August 2022 (iii) News From Around Wattpad
Ngayong buwan ng Agosto, narito ang mga kapana-panabik na aktibidad at balita sa Wattpad!
---
AmbassadorsPH
Kung ikaw ay nabubuhay sa kasulukuyan, may mga bagay na sobrang laki ng pinagbago mula sa nakaraan. Mga pagbabagong nagiging parte na ng buhay mo ngayon at nakasanayan na rin ng mga bagong henerasyon.
Pero paano kung isang araw ay nagising ka sa isang hindi pamilyar na lugar--at iyon ay ang nakaraan? Sa pagkakataon na 'to, nakaharap at nakausap mo ang ilan sa mga bayani na naging bahagi ng ating kasaysayan?
Ngayong buwan ng Agosto, gamitin at hasain ang iyong sandata--ang pagsusulat.
Sa loob ng 600-800 na salita, ibahagi sa amin ang nais mong sabihin sa ating mga bayani. Ano ang boses mo bilang isa sa mga bagong henerasyong nabubuhay sa kasulukuyan na tinatamasa ang kalayaan na siyang ipinaglaban nila? Isulat ang maikling kuwento na ito sa wikang Filipino na may temang "Salamat, Bayani".
Tandaan, ang bawat lahok ay susuriin base sa nilalaman, pagkamalikhain at balarila. Sa mga mananalo, tatanggap kayo ng Winner Certificates and sticker badge. At para naman sa lahat ng sasali, mayroon naman kayong Statement of Participation!
---
WattpadFanFicPH
AGOSTO na mga KaFanFics!
Dama mo ba ang lungkot dahil sa walang tigil na pag-ulan? AGusto mo bang maibsan ang kalungkutang iyong nadarama?Isa sa mga prompt na inihanda ng FanFicPH para sa mga mambabasa at manunulat ay ang "Love, Luck & Everything In Between Writing Contest".
PROMPT: Your late grandmother has told you stories about her greatest love, way back her golden time. But the thing is, you find it hard to believe when everyone in the family kept it a secret until you discovered her locket, with their old photo, which triggers you to gather evidences, leading you about the truth.
In not more than 3,000 words, write a short story regarding the said prompt, but wait, there's a twist—you're not the only one who has been searching for answers but your long time idol, too.
I-follow ang WattpadFanFicPH para sa kumpletong detalye at sa susunod pang mga update.
---
WattpadRomancePH
Balikan ang nakaraan ngayong buwan ng Agosto! Samahan na rin ito ng kilig dahil ang WattpadRomancePH ay ipagdiriwang ang pagmamahalan noong panahon.
Magsulat ng nakakikilig na kuwentong itinatampok ang makalumang panahon sa lengguwaheng Pilipino—oo, bawal ang banyagang wika!
Kung sa palagay mo ay handa kang tanggapin ang hamon na ito, manatiling nakaantabay sa mga anunsyo ng WattpadRomancePH sa darating na mga araw.
---
Wattpad Now Season 2
Nakapanood na ba kayo noong Hulyo? May inaabangan ba kayong magiging guest sa show? Kung kapareho namin ay nasasabik na kayo sa iba pang mga pakulo ng Wattpad Now Season 2, puwes, tumutok lamang sa WattpadPH profile sa kumu tuwing alas nuebe ng gabi (tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes).
Marami rin kaming inihandang mga papremyo kaya manood at makipagkulitan na!
Aasahan namin kayo, ah?
---
Wattys 2022
Bukas na para sa mga entry ang Wattys 2022!
Kung ang iyong kuwento ay eligible para sa taong ito, magsumite na ng entry at magkaroon ng pagkakataong manalo ng grand prize ng $5,000 USD!
Para sa buong detalye, bisitahin lamang ang WattysPH profile.
---
At dito na nagtatapos ang August issue ng ating newsletter. Hanggang sa susunod na buwan! Maraming salamat sa inyong suporta!
Happy Wattpadding!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro