Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

December 2022 (i) Panayam kay Adjaxxent

1. Ilang taon ka nang Wattpad Ambassador at saang team ka kabilang? 

Isang taon pa lang ako na gumaganap bilang Wattpad Ambassador. Ako po ay kabilang sa Engagement Team ng naturang programa. 


2. Ano ang iyong mga ginagawa bilang Ambassador? 

Bilang kabilang sa Engagement Team Ambassador, tungkulin ko ang makilahok sa gawain, kumunekta sa aking teammates, at gampanan ang mga nakaatang na gawain sa oras ko. Tungkulin ko rin ang magpasa ng lingguhang tala ukol sa aking ginawa sa linggo na iyon. 


3. Bakit mo napagdesisyunang maging Wattpad Ambassador? 

Mahalaga sa akin ang pakikipag-ugnayan sa bawat miyembro at nagmamahal sa Wattpad. Nagdesisyon ako maging Wattpad Ambassador upang maipahayag ang aking opinyon sa kung paano ako magkakaroon ng ambag sa programa at sa mismong kumpanya. Para sa ikakaunlad ng Wattpad Community at ng mga readers. 


4. Ano ang pinakamasaya at pinakamahirap na parte sa pagiging Ambassador? 

Hindi mahirap ang maging Wattpad Ambassador, sa totoo lang. Kung buo naman ang loob mo na maging kabilang dito, walang gawain na mahirap. Sa kabilang banda, maituturing kong pinaka masayang parte ng pagiging Wattpad Ambassador ay iyong nakakausap mo ang iniidolo mo ring manunulat. Nagkakaroon ng interaksyon at mas nabubuhayan ng loob gawin ang tungkulin. 


5. Paano mo napagsasabay ang pagiging ambassador at mga pinagkakaabalahan mo sa labas ng Wattpad? 

Humahanap talaga ako ng oras para sa dalawang bagay na ito. Una, gagawin ko iyong nasa labas ng Wattpad at pagkatapos gagawin kong pahinga ang pangalan ko sa loob nito—Wattpad Ambassador. Doon pa lang, nawawala na ang pagod ko. 


6. Ano ang pinakamagandang aral na natutunan mo sa pagiging ambassador? 

Isa sa mga natutunan ko sa pagiging Wattpad Ambassador ay maging mabait sa mga tao. Kasi naniniwala ako na iyon ang pinaka mabisang paraan upang magkaunawaan ang mga nasa Wattpad Community. Hindi natin alam ang mga laban nila kaya kailangan maging mabait tayo sa lahat. 


7. Ano ang iyong masasabi sa culture at working environment ng Wattpad Ambassadors? 

May seguridad ang Wattpad para sa mga staffs at Wattpad Ambassadors. Hindi madali kumalat ang kanilang impormasyon. Hindi rin basta maha-hack ng iba sa higpit ng seguridad ng Wattpad. Isa pa, ang working environment nito ay magaan at maraming taong nais makipagkilala sa'yo kahit bago ka lang sa programa. 


8. Paano nakatutulong ang iyong pagiging ambassador bilang isang manunulat o mambabasá?

Dahil dito, natutunan ko ang ilang pamantayan upang masabi kung epektibo ba ang isang istorya dahil sa mga inilatag sa amin na criteria for judging kapag may mga contest. Ang nakuha kong detalye sa Wattpad Ambassador ay nagawa kong i-apply sa pagsisilang ng panibangong libro. 


9. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang isa sa hindi mo makalilimutang karanasan mula nang ika'y maging isang Ambassador? 

Ang isa sa mga hindi ko makakalimutang karanasan mula nang maging Ambassador ako ay noong naging isa akong judge sa Write-a-ton Challenge. Sobrang enjoy basahin ng mga entry at medyo nahirapan magbigay ng score. Magagaling at malikhain ang kanilang pagsusulat. 


10. Bilang isang Ambassador, paano mo hina-handle ang kritisismo ng ibang Wattpaders sa ating ginagawa para sa buong community? 

Hindi dapat patulan ang mga kritisismo. Manatiling nakangiti at kalmado hindi dahil dala natin ang pangalan ng Wattpad kung hindi dahil iyo ang tamang paraan upang humupa ang usapan.


11. Maaari ka bang magbigay ng mensahe sa lahat ng Ambassadors o payo sa mga nais mapabilang sa atin sa hinaharap? 

Sa mga Wattpad Ambassador o magiging Wattpad Ambassador, it's fine to feel weary. But never give the thing you love up. We have the power to control the community by means of providing better outcome. Let's be an inspiration to all of the users out there. After all, we are their back up when everything seems so wrong in their reality.   


1. E-book o physical book? 

Physical Book. 

2. Tea o coffee? 

Coffee lalo na may whipped cream sa ibabaw! 

3. Mahal mo o mahal ka? 

Mahal ako. 

4. Edward o Jacob? 

Pogi pareho, e. Edward! 

5. Jollibee o McDo? 

Jollibee! 

6. Dine-in o delivery? 

Dine-in kapag tinatamad maglinis ng pagkakainan. Lol. 

7. Forest o beach? 

Beach. Ang relaxing kasi ng tunog ng alon. 

8. Tacos o wings? 

Wings! Lalo na kapag maanghang. 

9. Tulog sa kanan o sa kaliwang bahagi ng kama? 

Kanan! Ayoki mangaliwa, e. Chos. 

10. Pusa o aso? 

Sakim ako, e. Pwede both? Chos! 

11. Sitcom o drama?

Sitcom. Ayoko kasi nang umiiyak ako!  

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro