga authors sa mga kwento nila kaya mas mabuti na ang sigurado.

Siyempre, kapag nararamdaman mong kaya ko na magsulat, share your talent! Malay mo, ikaw na next best selling author ng isang publishing house? Naks naman!

At kapag nakamit mo na lahat ng gusto mo sa pamamagitan ng pagsulat, balikan mo kung paano ka nagsimula. Huwag kang magmamadali kasi hindi naman karera ang buhay at ang daang tinatahak mo. Little by little, makikilala ka at magiging inspirasyon ka nila.

'Yon lang, hehe.


1. Magkaroon ng kapangyarihan magsulat nang mabilis o magkaroon ng kapangyarihang magbasa nang mabilis?

Magsulat nang mabilis

2. Libro o pelikula?

Pelikula

3. To be continued o the end?

The end

4. Maging mahirap pero masaya o maging mayaman pero malungkot?

Maging mahirap pero masaya

5. May drafts pero hindi matapos o may plot pero hindi maituloy?

May drafts pero hindi matapos!!!

6. Masakit na katotohanan o komportableng kasinungalingan?

Masakit na katotohanan

7. Cliffhanger o plot twist?

Plot twist

8. Maling lyrics o maling subtitle?

Maling subtitle

9. Walang takot na karakter o matatakuting karakter?

Matatakuting karakter

10. Magsulat na puyat o magsulat na gutom?

Magsulat na puyat

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro