Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

December 2022 (i) Panayam kay CreepyPervy

1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?

I love reading stories na usually creepy like may patayan but not literal na horror, then pervy kasi my friends are into green jokes and reading romance story na may lindulan.


2. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makapagsulat ng kahit anong kuwento na walang limitasyon, ano ang magiging tema nito?

Siguro, mostly yung dark side/wrongdoings and evil mind ng mga tao na hindi kayang tanggapin ng society and how will they change over the time or whatever behind their dark shades.


3. Ano ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat?

Honestly, the perspective. Kahit iisa lang tayo ng binabasa minsan nagkakaroon iyon ng iba't ibang interpretation so as a writer, nag-struggle talaga ako to build my concept na maiparating ko talaga yung concept ng mismong story.


4. Saan mo nakikita ang sarili mo pagkalipas ng limang taon?

Palaboy pa rin dito sa Wattpad and maybe, mas nag-grow na ako as a writer. Mas nakapagbahagi na rin ako ng mga story na makakapagbigay ng lesson sa marami.


5. Ano or sino ang iyong inspirasyon sa pagkatha ng kuwento na "Unwanted"?

Honestly, wala naman po. Just out of nowhere habang na sa discussion kami ng criminal law, naisip ko lang na what if magsulat ako ng kwento about this crime then tada! Nabuo ko yung plot ng Unwanted.


6. Sinasalubong ang holiday season ngayong Disyembre. Bilang isang manunulat, ano ang greatest gift na gusto mong makuha ngayon buwan at bakit?

Peace of mind, time rest and strength talaga. In adulting talaga ito 'yung bagay na nanakawin sa'yo ng mundo and I hope na makapag-unwind man lang during holiday.


7. Saan ka kadalasang kumukuha ng impormasyon o ideya para sa iyong kuwento?

Idea? Kapag may nakita o naisip lang ako na bagay then nakatuwaan ko gawan ng story pero minsan sa kapaligiran talaga. Maging observant ka lang at makinig sa paligid mo. When it comes naman sa information, do the research talaga and always compare the myth and the facts.


8. Gaano ka katagal magsulat ng kuwento bago mo ito matapos? May pagkakataon bang nahirapan kang ipagpatuloy ito? Ano ang ginagawa mo sa mga ganitong pagkakataon?

Dati, noon lalo na kapag hindi naman ako busy ay mabilis ko lang natatapos ang mga kwento ko. Magkaroon man ng mental block, relax at music lang madali kong nako-conquer yung struggle ko sa pagsusulat but nowadays, naging mahirap talaga sa akin na makatapos ng story that it took a month bago ako maka-recover. Yet, na sa puso ko pa rin talaga na gusto ko, gustong gusto ko magsulat.


9. Ano ang isang leksyon na lagi mong inaalala kapag ikaw ay nagsusulat ng kuwento?

Sa bawat kwento, akda, istorya man ng bida o kontrabida ay naniniwala ako na may aral kang mapupulot. Kailangan mo lang marinig ang boses ng bawat character/POV para maintindihan at makilala sila ng lubusan. Hindi para kampihan ang mali, kundi para iwasan kung ano ang ugat ng bawat pagkakamali.


10. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?

Your imagination is the only limitations, kaya just keep on writing. Express yourself at kapag nanlulumo ka na, or natatakot na magsulat, lagi mo lang tandaan kung bakit at para saan ka nagsusulat.


11. Ano ang mensahe mo sa iyong mga mambabasa?

Hi, bbs! To all my Ashes, alam kong sawa na kayo marinig sa akin na babawi ako, mag-a-update ako. But I swear it, you are more than anything in this world. Kayo ang blessings na kahit na anong mangyari ay hindi ko kayang kalimutan at itapon. Thank you so much sa walang sawang paghihintay sa pagong kong updates, sa walang sawang pag-intindi sa mga mali kong grammar, sa pagmamahal sa mga gawa ko at sa lahat-lahat ng suporta. Wala ako rito o wala sa akin ang mga 'to kundi dahil sa inyo. Kayo ang pamilya ko rito kahit pa hindi tayo magkakilala ng personal. My love is limitless para sa inyo. Wuvyu! Next time, bardagulan ulit tayo sa ComSec. Hihi. <3


1. Abogado o Inhinyero?

Both. Haha

2. Hamburger o Fries?

Fries

3. Mainit o Malamig?

Malamig

4. Maging sobrang talino o sobrang swerte?

Sobrang swerte

5. Diamond o Titanium?

Titanium

6. Malapad o Maikli?

Malapad

7. Korea o Thailand?

Korea

8. Dream o Nightmare?

Dream

9. Sa salita o sa gawa?

Sa gawa

10. Book Sale o Fully Booked?

Both

11. Mayaman na sikat o mayaman na di kilala?

Mayaman na sikat

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro