Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

August 2022 (i) Panayam kay WormPad

1. Ilang taon ka nang Wattpad Ambassador at saang team ka kabilang? 

Mahigit pitong buwan na akong Wattpad Ambassador, kabilang ako sa Wattpad Ambassadors PH na—sa totoo lang—napamahal na ko nang bongga. 


2. Ano ang iyong mga ginagawa bilang Ambassador? 

Madalas akong hurado sa mga Write-A-Thon challenges na ginagawa o ipinapaskil ng Wattpad Ambassadors PH. Tumutulong din ako magbigay ng mga ideya o "brainstorming" kapag gagawa ng prompt para sa mga upcoming contests kasama ang buong team. Kapag kinakailangan, tumutulong din ako sa graphics katulad ng pag-edit ng certificates. 


3. Bakit mo napagdesisyunang maging Wattpad Ambassador? 

Nais kong makapagbahagi ng knowledge ko para sa ikauunlad ng mga kapwa ko manunulat. Sana nga lang, nakakatulong ako sa paraang naisip at nagawa ko na. Hahaha. Malaking oportunidad 'to dahil gusto ko ring makatulong sa community. 'Tsaka 'yong kagustuhan ko ring makatulong sa mga ambassadors. At the same time, broaden 'yong horizon ko. 


4. Ano ang pinakamasaya at pinakamahirap na parte sa pagiging Ambassador? 

'Yong pinakamasaya 'yong kapag lahat ng buong team nag-uusap-usap para mag-isip ng bagong prompt o pakulo para masubok ang pagkamalikhain ng mga manunulat na nakikilahok sa mga Write-A-Thon challenges namin. Minsan nagkakandasabog-sabog 'yong mga ideya kaya mababaliw ka na lang kakatawa. 'Yong bagay na pinakamahirap para sa'kin, wala naman. Kasi gusto ko't passion ko 'tong ginagawa namin. Masaya ako sa naging choice ko na 'to. I'm undeniably happy to help. 


5. Paano mo napagsasabay ang pagiging ambassador at mga pinagkakaabalahan mo sa labas ng Wattpad? 

Time managament at tamang dedikasyon o "commitment". Inaayos ko 'yong schedule ko at sini-set ko 'yong mga priorities ko. Kapag maayos kasi at clear 'yong flow ng schedule ko, 'di ka rin mawawala o mangangarag. At the same time, nadidisiplina mo rin ang sarili mo. 


6. Ano ang pinakamagandang aral na natutunan mo sa pagiging ambassador? 

'Yong pagiging open sa ibang ideya ng mga kapwa ko ambassadors sa team. Walang tama o maling ideya. Lahat ay counted. Lahat ay valued. 


7. Ano ang iyong masasabi sa culture at working environment ng Wattpad Ambassadors? 

Nakakatuwa na maunawain 'yong mga kasama mo. Naiintindihan nila at handa silang makinig kung may problema ka man. Mararamdaman mong welcome ka kahit ano ka pa. Hindi mo matatawag na team lang ang mga kasama mo. Mas tamang sabihin na pamilya 'to. 


8. Paano nakatutulong ang iyong pagiging ambassador bilang isang manunulat o mambabasa? 

Bilang isang manunulat, mas napapaunlad pa 'yong kaalaman ko sa gramatiko pati sa istraktura ng kwento. Napapalawak din nito ang imahinasyon ko kapag naglalapag ng prompt, kahit ikaw mapapaisip kung paano mo pag-e-eksperimentuhan ang isang cliché scenario. Makakaisip ka ng mga "outside the box" na mga senaryo. 


9. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang isa sa hindi mo makalilimutang karanasan mula nang ika'y maging isang Ambassador? 

'Yong panahon na naisip kong bumitaw sa pagka-ambassador dahil may pinagdaraanan ako at masyado akong kino-consume ng lungkot, may dalawang ambassadors na handang makinig at magbigay ng pieces of advice. Sila 'yong nagtulak sa'kin na 'wag iwanan ang pagiging ambassador. Na sa kabila ng pinagdaraanan ko, naniniwala sila na balang araw, makakaahon ako ro'n. 


10. Bilang isang Ambassador, paano mo hina-handle ang kritisismo ng ibang Wattpaders sa ating ginagawa para sa buong community? 

Tinitingnan ko bilang "constructive" 'yong mga kritisismo. Ginagawa kong dahilan 'yon para mas pagbutihan o kung may kailangan pang paunlarin sa pagiging Ambassador ko. You can't let your emotions rule over. Kaya sa lahat ng oras, dapat i-priority mo 'yong pagiging rational dahil bitbit mo ang pangalan ng Wattpad Community. 


11. Maaari ka bang magbigay ng mensahe sa lahat ng Ambassadors o payo sa mga nais mapabilang sa atin sa hinaharap? 

Sa mga kapwa ko Ambassadors, gusto ko lang sabihin na lahat ng efforts at contributions niyo ay appreciated. Parati sana natin tatandaan na kahit gaano pa kataas ang marating natin sa buhay, manatili sanang nakatapak sa lupa ang ating mga paa. 

Para naman sa mga gustong mapabilang sa'min, 'wag kayong matakot na subukan. Marami kayong matutunan at nasisiguro kong mag-e-enjoy kayo. Hindi kayo magsisisi dahil mainit namin kayong tatanggapin at nagagalak kaming makasama kayo sa biyahe bilang Ambassador. 

Pero always bear in mind na gawin mo ang isang bagay dahil willing ka talaga—hindi dahil napipilitan o para sa "recognition". You gotta have that strong adherence to what you've entered. 


1. E-book o physical book? 

Physical book 

2. Tea o coffee? 

Coffee kahit acidic haha 

3. Mahal mo o mahal ka? 

Mahal mo 

4. Edward o Jacob? 

Jacob 

5. Jollibee o McDo? 

Sa bubuyog, I trust. Hahaha. Jollibee. 

6. Dine-in o delivery? 

Dine-in 

7. Forest o beach? 

Beach 

8. Tacos o wings? 

Nakakagutom ha. Wings syempre. 

9. Tulog sa kanan o sa kaliwang bahagi ng kama? 

Paano pag walang kama? Hahaha. Jk. Kanan. 

10. Pusa o aso? 

Both!!! 

11. Sitcom o drama? 

Drama 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro