Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

December 2022 (i) Panayam kay archivesniayeng

1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?

My story behind my Wattpad Username is before my current one, I started with this: first name + last name + numerical numbers for my birthday = my Wattpad username ever since I debuted. However, napapansin ko na hindi ako nagiging kumportable sa ganoong setup, and baka mas lalo akong makilala ng mga tao or worst, hanapin nila ang pangalan ko sa Facebook, so I came up with a new one archivesniayeng. (RIP to my old Wattpad username, October 2015-February 2022)

The reason behind this new one is that I want to archive my thoughts — meaning itatago ko na lang lahat ng mga hinanakit at kilig ko by means of writing stories. All of my memoirs should be kept in an archive, at gusto kong bigyang buhay ng mga characters sa story ko. Relatable, ika nga.


2. Gaano kahalaga sa iyo ang pagsusulat at bakit?

Mahalaga sa'kin ang pagsusulat sapagkat rito ang nagsisilbi kong turning point sa mga oras na kailangan ko sila sa tuwing nalulungkot ako, ginaganahan ako o kapag biglaan ang nasasagap ng utak ko tungkol dito. Rito ay nilalabas ko ang aking saloobin na naipapakita ng mga karakter ko sa story at dito din nilalabas ang other side ko sa writing such as pagiging mapanakit ko, minsan itong utak ko umabot na sa pagiging mature, and some other stuff.


3. Mayroon ka bang sariling akda na nais mong irekomenda sa mga hindi pa nakapagbabasa ng iyong gawa?

Kung ire-recommend ko sa mga readers ko ang ilan sa mga stories ko, that would be "His Ultimate Fan." Paying tribute to my fangirl self, tungkol ito sa isang lalaking naghahangad na magkaroon ng interaction kasama ang babaeng tinitingala niya in person or online. Also, "Broken Hearts and Lost Souls" since this was my comeback story last 2020 na fortunately, nabigyan ito ng breakthrough sa writing career ko and it even went to Wattys2022 but sadly, hindi siya napasama sa shortlist. Marami pa siguro akong mga ire-recommend kong stories na nasulat ko para sa inyo, pero itong dalawa muna.


4. Bukod sa pagsusulat, ano pa ang pinagkakaabalahan mo sa iyong libreng oras?

Sa ngayon ay nasa Senior year na ako ng Junior High School, and I will be completely graduating by next year so medyo magpapakabusy ako by the rest of the months. Also, nagbabasa ako ng mga stories inside or outside this orange platform, writing some thoughts through my journals and nanonood ako ng mga videos on YouTube at nakikinig ng music at the same time.


5. May mga limitasyon ka bang naranasan (o nararanasan) bilang isang manunulat? Paano mo nalagpasan ang mga ito?

Limitations? Nalilimit 'yung pagsusulat ko dahil sa may mga tasks ako na kailangang tapusin, also doubting myself if I should continue writing those masterpieces of mine. Nalagpasan ko siya by resting, doing my priorities and saka ako babalik kapag feeling ko okay na ako sa nga activities ko and such.


6. Ano ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat?

Ang pinakamahirap sa'kin is someone was critiquing Broken Hearts and Lost Souls, pero parang iniinsulto nila 'yung writing style ko to the point na napapaiyak na lang ako at napanghihinaan ng loob... then after this, I've read every single lines, bit by bit until I realized na hindi siya nag-critique para i-bash ako, she did her job because she corrected my writing style starting by fillers and loopholes, and that's when I realized also na kaya niya ako ginawan ng ganito is para makapag-improve ako sa pagsusulat ko in the future.


7. Kung ikaw mismo ang manunulat sa kuwento ng iyong buhay, ano sa tingin mo ang titulo nito? At tungkol saan din kaya ito?

For me, it will be Youth Memoirs. Tungkol ito sa isang babaeng sinusulit ang kanyang mga natitirang buwan bilang isang Junior High School student, at dito niya pinapakita ang mga hirap at achievements na naranasan niya, makamit lamang ang goal na inaasam-asam niya. Mula sa kanyang mga magulang, kaklase, guro hanggang sa kanyang sarili ay rito niya na mare-realize kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito at kung bakit kinailangan niyang subukan ulit nang sa gayon ay maiintindihan niya iyon at mababaon ito hanggang sa pagtungtong niya sa Senior High.


8. Sa lahat ng karakter na naisulat mo, sino ang sa tingin mong pinakamalapit sa pag-uugali mo?

Kailangan ko po bang i-memorize iyan? SI LUIGI MORALES!

Seriously speaking, Luigi and I made some similarites about having a crush and at the same time, nagkakaroon tayo ng fanboying / fangirling mood nang dahil sa kanya, because he's just like my present self --- nagkacrush sa gamer and at the same time, mahilig sa sports. Iyon nga lang, sa side ni Luigi, nagse-settle po kasi sa red flags 'yung crush niya, kaya po nasasaktan, e. While me? Controversial po kasi kaya secret po muna. Hehe.


9. Ano ang iyong pinakahindi makalilimutan na karanasan bilang isang manunulat?

Hindi ko po malilimutan na karanasan? Is when all of my writer friends are starting to appreciate my stories and to my writing style, and even so, kahit napaka-hectic ng schedule ko as a student is nagagawa ko pa ring mag-update ng mga stories, but now, slow and steady muna ako. And not to mention, isa sa hindi ko malilimutan ay ang debut ko sa Write-a-thon Challenge noong December 10, 2021 at ang pagkapanalo ko sa isang one-shot story entry under RomancePH! Hanggang ngayon hindi ko po inakala na sa tagal kong pagsusulat sa Wattpad, naipanalo po nila ang istoryang biglang pumasok sa utak ko, and I'm so thankful for that.

And oh, not to mention. I can't forget the time when I debuted as a fanfiction author last 2021, and up until this day, may nakakapagbasa pa rin ng fanfic stories ko, at nagpapasalamat pa rin ako sa inyo. Kudos!


10. Saan mo nakikita ang sarili mo pagkalipas ng limang taon?

Five years? Still studying pa rin po, kaya may mga times na hindi muna ako makakapag-update dahil sa magiging busy na rin ako, but I'll visit my stories when I still have time.


11. Ano ang iyong maipapayo sa mga bagong manunulat?

In my seven years of writing, never in my life I have achieved my small or big wins when it comes to my stories, nevertheless, there are the times that we all have some bad chapters of our lives that we didn't expect. Kaya sa mga bagong manunulat --- hindi lang sa mga bago --- pati sa mga rising gems na rin, isa lang ang masasabi ko. Kung kaya mong magsulat ng nobela, ayos lang.

Kung kaya ng one-shot, oks lang din.

Epistolary? Definitely so!

Poetry? bleeps You go, dear writer!

As long as your words can share its meaning to the people all over the world, then it's your small win. But don't let those rudes bring you down, instead, take a break for a while and start all over again. Write not only for yourself and for your fans, but also to the people who wanted their voices to be heard. At kapag dumating ang araw na sumisikat ka na, alalahanin mo kung saan ka nagsimula. Ika nga ni Kendrick Lamar, "Sit down, be humble."

At iyan ang huwag na huwag mong kakalimutan. Okay?


1. Magsulat na puyat o magsulat na gutom?

Magsulat na puyat

2. Walang takot na karakter o matatakuting karakter?

Walang takot na karakter

3. Maging scriptwriter o maging direktor?

Maging scriptwriter

4. Maling lyrics o maling subtitle?

Maling lyrics

5. Cliffhanger o plot twist?

Plot twist

6. Masakit na katotohanan o komportableng kasinungalingan?

Masakit na katotohanan

7. May drafts pero hindi matapos o may plot pero hindi maituloy?

May drafts pero hindi matapos

8. Maging mahirap pero masaya o maging mayaman pero malungkot?

Maging mahirap pero masaya

9. To be continued o the end?

To be continued

10. Libro o pelikula?

Libro

11. Magkaroon ng kapangyarihan magsulat nang mabilis o magkaroon ng kapangyarihang magbasa nang mabilis?

Magkaroon ng kapangyarihang magbasa nang mabilis

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro